•=•Chapter 3•=•
Kaibigan"Hoy! Hoy!!! SMART-ALECK!!! Aish... Ano ba yan..." Naglalakad lang ako. "Wag ganyanan! Hoy! SNOB!!! OYYY!!!" Hindi ko siya pinapansin. Alam mo kung bakit? DINALA AKO SA BAR EH!
Flashback
"Wait... Saan ba tayo?" Kung saan-saan kasi ako dinadala!
"Bilis! Sakay!" Sabay pasok sa kotse niya.
"Tangena! Saan kasi tayo pupunta!? May History class pa ako eh!" Hindi pa rin ako pumapasok! Wala nga akong planong mag cutting! Pucha!
"Basta! Kailangan mo to!" Siya na mismo yung bumukas ng pintuan at hinila ako papasok.
"Aish!"
"Mag seatbelt ka, pre." Sinunod ko naman siya. Saan ba ako dadalhin nito?!
Tahimik lang ako habang nag dadrive siya. Malay ko ba.... Biglang mangaaya kung saan man itong pupuntahan namin. Badtrip! Wala na! Absent na ako sa History! Nakakainis!
Tumigil na yung kotse. Pucha! BAR!? "Hoy! Bakit tayo nandito!? Anong trip mo!?"
"Hindi ka pa ba nakakaranas ng pumasok sa bar?" Gago ata to ah!
"Hindi! Kaya alis na tayo!"
"Nope. Kailangan mong matutunan makipag usap sa mga tao. Lalo na sa mga chicks." Sabay turo sa babaeng maganda yung legs. Ay wait... Hindi! PUTANGINA! HINDI AKO PERVERT!
"Xyred! Please naman! Imposible ata yang inaakala mo! Dali na! Balik na tayo sa campus!!!" Ayaw pa rin niya! Ang tigas ng ulo!
"Trust me nalang, Yhuki." At bumaba sa kotse, hila-hila ako papasok! Woooowww.... Imagine niyo yung asong hinihila... Ganon yung pagtatrato saakin!
Pagkapasok namin sa loob.... Gagi! Ang ingay! Ang daming taong lasing! May iba pa nga nag hahalikan na parang walang tao sa mundo! Yung iba sumasayaw na parang tanga sa dance floor! Ewan ko nalang kung may nangyayaring kababalagha dito... Ayaw kong alamin.... Masyadong inosente yung utak ko...
Pinaupo niya alo sa may bandang counter, tapos tumabi siya saakin. "Dalawang Tequila kuya!" Ano yun!?
"Hoy! Hindi ako iinom!" I demanded! Aba! Kahit 18 na ako, hindi ako iinom no!
"Kj ka masyado... Uptight pa... Dali na kasi! Kahit one shot lang!" Kung epal lang talaga ako, malamang nasapak ko na tong shokoy na ito!
Wala akong magawa kundi sumunod sakanya.... Ano kaya reaksyon ni dad pag nalaman niyang uminom ako? Malamang magagalit yun ng big time...
Yung unang lunok ko... Medyo napangitan ako sa lasa.... Pero nang tumagal-tagal na.... Nagugustuhan ko naman! Hindi ko alam bigla-bigla nalang pumitik yung utak ko! Gagi! Lasing na ata ako!
"Oy! Smart-Aleck! Okay ka lang?" Tanong ni Xyred... Pangalawang shot na niya hindi pa lasing. Sanay na ata to.
"Shet! Ang sakit ng ulo ko!!!"
"Malamang. Bar to eh. Iniinom mo matindi eh. So... Talagang mag paparty yang utak mo." Sabay inom pa.
"Tae naman Xyred!" Kaso... Biglang nangiba yung pagiisip ng utak ko! Tumayo ako at dumiretso sa dance floor!
Hindi ko namalayang may babaeng nangfliflirt. Lasing rin eh... "Hi...." May pa piyok pa yung boses. Nako! Lasing na rin ako! Diyos ko po!
"Hello miss..."
The unxpected came! Hinila niya ako at hinalikan! Putangina! Unang paghahalik ko ata ito! Pero... Lasing nga ako! Kaya nahalikan ko siyang pabalik!
Yung halik namin parang ba gutom na gutom ako sakanya. Hinila ko siya ng hilila para mas dumiin yung paghahalik namin. Siya naman bumitaw at ginulo gulo yung buhok ko! Gagi! Patay ako kay dad nan!
May naramdaman nalang ako na kamay na umaakyat sa loob ng damit ko. Doon na ako pumigil! Baka kung saan pa mapuntahan namin nito eh. Hinawakan ko yun kamay niya, "No miss..."
Namula siya at tinanggal yug kamay niya... "S-sorry... Medyo nadala lang... Ang sarap mo kasing humalik..." Tapos tumakbo na ng paalis. Sht!
"What happened? Ang intense nun ha! Fierce kiss!"
Tiningnan ko lang ng masama si Xyred at umalis na sa bar. Putangina!
Back to the present
"Yhuki... Sorry na!" Bumubuntot eh. Kahit saan ako pumunta nasunod.
"Bakit mo ba kasi ako dinala dun!? That was embarrasing! I smooched it off with a random woman! We might have ended up badly if I didn't have the senses to!" Sabay titig ng masama.
"Nagustuhan mo naman." Tapos taas kilay.
"Ewan ko sayo!" At tumalikod papaalis.
Kaso humabol siya at nasa tabi ko ngayon, puchang gala... "Aminin mo na kasi! Nagustuhan mo yung paghahalik mo sa babaeng iyon!"
I paused.... "Gago ka ba?"
"Umamin na kasiiii!!!" Parang bata! Nakakaiinis naman tong lalaki na ito!
"Bakit hindi ka makisama sa mga tropa mong magaling mag basketball!? Diba!? Dare lang naman ito diba!? Iwanan mo na ako!" At lumayo sa kanya.
"Hindi ko sila katropa..." Nang pagkasabi niya nun, napapigil lang ako sa pagalalakad.
"Hindi din to dare... Ako mismo ang gustong makipag kaibigan sa iyo.... Wala akong pakielam sa mga lalaking iyon. Masyadong mayayabang. Matataas ang tingin sa sarili. Nakakaburaot silang kasama. Maniwala ka man o hindi.... Mas gusto kong napagiisa... Lalo na pag hinahabol ako ng mga babae..." Ano sasabihin ko? Nakatayo lang ako doon eh... Wala akong masabi... Feeling ko napakasama kong tao... Masyado akong nagduda...
Lumapit siya at inakbayan ako, "Kaya please Yhuki? Pwede bang bestfriends tayo? Kailangan ko ng kausap, kailangan mo ng kasama... Pwede naman yun diba? Dalawang gwapo na lalaki bestfriends?"
"Wag ka nalang mangbola. It's irritating as hell...." Totoo naman.
"Hindi ako nangbobola. Talaga namang gwapo ka eh! Lagi ka kasi nagtatago! Sige... Gusto mo pustahan tayo?"
Nag acting ako ng pagisip-isip... "Hmmm... Ano yung catch?"
"Pag ako nanalo..... Ikaw manlilibre saakin ng lunch for a week."
"What if I win?"
"Tuturuan kita kung paano makipag usap sa mga tao. Or... Kung ano yung gusto mong matutunan."
"Sounds fair..."
"But I have to warn you..." Parang nanginig yung spine ko....
"What?"
"I never lost a bet..." At ngumiti ng mangisngi bago umalis.... Welp.... Bye bye ipon. Pero hindi rin.... Ako? Gwapo? Nako.... Yan ang hindi pwedeng mangyari.

BINABASA MO ANG
Will you take me?
RomanceYhuki Francisco had nothing much in life... All he had ever done was walk, stroll, observe, or stand by in places his attention might think as interesting. A young teenage boy who had done nothing in life, yet great in academics. Until one faithful...