Simula ng araw na yun, nag-alala ako para sa kalagayan ni Angel. Kailangan ko siyang alagaan, kailangan ko siyang protektahan, kailangan niya ng kasama, kailangan ako ni Angel.
Hindi ko hahayaan na mapahamak siya, kaya naman nagdesisyon ako na samahan muna si Angel sa bahay niya hanggang sa gumaling siya. Para hindi ko mapabayaan ang pag-aaral ko, pumapasok muna ako sa school then sa bahay niya ako dumederetso. Sinabi ko nalang sa mga kasama ko sa bahay, Si tita Sally, tito John, at papa, na may one week activity ako sa school. Siguro naman magaling na si Angel sa loob ng isang lingo.
"Angel, may iniinom ka bang gamot? Baka kailangan mo ng mag-gamot." Umiling saakin si Angel. Tinuloy niya nalang ang paglalaro sa keychain niya habang nakahiga sa sofa.
"Pwede mo bang ikwento sakin yung tungkol sa keychain na yan?" Masayang tanong ko sakaniya. Nung una ay mukhang nagulat siya, pero paunti unti nading naging kalmado ang mukha niya.
"Binigay saakin to ni mama nung bata palang ako, ang sabi niya binigay daw sakanya ni papa yun, namatay si papa bago palang ako ipinanganak, hanggang sa nagpakasal uli si mama, pero tatlong taon lang ang itinagal nila ng malaman ni mama na may pamilya pala yung napangasawa niya, at may anak pa, matanda ng isang taon saakin. Sobrang nadepressed si mama nun, kaya di nagtagal, binawian na din siya ng buhay."
Kitang kita sa mukha ni Angel ang kalungkutan niya. Ulila na pala si Angel, pero sinong nagalaga sakaniya? Sinong nagpaapaaral sakaniya? Hindi ko na tinanong yun dahil ayoko ng makadagdag pa sa dinadamdam niya."I'm sorry Angel, hindi ko alam. I'm sure proud ang mama mo sayo because you're one of a kind, you're unique, and you're talented, you're amaranthine." Masayang sabi ko sakaniya. She looked at me, pinilit niyang ngumiti at naramdaman ko naman na kahit papaano gumaan ang loob niya.
"Sa tingin ko kailangan mo ng magpahinga, pupunta na ako sa room ko." Masayang sabi ni Angel. Tumayo na siya at dinala na yung bag niya papunta sa kwarto niya.
Maya maya pa inantok nadin ako kaya naman pumasok na ako sa kabilang kwarto, sabi niya bakante naman daw yung kwarto kaya imbis na sa sofa ako matulog, dun na niya ako pinapatulog.
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng kaluskos, parang may naglalakad sa living room, inisip ko na si Angel lang yun, para makasigurado, dahan dahan akong lumapit sa pinto... Nung una ay kinabahan pa ako, pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandito? Hindi ba't para protektahan si Angel? Kaya naman nilakasan ko ang loob ko, dahan dahan kong binuksan ang pinto, madilim ngunit may naaninag ako, at sigurado ako sa nakita ko. Si Angel... Nakatalikod siya at may taong duguan sa harap niya... Natakot ako ng makita ko ang duguang tao... Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na yun, sa takot ko, hindi nalang ako kumibo at dahan dahan ko ng isinara ang pinto. Bumalik na muli ako sa kama at sinubukang matulog pero bago pa man ako makatulog bumukas ang pinto. Nawala ang kaba ko ng maramdaman kong tumabi sa gilid ko si Angel. Hindi ko uling magawang tumingin sakaniya kaya naman kinausap ko siya habang nakatalikod padin ako
"Angel, bakit gising ka pa? Magpahinga ka na..." Hindi kumibo si Angel, dahan dahan siyang lumapit saakin at niyakap ako ng patalikod.
"Please, don't be scared." Malungkot na sabi ni Angel. Naramdaman ko ang kalungkutan niya, naramdaman ko na natatakot din siya tulad mko, pero nilakasan ko nalamang ang loob ko para mapagaan ko ang loob niya.
"Sinabi ko naman sayo, hinding hindi ako matatakot sayo Angel, because I love you, and I know no matter what you are my angel." Gumaan ang loob ko ng masabi ko ang mga salitang iyon.
"I love you Ethan..."
Simula ng araw na yun, narealize ko sa sarili ko na kailangan talaga ako ni Angel. Kaya nagpasiya akong tumira kasama siya. Hindi nadin naging maganda ang sitwasyon dahil sa...