BABALA

695 27 15
                                    

Isa sa mga dahilan kung bakit medyo alinlangan akong magsulat ng full horror na stories ay dahil sa naniniwala ako na sa lahat ng genre ng mga kwento pinakamahirap isulat ang horror. Madali kasing magpakilig, madaling magpaiyak at madaling magpatawa para sakin pero mahirap talagang manakot. Ewan ko ba.

Para kasi sa'kin, kinakailangan mo ng espeyal na talento kung gusto mong maging isang successful horror writer.

Aminado kasi akong number one fan ako ng horror stories for as long as I can remember kaya medyo aware na din ako kung ano nga ba ang nakakatakot o hindi. Noong bata pa ako sobrang sinubaybayan ko talaga noon yung mga horror anthologies noon sa tv tulad ng Kakabakaba, Pag Kagat ng Dilim, Okatokat, at yung Halloween special ng Magandang Gabi Bayan.
Sobrang adik lang ako sa mga katatakutan, kababalaghan, at mga bagay na hindi maipaliwanag kaya normal lang siguro na nung nagsimula na akong magsulat ay ginusto ko ding makapagsulat ng horror stories naman. Ang problema nga lang, mahirap kasing mag-build up ng 'nakakatakot' na atmosphere sa isang kwento. Oo, madaling makaisip ng isang nakakatakot na eksena, pero mahirap itong i-execute. Mahirap manakot kung mga salita lamang ang gamit mo. Mahirap iparamdam yung takot sa readers kung hindi ka well-versed at kung hindi malikot ang isip mo. Kailangan mo munang matuto ng ilang techniques at istilo sa pagsusulat na epektibo lamang sa horror department bago ka talaga maging bihasa doon. Kaya hindi ako agad sumubok na magsulat sa horror dahil alam kong kulang pa ako sa experience.

Pero ganun pa man, hindi ko rin kayang tanggihan ang 'urge' sa'kin na magsulat ng horror stories. Sobrang dami na rin kasi ng mga ideas sa utak ko na kailangan ko nang ilabas. Sobrang gustong-gusto ko na ring i-try na manakot naman ng readers. Although alam ko na iba-iba tayo ng kinatatakutan. Pwedeng ang nakakatakot sa'kin ay hindi pa nakakatakot sayo. Pwedeng yung wala lang sa'kin ay nagpapatindig na pala sa mga balahibo mo. Ang fear kasi ay isa sa mga pinaka-subjective na emotions ng tao bukod sa 'love.' Kaya guys, don't worry, hindi ako mao-offend kung hindi man kayo matakot sa mga one shot horror stories na nandito sa collection na ito. Hahaha.

Isa pa, ang goal ko lang naman talaga dito ay palabasin ang. pagiging malikot at pagiging 'twisted' ng aking utak na ewan ko ba kung pwede pang mas lumikot.

Anyway, ang mga kwento dito ay mga one shots, o yung mga stand-alone dahil tingin ko mas effective ang isang horror story kapag mas maikli ito. Parang mas may impact kasi yung story kung 'tight' at simple lang. Hindi mo kasi pwedeng bitinin ang 'takot' kaya kung mananakot ka talaga, as in yung full horror, gawin mo na soonest at wag pa sa next chapter. Basta, parang ganun.

Lahat ng mga kwento dito ay likha lamang ng imahinasyon ko--- though inspired siya sa mga experiences ko nung kabataan ko, sa mga horror movies na napapanood ko o sa mga librong nababasa ko (Goosebumps, anyone?) At kung may pagkakatulad man ang mga ito sa mga totoong pangyayari, ikaw, aking reader, ang humusga. Bwahahahaha!

Kaya guys, heto na, I proudly present to you my collection of horror stories! Humanda ka nang masindak!

At babala, wag basahin mag-isa kung matatakutin ka.

@jepoylee

SINDAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon