VI

215 12 15
                                    

Dahan dahan kong minulat at mga mata ko, nakahiga padin ako sa sahig ngunit umaga na... at nakita ko ang mukha ng pinakamagandang babae na nakilala ko.

"Angel..." She faked a smile, sa kabila ng ginawa ko, Nagawa niya padin akong hindi saktan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o magalit sa sarili ko, sa nagawa ko kay Angel. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

"I'm sorry Angel, I'm very very sorry." Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang palad niya sa luha ko.

"I'm sorry, Ethan... You deserve to live happily, and that will not happened if you stay with me." Pinigilan ni Angel ang mapaluha.

Lumapit siya saakin, at sa huling pagkakataon, Hinalikan niya ako.

The last kiss that I will never forget...

"I need to leave you now..." Malungkot na sabi ni Angel. Sobrang nalungkot ako, parang dinudurog ang puso ko ng sabihin yun ni Angel. Pakiramdam ko pinatay ko ang pangalawang pinakamahalagang babae sa buhay ko...

Tanggap ko na wala na ang mga magulang ko, Pinatawad ko na si Angel sa nagawa niya. Hindi niya kasalanan ang lahat, walang may kasalanan at yun ang bagay na paninindigan ko.

Siguro nga tamang maghiwalay kami ni Angel... Tama na lumayo siya saakin. Pero kahit tama man yun, Hindi ko padin maaalis sa isip ko na mahal ko si Angel, Hindi ko maaalis sa isipan ko ang mga ala-alang magpapalungkot at magpapaiyak saakin.

"Please Angel, before you leave... I want to hear you sing" yun ang bagay na matagal ko ng gustong gawin niya, para saakin. Gaya nga ng sabi ko dati kahit isang beses hindi ko pa narinig na kumanta si Angel.

Hindi ko palalagpasin na sa huling pagkakataon ng pagkikita namin ay hindi ko manlang maririnig ang boses niya...

Ngumiti saakin si Angel... Then she started singing

Napaka-angelic ng boses ni Angel, sobrang ganda ng boses niya, parang Anghel mula sa langit, napaka-ganda ng boses ni Angel... Hinding hindi ko makakalimutan ang tinig niya.

Ito na siguro ang araw na pinakamalungkot, at punakamasayang pangyayari na habambuhay kong isasaisip.

Kahit na unti-unti kong pinanood na mawala saakin ang minamahal ko, alam ko sa sarili ko na mahal niya ako, at mahal na mahal ko siya.

Love never dies, and so as Angel.

Alam nating lahat na sa mundong ito, May katapusan ang buhay natin. Kaya habang maaga pa, kailangan nating pahalagahan ang lahat ng magagandang bagay na dumadating sa buhay natin. Kailangan nating bigyan ng pagkakataon para pahalagahan at mahalin, Sandaling pagkakataon na magdudulot saatin ng kaligayahan, Tama man o mali ang pagmamahalan na iyon, Habambuhay ko isa-saisip na ito ay isa sa pinakamahalagang pangyayari na nagyari sa buong buhay ko.

Kahit na hindi man kami para sa isa't isa. Masasabi kong isang malaking blessing sa buhay ko si Angel. This is one of the best moment in my life.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko, alam ko sa pagmulat ko... Hindi ko na siya muling makikita. Hindi ko na uli makikita ang babaeng pinakamamahal ko.

I smiled.

She deserve to live happily and free.

I will never forget my Amaranthine...

I will never forget that evil Amarathine.

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon