Prologue

53 1 0
                                    

Prologue

Hera's POV

"Thank you for flying with us. Have a good night. See you again soon. Bye." Full smile naming sinasabi ng kasamahan ko sa lahat ng mga pasaherong palabas na ng eroplano. Lumapag ang eroplano dito sa Pilipinas sa NAIA Terminal 3 galing ng Madrid, Spain sa oras na 7pm at medyo pagod nadin ako dahil full flight nga ito at long haul pa. Noong nakita naming wala ng pasahero ay nagkanya kanya na kami ng gawain at nagsimula na rin akong pumunta sa lahat ng mga seats upang tignan kung may mga kalat pa.

"Hayyy salamat patapos nadin.
Sabi ng Pilipino kong kasamahan na si Liza.
"Oo nga. Makakarest na tayo ng kaunti kasi may flight ulit tayo bukas ng 2pm." Nakangiti namang sagot ko.

Nang nakarating ako sa paghuling row ay may nakita akong isang itim na LV bag at napaisip ako kung naiwan nga ba ito ng pasahero or may pasahero pa ba dito sa loob ng eroplano. Lalapitan ko sana ito dahil nasa bandang window seat ng biglang may nagsalita.

"Excuse me... that's my property."

Napatigalgal ako sa lamig ng boses niya. At mukhang pamilyar ang baritonong boses na narinig ko nagdalawang isip ako kung lilingon ba ako ngunit wala din akong choice kaya hinarap ko din ito. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko at napahawak ako sa headrest ng upuan. Napatingin ako sa mata niya at hindi ko alam pero parang nakita ko sa kanyang mga mata ang gulat, sakit at pag-asa.

"¿Cómo estás mi amor, mi esposa, mi Hera?"
Na mariing nakatitig parin sakin.

"Edward..." biglang sumakit nang matindi ang ulo ko at biglang nagdilim ang aking paningin.

"My love... Hera!!!!!!!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Then everything went black.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi! Readers. This is my first story. Please support it if you like. Vote, Leave a comment or message me if you like or love it. Thank you.

Love,

Kaza Maya
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Babala!

Rated SPG.

Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Mayroon 'ding mga kuha base sa karanasan ng tagapagsulat ngunit ang mga pangalan ng mga karakter ay hawig o gawagawa lamang. Ito ay isang kwento na maaring maglaman ng di kanais nais na salita o pangyayari kaya't nangangailangan po ito ng malawakang pag-iisip at taos pusong pag tanggap. Maramong Salamat.

Disclaimer: Some photos or videos published in this story is not owned by the author.

KazaMaya™©2015

Bring Me Back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon