Chapter 7 "Their fears"

96 14 3
                                    

Kanina pa siya nakatingin sa akin. Naiirita tuloy ako.

"Ano tinitingin mo? May gusto ka sakin nuh?" tanong ko.

Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin, "Asa ka! Mas mukha ka pa ngang lalaki kesa sa akin eh!" sabay tingin sa may.. ano ko.

0_____0

*Pak!

"Perverted Maniac! Molester! Pedophile! Jackass! Bastos!" Sinuntok suntok ko siya sa balikat niya, nagawa ko yun kasi magkatabi na nga kami ng upuan.

Tss! Tignan ba naman ang hinaharap ko. Ang bastos talaga!

"Hahaha, easy lang Kape. Wala akong nakita... Wala akong nakita sa sobrang FLAT. ^______^"

Waaaah!

*pak

"ouch!"

*pak

"Aray!"

*pak

Nakakainis! Hindi pa rin siya tumitigil sa pang-iinis sa akin. Wala na ba siyang alam gawin at ako ang pinagtitripan niya? Sana kay Marian niya na lang ginagawa to atleast yun malakas mangtrip.. Cousins freaking TRIPPING!

Tumayo na ako at aakmang aalis na dahil wala pa naman din yung math teachet namin.

"Where are you going?"

I rolled my eyes, "Away from a maniac!"

"Oh ok, If you're going through hell, Keep Going."

Ang lakas talaga makainis! Badtrip!

Tuluyan na talaga akong lumabas ng room total wala pa naman din yung teacher namin.

Anong gagawin ko sa labas? Haaaay, maglalakad lakad na lang muna siguro ako..pampalamig ng ulo.

Lumabas na ako at nagsimula ng maglakad. "George!" I heard someone shouting my name. So I look back to see who's shouting. At ang swerte nga naman oh, Ito na ang lumalalapit.

"Hi Kuya Jacob! ^_____^" Sigaw ko rin kahit papalapit na siya. Ahihihi Ang lakas makakilig pag nakikita mo na ang crush mo!

"Saan ang punta? Wala pa kayong klase?" Tanong niya saka na kami nagsabay maglakad. "Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e, ^_____^" Oh my gosh! Hindi pa rin mawala ang kilig ko. "Wala pa yung teacher namin." I added.

"Mabuti pa kayo." Tumingin ako sakanya. Nakangiti siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Ang gwapo niya talaga!

"Oo nga pala Kuya Jacob, kamusta ka na? Ayos ka na ba?" Naalala ko yung nangyari nung araw na yun. "Oo naman! Tignan mo nga ako.. Ang gwapo ulit ng Kuya mo! " Namula ako nung ilapit niya yung mukha niya sa akin. Grabe ang ggwapoooo! Oh sh*T! Ganda ng mata! Tangos ng ilong! At yung lips.... sh*t talaga! Ang pula!

"He-he-he Oo nga Kuya..a-ang gwapo mo. >//////<" Umiwas na ako ng tingin sakanya at nagtuloy-tuloy ulit sa paglalakad.

"Ang pula mo yata George, ok ka lang?" Nagulat ako nung pumunta siya sa harap ko. Tinakpan ko agad ng kanang kamay ko yung mukha ko saka yung isa naman pinagtutulak ko siya. Ano ba yan! Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Wag mo nga akong tignan! Aish Kuya naman! Alis na kasi!" Tinutulak ko pa rin siya.

"Ang cute mo talaga George."

Nung sinabi niya yun. Ewan ko bigla ko na lang tinanggal yung kamay ko at tumingin sakanya. Nakangiti siya, halatang nagsasabi siya ng totoo pero.. Cute? Pang-aso yun eh! -_____-

"Ah--. Kuya! May gig ba kayo?" Pag-iiba ko ng topic.

Umalis naman na siya sa harapan ko at naglakad na ulit. "Wala nga eh. Nagsasawa na yata ang mga tao sa tugtog namin." sabi niya. "Naku! Hindi kaya. Actually, idol nga kita sa pagkanta mo. Though boses panglalaki ka, I still adore you."

Hating You SweetlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon