Aray, sino ba yang pumalo sa pwet ko at tumatalon sa kama ko. Inaantok pa ako bakit ba parati nalang ako napepeste.
"George! George! Georgina Monteclaro wake up! Huwag mong sabihing hindi ka ulit papasok? Tatlong araw kanang absent."
Sigaw niya habang nagtatatalon sa kama ko. Kelan pa natutong tumalon ang isang kuneho?
Tamad ako nung Martes kaya hindi ako pumasok at ang sumunod na dalawang araw ay busy kaming apat sa banda namin. May banda kami 'GG Band' short term for GLAM Girls. Sunod-sunod kasing Gig kaya naman wala pa kaming tulog.
Walang alam si Tina tungkol dito tatlong buwan pa lang naman namin nabuo ang banda. Kadalasan hapon ang tugtog namin, kagabi lang umabot hanggang 11 ng gabi. Huwag niyo ng tanungin kong anong alibay ang ginawa ko. Ang kinikita namin ay dinidiposito namin sa bangko.
Sa Lunes balak namin pumasok dahil sa pagod na natamo namin.
"Inaantok pa ako Tina sa Lunes na ako papasok." Mahinang sabi ko habang nakapikit pa rin ang mata.
"No George! This day would be interesting" Interesting your ass. Hindi ko na siya pinakinggan at natulog ako ulit.
*ting ting ting* (tunog na kaserola po yan)
"Letche Tina, ang ingay! Alam mo ba yung masarap ang tulog? Ako yun kanina eh. Alam mo yung bwesit? Ikaw yun ngayon. TSS." inis na inis kong sigaw sakanya at saka bumangon sa pagkakahiga at nagdiretso sa banyo.
Narinig ko siyang nagsalita.
"Sorry sis, gusto ko lang naman kasing mameet mo yung new clasmate niyo papasok na kasi siya ngayon."
Binuksan ko ng kaunti yung pinto ng banyo para makita ko ang mukha niya.
"I'm not going to school."
Matapos kong sabihin yun sinarado ko na ang pinto.
Hindi na siya nangulit at rinig kong nagsara ang pinto ng kwarto ko. Umalis na siguro.
Sorry Ate, sana maintindihan mo ang salitang privacy pag dating sa akin.
Tinawagan ko yung tatlo na magkita kami sa Mall gusto kong magshopping wala sa bahay si Tina kaya boreng. Linggo ngayon kaya free akong magpagala-gala. Simple lang ang suot ko may bra at undies sa loob ng white blouse and pink short with pink converse on my shoe and Silver bag.
Ang ganda ko talaga!
Sana hindi umulan, tag-ulan pa naman din ngayon.
Nagpahatid na ako sa driver namin, magcocomute na ako pag-pauwi.
Nakarating na ako sa mall after 20 minutes, tinext ko na sila na andito na ako at naghihintay sa starbucks. Nagorder ako ng coffee para naman hindi ako maboring kahihintay sakanila.
*bogsh*
"Sh*t!" Sigaw ko. Nabuhos yung coffee na inorder ko sa legs ko nakashort pa naman din ako ng maikli mabuti na lang hindi nadamay yung suot kong damit kung hindi... Ouch! ang init pala.
Oh my Ghad nasunog legs ko Ouch! Ouch! Ouch!
"Miss are you alright?" Tinignan ko kung sinong taong tanga ang nakabuhos sa akin.
Ok. Sana hindi ko na lang siya tinignan. Huli na, nakatitig na ako sakanya. Isang lalaking matangkad, maputi, tama lang ang katawan, matangos ang ilong, red lips, brown eyes. Shit! at KULOT ang buhok pero all in one nescafe ang GWAPO.
Naramdam ko ang hapdi ng init sa legs ko kaya agad akong natauhan.
"Ano ulit ang tanong mo?"Nanlilisik na tanong ko sakanya.