IV

410 20 4
                                    

I felt very very guilty that day.

But what else can I do?

I made a deal with those people. So I did it.

For everyone else it's a normal day, but to our section it's not.

Pumasok na ako sa room, friday ngayong araw siguradong may mawawala nanaman.

Napalingon ako sandali kay Emerly, pero agad kong inalis ang tingin ko. Hindi ko kayang tumitig sakaniya ng matagal dahil natatakot ako sakaniya. Sino ba namang hindi takot kay Emerly?

Mukhang normal lang sa araw na iyon, pero sa loob ko, sobrang kinakabahan ako. Dumaan ang ilang oras, palapit ng palapit ang uwian. Malapit na naming simulan ang plano namin.

Napalingon ako sa gawi ni Sharme, para bang sinasabi niya sa tingin niya na simulan ko na ang plano.

Iniwas ko ang tingin ko sakaniya ngunit sunod sunod na titig ang inabot ko. I want to ignore them but, we made a deal.

Huminga ako ng malalim. Inangat ko ang ulo ko at dahan dahan akong lumingon sa ikinauupuan ni Emerly, alam ko kung saan niya nilalagay yung phone niya. Tuwing lunch break hindi niya dinadala yun kasi madaming tao sa cafeteria. I'm sure, It should be there.

Tumunog na ang bell.

Simula na ang plano.

Lahat ay nag kaniya-kaniya ng labas kasama na dun si Emerly, kasama ito sa mga rules niya, dapat walang babalik sa room hangga't hindi pa nagbebell. We need to spend our 15 minutes outside the classroom.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng makita kong nakatitig saakin si Emerly. I did my best to act normal pero lalo akong kinabahan ng lapitan niya ako.

"Tell the guard I'm giving this to him."

Pagtapos niya sabihin iyon, may inabot siya saaking paper bag.

Tumango ako at nagmadaling umalis.

Yung guard na tinutukoy ni Emerly. Matagal na iyong magtatrabaho dito, simula palang nung nursery ako nandito na yun. Matandang matanda na ang itsura niya kaya naman sa tingin ko malapit nadin magretire yun.

Hindi ko mapigilang magtaka kung anong laman ng paper bag kaya naman binuksan ko iyon,

Isang liham.

Nakalagay ito sa isang envelope na mukhang sobrang luma na. Napakalaki ng paper bag pero, ito lang ang laman?

Lalo akong nagtaka ng mabasa ko ang pangalan sa likuran ng envelope.

"espinenzia"

Yung pangalan ng babaeng nasa picture sa phone niya.

Kinikilabutan na ako, pakiramdam ko may dapat pa kaming malaman tungkol kay Emerly, Kailangan naming malaman kung sino si Espinenzia.

"Good Afternoon sir, Pinabibigay po ni Ms. Emery"

Tinignan niya ako ng masama, at para bang nagtataka.

"Sinong Emerly?" Nagtataka yung guard sa sinabi ko.

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon