My Love 9

13 1 0
                                    

My Love 9: Paperworks

Athena's POV

I woke up because of the loud ring of the alarm clock. I touch my eyes and I am shocked because I am crying. I feel empty and cold. And I'm breathing so hard and fast. Panaginip lang pala yun. Akala ko totoo pero parang totoo. The way that man, in my dream, embraced me and kissed me it's familiar. Pero hindi ko makita ang mukha niya. Bakit ganun? May kulang talaga. I need to find that piece. Ang tanong... Paano? Saan ako magsisimula? Sino ang makakatulong sa akin?

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo. Nagbreakfast. Nag-ayos ng sarili at nagtungo na sa MA office. I used my Lexus car na pinagipunan kong bilhin gamit narin ang sweldo ko as a stewardess.

"Good Morning Ma'am Athena." Bati na may super ngiti ng guard sakin. Kilala narin ako ni Kuya Ben kahit ilang beses pa lang ako bumibyahe dito sa Pilipinas.

"Good morning Kuya Ben." Ngiti ko din sa kanya. Pumasok na'ko sa loob. Nadaanan ko din ang nasa reception.

"Hello Ms. Athena." Ngiti niya sakin. Oo maganda siya. Pati din ung guard may itsura at malinis tignan. Lahat naman ng nagtatrabaho dito sa industry na'to parang bawal ata ang hindi kagandahan. Sorry pero kasi sa klase ng trabaho na'to kailangan talaga may angkin kang kagandahang panlabas kasi kahit anong mangyari business parin ito at ang una talagang tinitignan ah ang physical. Pero so far wala pa naman ao nakikilalang hindi maganda ugali dito kasi dapat hindi ka lang maganda dito dapat pati ugali dapat maganda din. Bawal ang plastic kasi hindi ka magtatagal pag ganun.

"Hello Adina. How are you?" Ngumiti ako sa kanya. Weird pero ganyan talaga pangalan niya. Ibang spelling lang sa pangalan ko. Medyo katunog.

"I'm good Ms. Athena. How about you... How are you?"

"I'm good also nakapagpahinga naman ng maayos. Thank you for asking."

"Nasa office niya na pala si Ms. Selena. Puntahan niyo nalang po dun. Have a nice day Ms. Athena"

"Ok thanks Ms. Adina. Have a nice day din. See you later."

"See you Ms. Athena." Ngumiti at tumango siya sakin.
Tumungo ako sa elevator. Limang floor din kasi tong office ng MA. Eh nasa 5th floor ung office ng Director so dun ang punta ko. Ung briefing room kasi na lagi naming nilalagian eh sa pinakaunang floor. While waiting, diretso lang ang tingin ko doon sa taas kung nasaaan ung digital number na kung nasaan na ung elevator, biglang may tumabi sakin.

"Oh hello Ms. Athena." Napalingon ako sa kanya.

"Hi?" Alanganin pa akong napangiti sa kanya. "I'm sorry but do I know you?" Pero infairness guwapo siya. Mapupungay na mga mata. Matangos na ilong. Brown eyes. Broad shoulders. Ung typical na guwapo pero mukhang may lahi baka American or Canadian.

"Oh yeah sorry. I'm James. James Holt. Nagkasama tayo dati sa isang flight from L.A. To Japan I think a year ago. Ewan ko kung naaalala mo pa ako pero ako ung nasa Economy class at ikaw nasa Business class noon. Ako ung binigyan mo ng chocolate cupcake na para sa bata na naghahanap noon na umiiyak dahil wala nga sa Economy class ung ganoong klase ng pagkain." Mahabang litanya niya.

"Oh yeah. Hi! James I'm sorry for that."

"It's ok Ms. Athena." He smiled sweetly at me.

"Ahm ano palang ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ms. Selena called me yesterday to help sa office for some paperworks I think."

"Ah.. Wala kang naka schedule na flight?"

"Meron, the day after tomorrow."

"Hmm ok." Tumango-tango nalang ako.

"Kayo po ano pong ginagawa niyo dito?"

"I'm here for some paperworks din."

"Ah baka kayo po ung sinasabi ni Ma'am Selena na tutulungan ko."

"Oh! Ms. Selena didn't mentioned it to me. Na may makakasama pala ako."

"Ah ganun po ba? Baka nakalimutan lang."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng dumating ang elevator.
Pumasok na kami sa loob. James press 5. Then after ilang seconds nakarating kami sa taas. Dumeretso na din kami sa office ni Ms. Selena. Pagdating namin doon ay nagbatian kami then sinabi niya ung mga dapat gawin. Wala daw pala ang Director dahil biglang nagka emergency sa Japan hub ng MA kaya pinunta niya muna kami ni James sa isang conference room, na totoo ngang tutulong sa akin dahil marami-rami din pala tong gagawain namin, pagkatapos ay sinumulan na naming gawin ang mga paperworks na sinabi ni Ms. Selena-- schedules of open days, probable applicants sent via emails and some promotions para sa ikabubuti pa ng Airline.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ko ginagawa to pero diba sabi ko sa simula palang I'm one of the leading stewardess and also I'm one of the seniors na din ng MA. Minsan nag-aassisst din ako sa mga interviews to get some potential applicants para sa airline. At baka isa rin siguro si James. Pero I'm sure isa siya sa mga trusted or leading Cabin crew para gawin din tong ginagawa naming trabaho ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hola readers!

Vote.Comment.Message.
Take care. Thank you.

[Photo: Daniel Henney as James Holt
Disclaimer: Photo not owned by the author.]

KazaMaya™©2015

Bring Me Back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon