V

417 20 8
                                    

10 years ang lumipas...

Sampung taon matapos ang panaginip na iyon.

Hindi ko na kayang balikan pa at isiping muli ang mga pangyayaring yun, pero kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan ang lahat.

Ngayon ang araw na mag rereunion kami ng mga dati kong classmates. Sila Sharme, at ang iba pa.

Ako din kasi ang nagsabi nila na ngayon na mismo gawin dahil ngayon din ang araw ng pagkamatay ni Emerly.

Madami akong bagay na gustong sabihin sakanila tungkol sa mga nalaman ko sa loob ng sampung taon na iyon tungkol kay Emerly.

Hindi ko man alam ang buong detalye pero may ideya na ko sa lahat ng ito.

Ilang beses ko ng tinangkang makipag kita sakanila pero ang iba kasi nag tatrabaho nadin kaya mahirap dahil iba iba kami ng schedules pero mabuti naman at sa ngayon ay mukhang lahat ay makakapunta.

Nagaaral padin ako ng education hanggang ngayon. Yun kasi ang course na kukunin ko. Napag-pasiyahan ko na din na sa school ko nalang nung high school ako mag aapply once na grumaduate ako para hindi na ako mahirapan mag-hanap ng trabaho. 

Habang nagaayos ako ng mga gamit may nakita akong isang bagay na agad namang nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Yun phone ni Emerly.

Bigla kong naaalala nasa drawer ko nga pala yun nilagay. Tinitigan ko pa iyon saglit. May mga bakas pa ng dugo... Hindi ko na tinangkang linisin pa yun dahil natatakot akong mangeelam.

Kahit kailan hindi ko na tinangkang buksan yung phone na iyon.

Dumaan na ang oras, hanggang sa isa isa na silang nagsi-datingan sa bahay ko.

Naging masaya ang lahat. Maraming tawanan, kwentuhan tsaka inuman. Sobrang saya naming lahat, katulad ng saya namin matapos mawala si Emerly sampung taon na ang lumipas.

Ng makita kong medyo pagabi na, bago pa maguwian ang lahat sinubukan ko ng sabihin ang totoong pakay ko sa pagpapapunta sakanila.

"Maraming salamat sa pagpunta ninyong lahat. Pero may gusto sana akong sabihin sainyo, tungkol ito kay Emerly."

Nawala ang atensyon nilang lahat saakin ng biglang tumugtog ng napakalakas ang radyo, Hindi ko alam kung sino ang nag bukas non pero naging dahilan yun para hindi makinig sakin ang mga tao at magsimula na silang muling magsayawan at magkantahan.

Napahinga nalamang ako ng malalim. Paano ko masasabi sakanila ang tungkol dun kung wala naman silang balak makinig saakin?

Sa inis ko, umakyat na lamang muna ako sa kwarto ko para makapag-isa.

Nahiga ako sa kama at napaisip ng malalim...

Yung phone ni Emerly, bakit ba napaka duwag ko at ayaw kong pakeelaman yun?

Nagdalawang isip pa ako, pero sa sobrang inis ko kinuha ko na yung phone ni Emerly.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan yung phone niya.

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon