Tina’s POV
"You sure about this Best?" Tanong sa akin ni Krista Mintz, ang best friend ko. Kakauwi niya lang kahapon galing Paris.
"Yes. I know you can handle this."
"Oo naman! Kilala mo naman ako pagdating sa pagtuturo. hihihi!" Natatawang sabi niya sabay hampas pa sa balikat ko. -___-+
"Tss. Basta si George ha? "
"Don't worry best. Isa sa mga hidden talent ko ang pagiging matchmaker. ahihihi!"
"Wala ka pa rin talagang pinagbago! *hampas*" Bawi-bawi lang kung minsan. ^____^
"Parehas lang tayong--"
"ISIP BATA" we both said in chorus.
"Nyahahahaha!" Nagtawanan na lang kami.
Nakarinig kami ng mga yabag ng paa.
"Andiyan na kapatid mo. Sige mauna na ako best! Byeeeii"
"Sige. Kamusta mo na lang ako kay Lolo Ben. Ingat sila sayo Best. " Then we hugged each other.
Nang maihatid ko na si Krista sa gate pumasok na ako sa loob ng bahay at naupo ulit sa sofa.
"Sino yun Tina?"
"Ah wala. Nagtitinda lang ng turon." Wahahaha! Si Best? tindera? Hahaha! Bagay na bagay sa malakas niyang boses. Imagine: "Turon! Turon kayo diyan! Bili na kayooooo!" HAHAHA!
"Ok. Pasok na ako ha?"
Half day lang siya pumasok. Sipag talaga ng kapatid ko nuh? Akalain mong sa sipag niyang pumasok top1 pa rin ang kuneho. Hindi na talaga ako magtataka pa, talino ko rin kayang kuneho. Hihihihi!
Huminga ako ng malalim. Bakit? Gusto ko na kasing sabihin sakanya na aalis na ako.
"George, aalis na ako." Diretso ko ng tanong.
"Sige umalis ka na. Bilhan mo ako pringles pag uwi mo mamaya." Eeeh? -____- Maniwala kayo sa akin matalino yan si George! Mukang naiwan lang ata sa kwarto niya >____<
"No George, aalis na ako...Sa Singapore."
"Ahy magbabakasyon ka? Sige sama ako. Kelan ba yan?" Sabi sa inyo eh, limot niya talaga yung utak niya sa kwarto o di kaya nasa school ang utak niya.
"Georgina, listen to me well."
"Nakikinig ako." -____- Sungit.
"Ugh. Wag ka munang magsalita." Tumahimik na siya. Napakamot naman ako sa ulo. Paano ko ba sasabihin sakanya. Waaaaah! Ang iwan siya, hindi ko talaga kaya. ALam niyo naman mahal ko yang matalinong kuneho na yan. Pero kelangan ko naman din tong gawin para sa sarili ko.
"Aalis na ako. Hindi para magbakasyon. Tumawag na sa akin yung matagal ko ng inaaplayan na work. And goodnews gusto nila lahat ng mga paperworks ko, kaya as long as now kung pwede magtrabaho na ako sa kompanya nila. And bad news--"
"I know it..sa Singapore." Walang bahid ng emosyon ang nakikita ko sa itsura niya. Seriously, hindi man lang ba siya maaapektuhan?
"Oo. Wait nga! Sabing wag ka munang magsalita. " Tumingin ako sa mga mata niya, ganun din naman ang ginawa niya. Kahit kelan talaga hindi marunong makipagtalo to. Tignan niyo siya makatingin sa akin... -____++ Ang talas!
"So ayun nga. Syempre malaking oppurtunity yun behalf of myself. So I grab it. Naiintindihan mo naman ako diba? Hindi pagiging principal ang gusto ko. But it doesn't mean na ayoko sa school ko. Sa akin pa rin yun. Pero, iba na ngayon ang magpapatakbo nito. Hindi na ako." Medyo humina na ang tuno ng pagsasalita ko. Kinakabahan ako.. alam kong mahihirapan siya pag ka-wala na ako. Kaya nga pinilit ko na lang si Best na umuwi at dito na lang siya magtrabaho as a Principal. Good thing at pumayag siya since miss niya na daw yung dalawa niyang kapatid na biglaan ding umuwi ng Pilipinas. Remember the transferre? Cedrick Steve Mintz? So siya nga yung isa sa kapatid niya. Yung isa naman, hindi ko alam balita ko nangangain daw yun sa sobrang sungit.
