George POV
Bwisit!
Ano bang problema nung kulot na yun?! Kanina bago ako pumasok kamuntikan niya na akong madapa. Alam ko na sinasadya niya yun! That curly boy he wants some mess. Urgh!
"Shit! Shit! Sino naglagay ng buble gum sa upuan ko?! Shit talaga!" Sigaw ko sa buong room. Nakakainis kanina pa niya ako pinagtititripan.
Lumapit ako sa upuan niya na kanina pa nagtatago ng mukha. I know he's trying not to laugh.
"he-he-he.." Tss. Anong klasing tawa kaya yun.
"Ano bang problema mong kulot ka ha?!" Sigaw ko sakanya at sinipa ang kanyang upuan.
Tumayo siya," Hoy wala akong ginagawa sayo ha!" Pagtatangi niya.
Susuntukin ko na sana siya ng biglang dumating si Ma'am Melanie Cruz, our adviser.
"Ano nangyayari sa inyong dalawa Mr. Mintz and Miss Monteclaro?" Haaay, wala akong balak magsumbong kung yun lang ang dahilan ko. Sobrang napakababaw!
Babalik na sana ako ng upuan ko ng may nakalimutan ako.
*headbutt!*
"Ouck Kape!" Mabuti nga sayo. Lokong to, akala niya kaya niya ako? Tignan na lang natin.
Hinintay kong matapos si Ma'am Cruz sa pagdidiscuss, sunod kasi nito ay break time na.
"Ok Class, bago kayo magsilayas. Mamayang Chemistry ninyo isasagawa ko ang final arrangement niyo. So, don't be late." Hindi ko na masyadong pinansin yung sinabi ni Ma'am dahil atat na akong pumunta ng cafeteria. Ngayon malalaman mo kung sino binabangga mo.
Hinablot ko na yung bag ko at agad lumabas ng room. Sinundan naman ako nung tatlo.
"Kung ako sayo George, hayaan muna siya." sabi ni Marian habang naglalakad kami.
"Tss. May saltik kaya yung pinsan mong yun! Letche!"
"Ok, let's go. I wanna buy candys!" Abby. Na nauna pa sa aking maglakad -____-
Dumiritso ako agad sa may counter at hinanap si Aling Manang Ganda. Nag-order ako ng Large strawberry shake and bacon cheese burger. Tumalikod na ako para umupo sa mesa namin, "SAKTO!" bulong ko sa sarili ko sabay pitik pa.
Lumapit na ako sakanila.
"Hi Bumper and Donald!" Sabi ko. Nagtaka yung tatlo sa inasal ko. Aba ngitian ko ba naman sila syempre magtataka yung mga yun. Bihira lang akong ngumiti.
"Ayoko ng ngiti mong yan." bulong sa akin ni Lovie saka niya na ibinaling agad ng tingin sa tablet niya.
Dumating na rin si Abby na may hawak hawak na tatlong supot ng candys, "Guys want some candys?" pag-aalok niya. "No." sabay sabay naming sagot. Sino bang highschool student ang kakain ng ganyan karami? Nakakasira ng ngipin.
Umupo na kaming anim. Circle table (counter clockwise) vacant, ako, bumper, abby, marian, donald and lovie. Wala si kulot. Alam kong darating yun, naghahanap pa siguro yun.
After 10 minutes.
"Oh Pareng Cedrick, mukhang badtrip ka yata? " Tanong bigla ni Bumper kaya napatigil kami sa pagkain. Actually isang subo pa lang ng burger yung kinakain ko. Madami kasing sauce.
Hindi ako tumingin sakanya. Alam kong malapit na siya sa may pwesto ko since sa kaliwa lang ang bakanteng upuan.
It's time.
"*Cough* Uh. Nasamid yata ako. Wait, I need to washroom." Tumayo na ako habang nakakapit pa rin yung burger sa kamay ko...
*BOOGSH!*