II

614 26 12
                                    

Friday nanaman.

Another cruel day for Emerly the witch.

Puno ng kaba akong umupo sa proper seat ko. Lahat kami nanatiling tahimik. Nangalahati na kami ng year pero parang ang tagal pa ng paghihirap na to.

"Let's pray." Matapos ang seremonya. Sinuot na namin ang blind fold namin.

Yung vice president namin, may one violation na.

Sumunod na binanggit na pangalan, si Jacob. Yung escort namin na boyfriend ng muse namin na si Christine. Tatlong marka. Tatlong pagkakamali.

Bumunot na kami at sabay sabay namin itinaas. Letter B ang nakuha, at number 5.

Narinig ko na ang mga hakbang. Papalapit na si Jacob kay Emerly.

"Nooo! Please... wag mo siyang sasaktan!" Nilapitan ni Christine si Jacob at parang nanlalaban na tigilan ni Emerly pero nakarinig kami ng malakas na bagsak. Wala ng ingay.

Hagulgol nalang ni Jacob ang naririnig namin.

Ang sakit sa dibdib na nandito kami lahat ngunit walang nanlalaban at gumagawa ng paraan para matulungan si Jacob. Lahat kami takot.

Lumipas ang mga 20 minuto. Nagsalita na si Emerly, nakabalik na siya.

Dugo... Yun ang sumalubong saamin.

Duguang sahig na gumising sa akin.

Duguan ang mukha at damit ni Emerly.

"Sa mga cleaners ng friday, linisin niyo yan." Umalis na si Emerly pagtapos niya sabihin yun. Natulala ako. Agad na kumilos ang mga cleaners habang yung iba hindi padin makapaniwala sa nakikita nila.

Wala si Jacob at Christine.

Malamang ang dugong nandito, kay Christine ito. Yung pagbagsak na narinig namin, hindi na nasundan ng boses ni Christine yun

Lumipas ang ilang araw, hindi na muling nagpakita si Jacob at Christine. Pareho na silang naglaho ng parang bula. Hanggang sa nagcheck uli ng attendance yung adviser namin.

Nilagpasan ang pangalan nilang dalawa.

Hindi nakapagpigil si Roxan, yung seatmate ko. Nagsalita siya bigla.

"Paano si Jacob at Christine? Alam niyong absent sila ma'am?" Lahat kami napatulala sakanya. Kinabahan ako para kay Roxan. Napalingon ako saglit kay Emerly. Parang wala siyang pakeelam at patuloy lang siya sa pagbabasa.

Hindi siya pinansin ng adviser namin at nagpatuloy lang to sa pagbasa ng mga pangalan matapos nun.

"Ma'am, si Jacob at Christine..." Hindi na natapos ni Roxan ang mga sasabihin niya ng bigla nalang tumayo yung adviser namin at parang takot na takot na tumingin kay Emerly.

"H-Hindi ko na kaya... I'm sorry." Nanginginig ang mga kamay niya habang binubuksan ang bag niya. Hanggang sa nilabas niya ang isang kutsilyo. Lahat kami natahimik.

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon