Boses

333 13 2
                                    

Nangyari ang isa sa mga pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko isang beses na maimbitahan ako ng pinsan ko na matulog sa kanila.

Taga-Marikina ang pinsan kong si Edcel at dahil malapit kami sa isa't-isa, hindi na bago sa'kin na yayain niya akong sa kanila mag-overnight.

Nagpuntang Ilocos ang parents niya nung araw na yun kaya wala siyang kasama sa bahay nila. May mga pamilya na rin kasi ang ibang mga kapatid niya kaya madalas talagang naiiwan siyang mag-isa sa kanila.

Medyo may kalumaan na ang bahay nila, pero nitong taon lang ay sinimulan nila itong ipa-rennovate kaya naabutan ko ang harap ng bahay nila na may tambak ng buhangin at mga hollow blocks. Ayon pa kay Edcel, kumuha pa sila ng mga laborer at construction workers para lang agad na matapos ang pagpapaayos nila ng bahay nila. Yun nga lang itinigil muna ngayon yung trabaho nila dahil wala nga yung parents niya.

"Iba talaga pag nakakaluwag sa buhay," biro kay Edcel pagkarating ko. Natawa siya at dumiretso na kami sa kusina nila dahil kapag nandito ako sa kanila, matik na yang kainan ang gagawin namin.

"Uy Jo, dito ka talaga matutulog ah," sabi sa'kin ni Edcel. "Wala nang bawian. Laro na lang tayo ng Cross Fire mamaya."

Pumayag naman ako agad. "Matatakutin ka talaga. 'Lam ko namang ayaw mo lang mapag-isa dito."

"Ikaw ba naman tumira sa gantong bahay..." dagdag niya at nabuhay bigla ang interes ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi siya narinig na nagsalita nang seryoso tungkol sa bahay nila.

Ancestral house ang bahay nilang ito. Ibig sabihin, minana pa nila ito mula sa mga ninuno ng tatay niya. Kaya dati tinatakot ko siya na baka may multo sa bahay nila pero tinatawanan niya lang ako. Pero iba na ngayon.

"Natatakot ka na dito? Seryoso?"

"May mga kakaiba lang akong na-experience dito nitong nakaraang araw. Jo, tumindig talaga ang balahibo ko."

"Anong klaseng experience?"

At nagkwento na nga ang pinsan ko. Last week daw, naiwan din siyang mag-isa sa bahay nila. Nakatulog siya nung hapon kaya gabi na daw nang magising siya. Nagising daw siya dahil may narinig daw siyang mga boses sa bandang kusina nila. Akala daw niya ay bumalik na ang mga magulang niya pero pagdating niya sa kusina, wala naman siyang naabutang tao. Tahimik ang kusina at ang buong bahay na mismo. Pero may isang bagay siyang napansin. Bukas ang backdoor nila kung saan tumambad sa kanya ang madilim nilang bakuran.

"Naiwan siguro ng Nanay mong bukas yun bago sila umalis," paliwanag ko.

"Pwede. Pero pwede ring may pumasok talaga kaya may narinig akong mga boses."

"Mga boses ba ng lalaki? Baka naman nanakawan kayo? Alam ba 'to ng parents mo?"

"Boses nga ng mga lalaki," sagot ni Edcel. "Pero hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila. Parang ibang language."

"Baka Bisaya? O Waray?"

"Ewan ko. Basta talagang may narinig ako. At base sa tono ng boses nila, para ngang nagtatalo sila eh. At naisip ko ngang baka mga magnanakaw nga sila, pero wala namang nawala sa mga gamit namin."

"Baka naman yung mga laborer niyo, nakiinom ng tubig," sabi ko pa para mawala yung takot sa amin dahil ayokong mag-isip nang nakakatakot.

"Gabi na nun kaya nakauwi na sila," sagot ni Edcel. "At simula nun, parang hindi na ako nakampanteng mag-isa rito. Parang may kakaiba dito. Palagi na ngang nakasara yang pintong yan eh. Pinad-lock ko pa," kwento niya pa sabay turo dun sa naka-lock na backdoor.

Natahimik na lang ako. Wala na kasi akong maisip na posibleng nangyari nung gabing sinasabi niya. Andami namang pwedeng explaination dun, pero hinayaan na lang namin. Tutal dadalawa naman kami ngayon.

SINDAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon