AN: Watch the video in the right side :D GLAM Girls
Ang pangit ng araw ko ngayon kasing pangit ng nakikita ko ngayon. Sino bang nag-imbentong gumawa ng ATE?
Ateng taga-sigaw, taga-batok at taga-gising sa maganda kong tulog? Sabihin niyo nga ng makagawa ako ng Low Quality.
"Georgina!!! Gumising ka na! Ano ba! Kanina pa kita sinisigawan at binabatukan hindi ka pa nagigising? Malalate na tayo ano ba! mahiya ka naman, ikaw ba ang principal? Hala! Bangon!"
Inisnaban ko siya at tumalikod ng higa.
*pak*
Aray, ang pwet ko naman ang binatukan. Sabi ko naman sakanya palit na lang kami ako ang principal at siya ang estudyante ayaw niya! TSS.
"Umalis ka nga sa kwarto ko Tina. Wala akong ganang pumasok sa paaralan mo ngayon! Akin na nga yan, nilalamig ako eh patayin muna rin yung aircon bago ka umalis" kinuha ko ang hinila niyang kumot na nakatalukbong sa akin.
Siya nga pala ang Ate kong mafeeling, Tina short term for Cristina ang daldalitang, isnaberang, pakielamerang kunehong kulay dilaw. Mahilig siyang mangulekta ng yellow rabbit, malay ko kung saan siya nakakabili ng mga yun. Principal siya sa school na pinapasukan ko. Ang pamilya ko ang may-ari ng school na yun. At kung nasa 22 na taon na si Tina magiging sakanya niya na ito.
"Wala ka na namang galang, sa pamamahay na to ako ang Ate Tina mo at sa paaralan KO ako ang Principal kaya ako ang Boss. Bilang Boss hinihiling ko sayo na bumangon ka na, maligo, kumain at pumasok kasabay ko.".
"Wala tayo sa school feelingera." Galit kong sabi sakanya.
"Ano badtrip ka na? Mananapak ka na?" Pang-iinis niya sa akin sinabayan pa niya ng pamewang sa balakang niya. "TSS. Lumabas ka na, susunod na ako." pagtataboy ko sakanya.
Kaya ako naiinis, masiyado siyang pakielamera sa buhay ko. Ano ba naman yan kaya nga kami pinanganak ng hindi sabay, malayong taon, malayong araw at malayong oras para walang pakielamanan. Hindi niya ata alam ang kaibahan ng kambal.
Ngumiti siya ng nakakaloko at nagagalit ako dahil doon kaya naman nilakihan ko siya ng dalawa kong mata. Get's naman niya kung ano ang ibig sabihin at umalis na siya.
It's June, ano bang meron sa buwan na to at naiinis ako bukod sa pang-anim na month? Isa na naman kasing buwan ng peste, Oo peste talaga. Libong new students, more Jerks and Bitches at higit sa lahat ang mga mukhang dalawang taon ko ng pinagsasawaang makita nagbabalik ulit sila.
I'm Junior high school in this Monteclaro School yes I am, my surname perfectly fits Georgina Monteclaro.
Nasa backseat kami ni Tina kung tatanungin niyo ang magulang namin nasa States sila. Doon sila nagtatrabaho sa ngayon.
"Georgina umayos ka sa school ha! Baka naman hindi pa ako nakaupo sa office ko nasa Guidance Office ka na." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin busy kasing nalalaro sa ipad niya. Isip bata talaga.
"Mind your own rabbit business TSS." Tinignan lang niya ako sandali at balik focus siya sa nilalaro niya.
"TSS mag-asawa ka na nga Tina." Nabigla naman siya sa nasabi ko kaya napahinto sa paglalaro. "Ayoko pa, hanggang di ka tumatanda." Tinignan ko siya ng seryuso. "So feeling mo bata ka ganun? na kapag tumanda ako hindi ka rin tatanda? Utak Tina nasaan, ginawa mo na atang baterya niyang ipad mo."
"Silly brave girl, you know what I meant."
"yeah whatever."
Nakarating na kami ng school ng hindi ko namamalayan paano ba naman binatukan niya ako ,sampung minuto ko kaya hinimas ang ulo ko. Sadistang dilaw na rabbit talaga siya.
