My Love 10

12 1 0
                                    

My Love 10: Unexpected

James POV

Hey! I am James Holt. 28. One of the Leading Cabin crew of MA. Sorry masyadong mayabang. Pero ganon talaga may maipagmamayabang eh. I'm a Business Management Graduate but this is my dream to be a Cabin Crew because I love travelling and I love taking photos wherever I go. I simpy love flying.

Ang ganda talaga niya. Hindi ko maiwasang titigan siya. Maamong mga mukha. Matangos na ilong. Red-luscious lips. Magmula noong tinulungan niya akong hanapan ng chocolate cupcake para sa umiiyak na bata noon sa isang flight namin a year ago feeling ko nahulog na ako sa kanya. Super bait kasi niya. Kahit busy siya noon kasi nga nasa Business Class siya talagang ginawan niya ng paraan. At swerte ko ngayon at makakasama ko siya ng 2 days dito sa MA office kasi matagal ko na din siyang hindi nakikita. And I'm sure to get to know her for a couple of days.

||||||||||||||||

Edward's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng telepono.

"Arrrrg!" Sakit ng ulo ko. Tss! This is the effect of too much alcohol. At buti nalang nakaya ko pang umuwi dito sa luma kong condo. 2 nights narin akong umiinom at kasama ko parin si Loui. At kahapon nagkulong lang ako dito dahil nandito parin ung sakit na bumalik lahat dahil sa kanya. And I hate it.

Sinagot ko ang tawag ng hindi ko nililingon kung sino ung caller,

"Hello?"

"Hello? Sweetheart? Where are you?" Derederetsong tanong ng caller."

"Mom?"

"Yes iho sino pa ba?"

"Oh sorry. Why is there any problem?"

"Wala naman. Sweetheart is there any problem tumawag ako sa office mo kahapon wala ka daw. Tapos ngayon wala ka ulit. Anong nangyayari na naman sa'yo?" Sobrang caring talaga ng Mommy ko kahit pa ganito na ang edad ko.

"I'm ok Mom. Don't worry about me."

"You know I'm always worried about you. I am your Mom. And I love you."

"I love you too Mom. I'm old enough. So don't worry. Bakit po pala kayo napatawag?"

"Oh yeah. Since natanong ko sa secretary mo ang schedule mo today, which is wala naman. Gusto sana kitang pakiusapan na pwede bang ikaw muna ang makipagmeeting dun sa isang investor ng MA. May meeting sana kami today at 1pm sa MA main office. Kaso nandito ako sa Japan may inaayos pa. I'll inform Selena then she'll call you as soon as possible about it."

"Can I say no Mom?" Umiling nalang din ako, kasi I'm sure wala din akong magagawa.

"I'm afraid no you can't sweetheart." Tumawa siya ng mahina.

"Ok I'll go."

"Ok thanks sweety. I love you. See you soon."

"Love you Mom."

"Please sweetheart take care of yourself. Kung ano man yan I'm always here. I'm your Mom remember?"

"Ok Mom. Love you, bye. Say Hi to Dad in case magkita kayo."

"Ok love you. Bye."

Pagkatapos ng usapan namin ng aking Ina ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. It's already 10am. Tapos ngluto na ako ng brunch. Naghugas. This is the peck of leaving alone since she's gone I've learned everything. Saktong natapos akong maghugas ay tumawag sakin si Selena na secretary ni Mommy para sa information regarding sa meeting namin ng investor. Then nag-ayos ng ako ng sarili ko. Suit and Tie. Tumingin ako sa salamin and I'm good to go. I used my baby black matte Laborghini to MA office.

After 30 minutes nakarating din ako sa MA.

"Good noon Sir." Bati sakin ng mga nakakasalubong ko. Ung mga babae talaga halatang kinikilig. May mga babaeng nagpapacute at natutulala. Pero ako wala akong pakeelam kasi wala parin talagang gaganda sa kanya.

Pagdating ko sa 5th floor ay sakto namang palabas si Selena sa office niya.

"Good noon Sir Ed. Medyo napaaga po yata kayo ah. You still have an hour before the meeting" Ngumiti siya. She's like a sister to me. Mas matanda siya sakin ng 5 years. Almost 3 years nadin siyang nagtatrabaho kay Mommy kasi nagretire na ung dati niyang secretary. Dati din siyang Cabin Crew. Pero sabi niya mas gusto niya tong trabaho niya ngayon.

"Yeah. I'll just review the paper again." I smile at her.

"Ok I'll just print the paper para ireview mo ulit. Naglunch na po ba kayo?"

"No, but thanks ngbrunch na ako sa condo ko."

"Ok. Punta nalang po kayo sa office ng Mom niyo. Print ko lang ung paper."

"Ok." At nagdiretso na ako sa office ni Mommy na nasa dulo. Nang madaanan ko ung pangatlong door may narinig akong nagtatawanan. Hindi naman kalakasan pero maririnig mo pa di at mukhang nagkakatuwaan sila. Anong meron sa conference room?

Dahan dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Hindi ko inaasahan ang makikita ko, likod palang kilala ko na kung sino. Pero sino kaya tong lalaki kasama niya? Hindi nila napansin ang pagpasok ko kaya tuloy pa din ang kwentuhan nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear readers!

Waley ba? Hahah ok lang yan may susunod naman. Take care. ;)

[Photo: Lamborghini ni Edward (every man's dream talaga ang sasakyan na ito! Grabe nakakanganga sa ganda ang sasakyan na to.)
Disclaimer: Photo is not owned by the author]

KazaMaya™©2015

Bring Me Back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon