Sister Magdalena

212 8 5
                                    

1993

"Congratulations, Miss Cuizon, you're hired. Welcome to St. Jude's Academy," sabi ng madre na nag-interview sa'kin kaya naman tuwang-tuwa ako. Sa wakas kasi ay magiging isa na akong teacher.

Maganda ngunit luma ang Catholic school na ito, pero gusto ko ang school kaya sinubukan kong mag-apply rito. Science ang subject na ituturo ko kaya pakiramdam ko naman ay hindi ako mahihirapan dahil yun naman talaga ang major ko. Pero kahit ganun, kinakabahan pa rin ako dahil bago sa akin ang maging guro sa isang pribadong paaralan na alam kong mas istrikto at mas disiplinado kaya hinanda ko na rin ang sarili ko.

First day of classes, ninerbiyos ako nang sobra sa unang klase ko. Nagpaganda ako para ma-impress naman sa'kin ang mga madre at mga students ko. Naglagay ako ng make-up na dati ay hindi ko naman ginagawa masyado. At dahil medyo kulang ako sa height, bumili ako ng isang pares ng high heels. Iniba ko talaga ang look ko.

Buti na lang at sa pilot section ako naging adviser kaya hindi naging mahirap. Naging close ako agad sa mga estudyante ko lalo na sa mga boys, na hindi agad pinalampas ni Sister Magdalena isang beses sa lunch namin sa canteen. Siya ang principal ng high school division.

"Masyado kang close sa mga lalaking estudyante, Miss Cuizon. Alam mong isa kang teacher. You should establish boundaries."

"Opo. Sorry po, Sister."

"Next time, mag-ingat ka sa kilos mo or else aabusuhin ka ng mga students mo."

"Opo."

"At nga pala, paalalahanan mo ang mga students mo na bawal magpunta sa chapel nang mag-isa."

"Po? Bakit po?" Tanong kong nagtataka.

Napataas doon ang kilay ng madre. "Dahil yun ay isang sagradong lugar."

Hindi ko naintindihan kung anong point nun ni Sister Magdalena, pero hinayaan ko na lang yun. Inisip ko na lang na baka ayaw niya ng maingay sa loob ng chapel. Naging maayos naman ang unang buwan ko sa school, at sinunod ko ang mga tagubilin sa'kin ni Sister Magdalena. Masaya ako dahil wala namang gaanong problema rito. Ngunit mali pala ako. Hindi ko akalain na dito sa paaralang ito ay makakaranas ako ng mga kahindik-hindik na pangyayari.

Isang beses, ginabi ako sa school dahil nag-decorate kami ng mga co-teachers ko ng aming school gymnasium para sa gaganaping Intramurals kinabukasan. Sabado iyon kaya walang pasok, at naka-casual lang kaming mga guro. Nakasuot lang ako ng sando at jogging pants upang maging komportable ako sa kakaakyat sa ladder at magsabit ng decorations sa mga wall. Nagsasabit ako nun ng mga banderitas ng may mapansin akong kakaiba.

Sa wire na sabitan ng banderitas ako nakatingin pero may nahagip ang peripheral vision ko sa bandang kaliwa ko. May tao doon sa may cr, nakatayo na parang nakasilip sa amin. Yung posisyon niya ay parang nasa loob ng cr ang katawan niya at nakadungaw ang ulo niya sa amin na nasa labas lang. Nang mapansin ko iyon ay agad akong napalingon, ngunit hindi ko na iyon nakita. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko, ngunit simula nun ay hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa'min. Ngunit pag lumilingon naman ako sa buong paligid ay wala naman akong nakikita.

"Vinna, pakitingin naman sa cr kung nandun yung bag ko please," pakiusap sa'kin ni Amy, isa sa mga co-teachers ko na may ginagawa pa. Wala naman akong ginagawa kaya tinungo ko na yung cr.

Pagpasok ko sa cr ng girls, ramdam ko agad yung parehong pakiramdam na parang may nanonood sa'kin. At ang lamig, grabe sobrang lamig talaga ng paligid.

Hinanap ko na yung wallet ni Amy sa mga sa paligid, pati sa mga stall. Yung dulo ay sarado kaya kumatok ako. "May tao ba rito?" Tanong ko. "May wallet ba diyan sa loob?" Dagdag ko pa pero wala pa ring sumasagot. "Excuse me may tao ba diyan?"

SINDAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon