Chapter 2 *Bahid ng Dugo*

2.1K 84 11
                                    

SA DULO ng Liro matatagpuan ang tarangkahan papasok sa Venus. Sa Labas naman nito nakalagak ang isang malaking gusali na tinatawag na Kabin. Gawa ito sa bato at binubuo ng apat na palapag. Dito panandaliang dinadala ang mga kriminal bago tuluyang ipasok sa Venus.

Nagpasya si Virgo na pumunta rito. "Ako si Virgo Euxine. Gusto kong makausap ang anak ko!" sabi niya, subalit hindi siya pinakinggan ng regulator na nakabantay. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Virgo Euxine, ang kilalang panday ng Emerald City. Papasukin mo ko!"

"Kahit kilalang tao ka, wala ka nang magagawa. Mismong kapatid ng biktima ang nakasaksi sa pagpatay ng anak mo kaya tiyak na wala na itong kawala. Ipatatapon na ito sa Venus."

Biglang nag-init ang ulo ni Virgo. "Hindi n'yo 'yon pwedeng gawin! Hindi basura ang anak ko!" sigaw nito. Napapakuyom na ito ng kamao. Gusto na nitong suntukin ang regulator. Mabuti na lang bumukas ang pintuan. Lumabas mula roon ang dalawang regulator kasama si Emerald. Iyon ang nagpahinahon kay Virgo.

"Emerald, anak!"

"Tatay, patawad."

Biglang natigilan si Virgo. Bakit humihingi ng tawad sa kanya ang anak?
Dahil ba ginawa talaga nito ang krimen?
Hindi.
Imposible iyon.

"Bakit ka ba humingi ng tawad? Wala ka namang ginawa, tama?" paniniyak niya.

"Tatay, patawad po dahil dinungisan ko ang inyong espada."

Ang salitang iyon ng anak ang tuluyang dumurog sa puso ni Virgo. Kung gayon, totoo nga. Ang anak niya nga ang pumatay kay Gerad.

***

ITINULAK SI Emerald ng isang regulator papasok sa magiging selda niya. "Diyan ka!"

Napadapa si Emerald. Halos tumama na ang mukha niya sa sahig.

Kasunod noon ang isa pang regulator na nagtali naman sa mga kamay at paa niya.

"Higpitan mo ang tali riyan, dahil baliw 'yan! Pinatay niya ang anak ng gobernador," sabi ng unang regulator.

"Oo, alam ko," sagot ng kasama niya bago hinigpitan ng husto ang pagtatali. Pagkatapos ay tumayo na ito para umalis. "Ipinahiya niya lang ang kanyang ama," pahabol na sabi nito.

Napakasakit noon.

Hindi ang pagkakatali kay Emerald ang masakit, kundi ang mga salita na binitiwan nila.
Pinatay daw niya si Gerad at ipinahiya ang kanyang ama.

Iyon ang dalawang bagay na alam niyang kailanman ay hindi niya magagawa ,pero nagawa niya.

Ang puting damit na suot niya at ang mga matsa ng dugo na narito ang tumatayong saksi.

Bigla na lang tuloy siyang napaluha.

Ang totoo, kanina niya pa talaga gustong umiyak, pinigilan lang niya dahil ayaw niyang makita iyon ng ama. Hindi kasi niya pwedeng sabihin dito ang katotohanan.

Kung pinatay niya si Gerad?
Oo ang kasagutan. Siya talaga ang gumawa sa krimen, ngunit meron siyang dahilan.

Meron silang plano.

NAKAUPO na si Emerald sa kanilang sasakyan nang may lalaking kumatok sa bintana.

Si Neon Megan. Isa itong mataas na lalaki na may maayos na gupit ng buhok at salamin sa mga mata.

Binuksan ni Emerald ang bintana ng sasakyan. "May problema ba, Neon?"

"Papasukin mo ko."

"Bakit?"

Hindi sumagot si Neon. Tumingin lamang ito ng diretso kay Emerald. Si Neon ay kilalang doktor sa Emerald City. Kaibigan din ito ng kasintahan ni Emerald kaya walang dahilan upang di niya ito pagkatiwalaan. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinapasok ang lalaki.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon