III

492 23 9
                                    

A decision that can be the worst for my entire life.

But it can also be the way...

Ano nga ba ang dapat kong isipin?

Hindi ko alam.

Sharme, bakit mo ginugulo ang isipan ko? Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong dapat kong isipin at gawin. Dapat bang makipagkita ako sainyo ng sabado? O hindi? Paano kung makatulong to saating lahat? Paano kung hindi? Paano kung mahuli kami ni Emerly?

Gulong gulo ang isipan ko sa mga oras na iyon.

Pero isa lang ang pakay ko,

Matapos na ang lahat.

Kahit takot na takot ako sa mga oras na iyon,

Kinuha ko ang letter at nagsimula na akong maglakad papaalis.

Isa lang ang nasa isip ko.

Si Emerly.

Nagdadalawang isip ako hanggang ngayon. Natatakot ako. Hindi ko na hahayaang madagdagan ang linyang iyon pero, paano ko magagawa yun?

Sa pagsunod kay Emerly, o sa pagsuway sakaniya?

Huminga ako ng malalim. Gulong gulo ang isip ko sa mga oras na iyon. Gusto kong matapos na ito, pero alam ko na hindi ito matatapos hangga't hindi ako nawawala, o hangga't hindi nawawala si Emerly.

"Mabuti naman at pumunta ka, Sophia" masayang sabi ni Sharme saakin.

Napatingin ako sa paligid, walang katao-tao. Tanging kami lang ni Sharme ang nasa kwartong iyon, sa una ay nagtaka ako dahil sila ang binaggit niya sa letter niya saakin. Ang kahulugan nito ay madami sila. Pero, iisa lang siyang nandun at kaharap ko sa araw na iyon.

Maya maya pa sumenyas si Sharme, nagulat ako ng makita ko ang iba pa. Sa pagkakaalam ko, silang lahat yung mga naka-1 marka na. Mga nasa 8 silang nandun.

"May plano ako, Halika." Tumuloy ako sa kwartong iyon. Sa mga oras na iyon, hindi padin naaalis ang kaba ko. Takot na takot akong mabuking kami ni Emerly. She's so smart, kaya hindi imposibleng hindi niya malaman ito.

"All we need to do is to get Emerly's phone. Alam naman nating lahat na walang nakakahawak ng phone na iyon. Siguradong magtataka siya kapag nawala iyon, kapag nagsimula na siyang maghanap, patutunugin natin yung phone niya, once na mahanap na niya iyon sa isang vacant room, there... Sisimulan nating matalo si Emerly."

Emerly's phone.

Where we can find all the mysteries about Emerly.

Natatandaan ko pa ang nakita ko sa phone niya. Maaaring nandun lahat ng lihim niya. Kung paano siya nagalit saakin, Kung paano niya ako titigan. Mukhang mandun lahat ng tinatago niya.

Nandun ang mga dapat kong hindi malaman.

Pagtapos bannggitin iyon ni Sharme,

Hindi na ako nagtanong dahil alam ko na kung paano...

We will kill the witch

Inangat niya ang kamay niya at tinapat ito saakin...

"Deal?" Lalo akong kinabahan sa mga oras na iyon. Wala na akong kawala, Ito na ang panahon na kakalabanin ko ang kinakatakutan ko.

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi na ako pwedeng umatras. Nakipagkasundo na ako. Nakiisa ako sa mga taong kakalaban kay Emerly.

"At ang gagawin mo, ikaw ang kukuha ng phone ni Emerly. At kami ang papatay sakaniya."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ako?

Ako ang magiging pain nila kay Emerly?

Imposible. Pero kailangan kong gawin.

Mas pipiliin ko na iyon, kesa ako ang pumatay kay Emerly. Hindi ko kayang pumatay. Pero hindi ko din kayang maging pain.

Isa lang ang solusyon, magpakatatag ako. Kailangan kong gawin iyon, para sa aming lahat, para kay Denyse, at para sa iba pang pinahirapan niya.

Emerly why are you doing this to us?

Ano ba talagang pakay mo?

Bakit mo ito ginagawa?

Bakit kailangang umabot sa ganito ang sitwasyon...

Wala na akong magagawa, ito na ang nakatakdang gawin namin. 

This is the only way to set our souls free...

We will kill the witch.

We will kill Emerly.




Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon