Her life is eternal...
She never dies actually, kill her and she will begin to live again.
That's how cruel she is.
That's how powerful she is.
I don't think that it's about playing her game anyway.
Sa tingin ko, hindi siya nabuhay muli dahil sa paglalaro ng game niya.
I think that is what will surely happen.
She will live again, she never dies forever.
But I think, when we played her game, yun ang naging way niya para mahanap kami.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ako pa?
Bakit hindi niya ako magawang patayin?
Ano bang ginawa ng nanay ko?
Kung buhay na sana ako sa mga panahong iyon, maiintindihan ko kung bakit ako lang ang hindi niya mapatay.
Matapos ko isulat ang buong detalye tungkol sa mga nalaman ko kay Emerly, nilagay ko iyon sa isang drawer, para mabasa yun ng sarili ko.
Para mabasa ng bagong Sophia matapos nitong katawan na to.
Walang mangyayari kung hindi ko matutulungan ang sarili ko.
Pero ilang ulit ko ng ginawa yun, ilang ulit na akong nagsusulat.
Hinalungkat ko ang buong drawer. Parang isang panaginip. Hindi ko alam kung dapat ba ako matakot, pero lahat ng laman ng drawer.
Puro liham ko. Paulit ulit at pare-pareho ang mga sinasabi.
Ibig sabihin ilang beses ko ng nalaman ang katotohanan, ilang beses na nangyari itong pangyayaring ito. Ilang beses na ako nagsulat, para sa sarili ko.
Umuulit lang ng umuulit ang pangyayari sa tuwing nabubuhay kami.
Ano ang hindi nauulit?
Yun ay ang pagkamatay ni Emerly.
Hindi na niya hahayaang maulit muli yun.
Hindi na niya hahayaang mamatay siya uli.
Lunes nga pala ngayon, kailangan ko ng magmadali dahil may klase ako.
Oo, natanggap ako sa Stewardin Academy. Wala naman akong choice, yun at yun din naman ang buhay ko.
Nagbihis na ako at naghanda na para sa pagpasok ko sa trabaho.
Ng mapadaan ako sa kusina, hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko na ang kutsilyo. Nilagay ko iyon sa loob ng bag ko. At tsaka ako nagpatuloy umalis.
Pag pasok ko ng gate, sumalubong saakin ang guard.
Naaawa na ako sakaniya. Siya lamang yung taong walang hawak na sanggol sa litrato na nakita ko sa cellphone ni Emerly.
Tinanggap niya ang kaparusahan ni Emerly. Hindi ko na gugustuhing isipin pa kung paano siya pinahihirapan.
"Magandang umaga po, ma'am" masayang bati saakin ng guard.
Wala siyang kaalam alam sa nangyayari.
Wala siyang kaalam alam na nagsimula na ang lahat. At ako nalamang ang buhay pa, na dapat ng mamatay.
Bago ako pumasok sa room, huminga muna ako ng malalim.
Ito na ang oras.
"Good morning class." Bati ko sa mga estudyante ko.
Bati ko sa mga kaklase ko.
"Good morning Ms. Cruz"
Hindi ko na pinaalam ang buong pangalan ko sakanila dahil lalo lang sila maguguluhan.
Lalo silang maguguluhan dahil nagsimula na uli sa simula si Emerly.
Naalala ko, sa mga panahong ito, nakaupo ako sa gawing kaliwa,
Hindi nga ako nagkamali. Nandun ang sarili ko.
Nandun ako, isa sa mga estudyante ko ang sarili ko.
"I'll check the attendance first."
Matapos kong banggitin ang mga pangalan, napansin kong... May nawala sa listahan.
Bigla kong naalala, patay na nga pala si Christine at Jacob sa mga oras na ito.
"Paano si Jacob at Christine? Alam niyong absent sila ma'am?" Lahat sila ay napatulala sakanya. Kinabahan ako para kay Roxan. Napalingon ako saglit kay Emerly. Parang wala siyang pakeelam at patuloy lang siya sa pagbabasa.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagbabanggit ng mga pangalan.
"Ma'am, si Jacob at Christine..." Hindi ko na kaya ang pagpapanggap na ito. Hindi na dapat akong mabuhay sa mga oras na ito lalo na't nagsimula na ang sumunod kong buhay.
Nakita ko na ang pangyayaring ito. At ngayon, nakikita uli ng sarili ko.
Wala akong kamalay malay noon, na yung teacher pala namin, ay sarili ko din.
Tumayo ako at kinuha ang kutsilyo sa bag ko. Lumingon ako sa sarili ko, gusto ko siyang tulungan pero wala akong magagawa.
Nilakasan ko ang loob ko at lumingon ako kay Emerly. Walang pinagbago, nakakatakot padin ang kaniyang mga mukha.
"H-Hindi ko na kaya... I'm sorry." Nanginginig ang buong katawan ko.
Hindi niya ako kayang patayin dahil ako lamang ang makakapatay sa sarili ko ng paulit ulit...
Sumigaw ako ng malakas para ilabas lahat ng galit ko.
Wala na akong magagawa, Ito ang tadhana.
Binanggit ko sa huling sandali ang pangalan niya...
"Espinenzia..."
Dahan dahan kong itinaas ang kutsilyo at ibinaon sa dibdib ko...