I

327 14 8
                                    

Highschool ako ng makilala ko si Angel. Isa siya sa mga member ng choir. Lagi akong nanonood sa mga practice nila dahil natutuwa ako ng nakikita siyang kumakanta, kahit hindi ko man lubusang naririnig ang boses niya dahil sabay sabay silang kumakanta pero alam ko na napaka-ganda ng boses niya.

Isang simpleng tao lang si Angel. Siya yung tipo ng tao na kahit kailan hindi ko nakitang nag-suot ng puting damit o kahit anong light colors. Lagi lang siya naka-brown na dress. Lagi niyang dala yung bag niya na may keychain na hugis puno.

Napaka immature niya kung tititigan mo siya. Mukha nga siyang elementary kahit fourth year highschool na kami nun.

Napaka- angelic ng mukha niya.

Napaka-perpekto ng buong pagkatao niya.

Yun ang buong akala ko noon...

Una kong nakita si Angel nung third year palang kami, tandang tanda ko pa yung araw na yun...

Yun yung araw ng birthday ni mama.

Yun din ang araw ng pagkamatay niya.

Naglalakad ako pauwi nun, galing ako sa practice namin ng basketball ng mapadaan ako sa art class.

Ang buong akala ko walang katao-tao sa school ng mga oras na yun pero nakita ko si Angel.

Nandun siya sa loob ng art room at nagpapainting.

Sa sandaling minuto na yun, na nakita ko siya...

Sobrang nagandahan ako kay Angel.

Napaka-simple ng itsura niya. Napaka-inosente. Maihahalintulad ko siya sa pinakamagandang bulaklak sa buong mundo.

Napaka- perpekto ng mukha niya.

Tandang tanda ko pa ang pinapainting niya nun.

I guess, it's under the ocean scene. May mga isda kasi tsaka may mga sirena kaya nasabi kong under the ocean yun.

Dun na nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay ko...

Simula ng malaking pagkakamali ng buhay ko...

Si Angel yung klase ng babaeng walang pakeelam sa paligid niya kaya naman sigurado akong hindi niya ako napapansin dati palang. Hindi niya ako napapansin na laging nakatitig sakaniya. Hindi niya napapansin na ilang beses ko ng ginuhit ang mukha niya.

Aaminin ko, marunong ako mag-drawing kahit papaano, yun kasi ang talent ko bukod sa pagbabasketball. Pero simula ng nag fourth year ako, tinigilan ko na ang pagbabasketball. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may ibang bagay akong dapat pagtuunan ng atensyon... Hindi siguro para saakin ang larong basketball.

Akala ko hindi niya ako napapansin, hanggang sa isang araw...

Naglalaro ako ng rubics cube nun habang naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko siya. Bumilis ang tibok ng puso ko nun. Sobrang kinabahan ako.

Sobrang lapit niya saakin, yun ang unang beses ng makita ko siya ng malapitan...

Dun ko lang nakita na mas maganda pa pala siya sa inakala ko.

Sa mga drawings ko, malalayo palagi yung mukha niya dahil hindi ko magawang lumapit sakaniya kasi baka mahalata niya ako.

Sandali akong natahimik ng umiwas nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na yun kaya naisip ko na magsalita na ako... Pero naunahan niya ako

"Sobrang bilis ng heart beat mo... Pakalmahin mo ang sarili mo"

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon