June 10 (Monday)
"Bakit ka ba palaboy laboy sa kwarto ko?" Kanina pa siya paikot ikot nahihilo ako sa ginagawa niya.
"May hinahanap kasi ako baka nahulog ko dito."
"Tina, wala dito ang hinahanap mo, wala ka namang nakikitang basura dito diba?"
Inikotan niya ako. Ano na naman ang trip nitong kuneho na to.
"Nahanap ko na! Ikaw!" Sabi niya malapit sa pagmumukha ko. "Ikaw maligo ka na. Amoy basura ka. HAHAHAHA"
Stupid ass. Ugh.
"Umalis ka nga dito! Kainis ka!"
Sinisipag akong pumasok ngayon dahil makikita ko na rin yang Cedrick na yan. Ang bf ni Selena GayaGaya. I'm pretty sure na pangit siya. Pangit na lang ang magkakagusto sa Selena na yun. That nerve, laking epal sa mundo ko.
Sa third floor ang room namin 3-SS (Third year star section).
Pumasok na ako.
"Hoy bat ang iingay niyo? Naririndi ako!" Sigaw ko sakanila. Hindi ko na tinignan kung ano yung pinagkakaguluhan nila.
"George, bakit ganun naman ang inasal mo?" Si Lovie. May mali ba sa ginawa ko? Ganun naman ako dati pa ha.
"problema mo? Ang iingay kaya nila ano ba meron dun?" Tanong ko.
Hindi niya ako nasagot dahil dumating na ang Teacher namin. Matapos kaming maggoodmorning sakanya tinignan niya kaming apat.
"Stand up GLAM Girls." Sabi ni Ma'am Ramos Math teacher.
Tinignan ko na patanong ang tatlo, umiling lang ang mga to.
"What?" Tanong ni Abby.
"Why the four of you are absent last week?" TSS. yun lang pala.
"Were lazy." Tamad na sagot ko.
"Oh, halata nga." Epal na gurong to natuto pang mang-asar. Dahil wala siyang makuhang matinong sagot sa amin pinaupo na kami.
Nagstart na siyang magturo. Nakikinig naman ako kahit ganito ugali ko.
Nagtanong siya about something. Napansin kong sobrang lapit ng upuan ni Selena doon sa katabi niyang kulot na lalaki.
Tumayo yung lalaki para sumagot.
"Good Cedrick."
Oh. Gets ko na siya si Cedric. Our new classmate at bf ni Selena Gaga. Hindi ko masilayan ang mukha basi sa nakikita ko maputi siya.
Hindi ko na sinayang ang oras ko para tignan ang magsyota. Ang sakit kasi sa mata, parang lintang nakadikit ang impakta.
Wala kaming klase sa next class. Nagumpisa na naman silang magkumpulan sa bahaging gitna kung saan andun si Selena at yung Cedrick na yun.
"Dami agad admirer ng pinsan ko ah" nakangiting sabi ni Marian.
Nakahalumbaba lang ako sa desk ko habang pinagmamasdan yung Cedric.
Kulot, Maputi at payat ang likod yan lang ang kaya ko pang ipandescribe sakanya. Katalikod eh!
Natapos ang napakabagok na klase.
Yumuko ako para damputin ang bag ko.
"Hi Girls!"
Pagkaangat ng pagmumukha ko...
0_____0
Langya si KULOT ba to?!
"Oh h-hi Cedrick!" -Lovie