V

189 10 4
                                    

Habang tumatagal na magkasama kami ni Angel, Lalo akong nagdududa sa mga kinikilos niya. Hindi ako nakuntento sa mga nakita ko, Pakiramdam ko may mga bagay pa akong dapat malaman. Nagsimula ang mga pagdududa ko ng...

Sabado yun ng magpasiya akong maglinis ng bakuran. Hindi ko maiwasang mapalingon sa bintana ng kwarto ni Angel dahil kahit isang beses hindi ko pa nakita yun. Alam kong kailangan ko siyang bigyan ng privacy pero sa tingin ko may tinatago siya...

Napahinto ako sa pagwawalis ng mapansin kong bukas yung bintana niya. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Malinis at maayos. Madaming bagay na nasa loob, pero makikita mong organize siya sa mga gamit niya. Agad ko namang napansin yung picture frame na nakasabit sa bandang kaliwa ng pintuan niya.

Hindi kaya yun ang pamilya ni Angel? Dahan dahan kong tinitigan ang bawat mukha nila. Nasa pagitan siya ng dalawang tao, na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga mukha nila. Hindi ako maaaring magkamali...

Si papa yung nasa litrato kasama si Angel, at isa pang babae na sa tingin ko ay nanay niya.

Hindi ako pwede magkamali, si Papa yung nasa litrato at sa tingin ko around 20's pa si papa sa litrato, pero kung si papa nga yun bakit hindi nagbago ang itsura ni Angel? Kung anong itsura niya sa litarto ganun padin ang itsura niya ngayon...

Sa mga oras na yun, nagduda ako. Pero naisip ko na imposible at baka kamukha lang ni papa yun. Hindi ko na natanong sakaniya kung sino man yung kasama niya sa litrato na yun.

Matapos ang isang lingo, dumating na ang araw ng birthday niya. Nakakahiya nga dahil hindi ko manlang alam kung kailan ang birthday niya.

Lunes nun matapos ko linisin yung kwarto ko ng lumapit siya saakin.

"Birthday ko ngayon, Ethan" gulat na gulat ako ng malaman ko na birthday niya pala nung araw na yun, ni-hindi manlang ako nakapaghanda para sakanya.

"Seryoso ka ba? Angel, I'm sorry hindi ko alam."

"No it's okay" she said while smiling at me.

"Wait, bibili ako ng cake." Paalis na sana ako pero pinigilan niya ako, Hinila niya ang kamay ko pabalik.

"No, I don't celebrate anyway." She hugged me. Para bang sinasabi niya na wag na ako magabala pa dahil masaya na siya ng magkasama kaming dalawa. Napangiti nalang ako, pero hindi pwede yun.

Bago magmidnight sinorpresa ko siya. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya habang dala ko yung cake at may ilang mga balloons din akong nabili.

"Angel, Happy Birthday." Pero imbis na matuwa siya nakita ko sa mukha niya pagbangon niya sa kama na galit na galit siya. Tinulak niya ako palabas tsaka niya isinara yung kwarto niya.

"What are you doing Ethan?! You know you're not supposed to go inside there..." Natigilan siya ng mapansin niya ang mga dala ko. Dahan dahan siyang napangiti saakin.

"Thank you, Ethan"

"I'm sorry Angel, I just want to surprise you." Then I hugged her.

"How old are you anyway?" She laughed.

"Trust me, you don't wanna know"

Dumating ang panahon na medyo naramdaman ko a yung gastos kahit sa sarili ko lang. Hindi ko maiwasang bumili ng mga bagay bagay sa city kaya naman nagpasiya akong magtrabago. Hindi naman nagalit si Angel at natuwa pa siya sa gusto kong gawin.

Hindi naman ako nahirapan maghanap ng trabaho, Hindi ko na kailangan ng malaking kinikita dahil extra money lang naman ang kailangan ko, tulad nga ng sabi ko, Lahat na ng kailangan namin ni Angel nasa harap na namin. Nakakuha ako ng trabaho sa isang restaurant bilang cashier, Mabait ang mga tao doon at hinayaan nila akong makapagtrabaho kahit na bata palang ako. Simula ng nagtrabaho ako, nabawasan na ang panahon namin sa isa't isa. Madalas gabi na ako umuuwi, Wala naman kasi akong magawa sa bahay kaya mas pinipili kong mag over time. Si Angel naman tulog na tuwing pagdating ko, umaga lang kami nagkikita.

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon