Chapter 9 "City High"

94 11 0
                                    

Tina texted me that there was a traffic in road right this time. It's 6:55 in the morning at my tendency talaga na malate talaga ako sa traffic. I would have to hurry to make it.

Sumakay na ako sa sasakyan namin at hinatid ng driver. Kinuha ko yung ipad ko at sinalpakan ng earphone para makinig ng music. Ilang minuto na kami sa biyahe at mukhang traffic nga talaga siguro ay may naaccedinte o my binuburol na patay.

"Malalate kaya ako Kuya?" tanong ko sa Driver.

"Wag po kayong mag-alala Ma'am, may alam akong shorcut na daan para mabilis tayong makarating sa paaralan niyo."

Tumango lang ako at balik sa pakikinig ng music. Isinandal ko ng kaunti ang ulo ko sa window side. Medyo kakaibang tignan ang daang tinatahak namin. Para siyang eskenita. Mga pader na punong puno ng airpaint. May mga nakasulat na hindi ko maintindihan, mga logo or what. Sa tagal ko na sa lugar na ito ngayon ko pa lang ito napuntahan at nakita.

Habang natatanaw ko na ang dulo ng lagusang tinahak namin may napansin akong mga taong nagkukumpulan sa gilid nung pader.

I shocked sa nasaksihan ko. Sila ang mga mag-aaral ng City High. Ang kalaban ng school namin pagdating sa mga competition.

May apat na nagsusuntukan at nagsisipaan. Ang mga iba may dalang pamalo na mukha siyang Baseball bat. Seriously, kayang kayang pumatay ng tao ang bagay na yun. Hindi ba sila natatakot na mapuruhan ang isa't isa?

Natigil ako sa pagtatanong sa sarili ko ng napansin kong nagsasalita yung driver. Inalis ko yung earphone ko, "May sinasabi po kayo Kuya?"

"Hindi naman mahalagang bagay po Ma'am. Napansin ko lang kasi na nakatingin kayo sa mga batang nag-aaway."

"Ganun po ba."

"Dumaan po kasi tayo sa tinatawag nilang hide-out. Ang lugar napo ito ay medyo malapit sa Monteclaro School at City High. Kung hindi niyo po mamasahin. May mga Monteclaro student po na andirito."

Natigilan ako sa nalaman ko. Pati ba naman sa labas magkakompetensiya ang school namin at ang school nila.

"Hindi ba bawal po yung ginagawa nila?"

"Sa pagkakaalam ko. Hindi hawak ng sino mang paaralan ang tungkol sa lugar na to. Pili lang ang karapat-dapat na pumasok dito."

I sighed. Masyadong nakakatakot ang lugar na to. "Paano niyo nalaman ang mga ito? Atsaka Kuya bakit pa tayo dito dumadaan?"

Nagkamot siya sa ulo niya, "Nalaman ko lang kay Ma'am Cristina. Dumaan kasi kami dito isang beses ng malalate na siya sa meeting. Maswerte nga at ganito rin ang nadatnan namin noon. Nasa isa silang sulok at nagkakagulo. Kung hindi siguro nangyari yun baka po tayo ang mapagdiskitahan. Pero syempre mabilis yata akong magpatakbo kaya kayang kaya ko ang batang yun." Natuwa na lang ako sa pagmamalaki niya sa kakayahan niya bilang driver.

Nakarating na rin kami sa wakas sa school. Agad akong nagtungo sa second floor. Bakit nagkalat ang mga studyante?

"George!"

Hinanap kong kung kaninong boses ang tumatawag sa akin.Ng mapagsino ko kung kanino yun kinuha ko agad ang earphone ko at sinaksak sa dalawa kong tenga.

"George Babe." Sino pa bang taong tumatawag sa akin ng 'George Babe'.

"Ano kelangan mo Bumper?" tanong ko sakanya ng hindi tumitingin at hindi tinatanggal ang nakasalpak na earphone sa tenga ko.

"Namiss lang kita. Absent ka kasi kahapon. Ako ba namiss mo rin GeorgeBabe?"

Hindi ganun kalinaw ang naririnig ko sa sinasabi niya. Alam ko namang hindi iyon importante. Sa ngiti ba naman niya na binibigay sa akin ewan ko lang kung hindi ka kilabutan.

Hating You SweetlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon