Habang tumatakbo ay tumitingin si Emerald sa paligid. Nagbabakasakali siya na maabutan pa si Nikela pero mukhang wala na ito.
Sa palagay niya, nakabalik na ito sa First Region.Doon na siya unti-unting napahinto.
Napatingin din siya sa dala niyang bulaklak.Siryoso ba talaga ako? Hahabulin ko ba talaga siya? tanong ni Emerald.
Nagsimula na naman siyang magkaroon ng agam-agam. Kung nakabalik na si Nikela sa First Region, ibig sabihin malabo na niya itong masundan. Hindi siya maaaring lumampas ng teritoryo dahil mayroong batas. Kapag ginawa niya iyon siguradong mamamatay siya.
Napabuga ng hangin si Emerald. Kasalanan niya dahil pinaalis niya si Nikela. Kung hindi niya iyon ginawa, malamang magkasama pa rin sila. Pero siguro nga... dapat na niyang panindigan iyong nauna niyang desisyon.
Patawad, Mary... nabigo ako.
Humakbang na pabalik si Emerald. Handa na siyang bumalik sa Den subalit bigla siyang nakaramdam ng pagkamanhid. Parang nawalan siya ng lakas. Hndi niya maigalaw ang kanyang mga tuhod.
Anong ibig sabihin nito? Kasabay ng tanong na iyon ay ang pagbalik ng mga sinabi ni Mary sa kanyang isipan.
Takot ka bang magmahal? Kung sa bagay... hindi naman kita masisisi... Maunti lang ang tao na handang mamatay para sa pag-ibig.
“Hindi!Hindi ako takot!” Napabulalas si Emerald. Pinilit niyang ihakbang ang mga paa, at nagawa niya iyon. Sa pagkakataong ito, nagdesisyon siyang huwag munang bumalik sa Den. Susundan niya si Nikela, kahit pa manganib ang kanyang buhay.
Muli siyang tumakbo hanggang sa marating niya ang hangganan ng Seventh Region. Ngayon ay nasa pagitan na siya ng Seventh at Sixth Region.
Kapag lumampas ako rito, mamamatay ako. Iyon ang sinasabi ng isipan ni Emerald. Pero kung hindi ako hahakbang hindi ko makikita si Nikela, dagdag niya.
Dito niya ngayon masusubok ang sinasabi ni Mary. Handa ba siyang mamatay para kay Nikela?Bakit hindi? Nagawa ko na ito dati, naisip ni Emerald.
At tama... minsan na siyang nagsakripisyo para sa pag-ibig. Ang una ay noong pumayag siyang magpanggap bilang mamamatay tao. Wala iyong pinagkaiba sa ngayon.Magpapakamatay ako para sa pag-ibig.
Inihakbang na ni Emerald ang kanyang paa.
Hindi.
Bigla siyang napahinto.
Malaki ang pinagkaiba nito... dahil ang gagawin kong ito ay hindi para sa isang sinungaling na gaya ni Gerad, kundi para sa lalaking tunay na nagmamahal sa akin.
Tuluyan na ngang naiapak ni Emerald ang kanyang paa sa teritoryo ng Sixth Region. Kasabay noon ang biglang pagbaba ng kanyang lightyears. Nakita iyon ni Emerald, pero wala siyang pinagsisisihan. Susundan niya ang pag-ibig niya kahit anong mangyari.
Tatakbo na siya nang biglang may bumulusok na mga sibat sa kanyang harapan.
“Mukhang hindi mo alam ang ginagawa mo, tama ba taga-Seven?” Isang maskuladong lalaki na may kulay lilang bandana sa braso ang nagsabi noon. Matangkad ang lalaking iyon, mahaba at umaalon ang itim na buhok at nakasuot ng kulay itim. Sa tabi nito ay nakatayo ang isa pang lalaki na tulad nito ay kulay itim dinn ang damit at may kulay lila rin bandana sa braso. Mas maliit ito at halos tuktok lang ng ulo ang nalalagyan ng buhok. Parehong nakatiklop ang mga braso ng dalawa habang nakatitig kay Emerald.
Mga Hashke. Alam na agad iyon ni Emerald.
“Tapusin mo na siya,” sabi ng mas maliit na lalaki.
Ngumisi ang matangkad na lalaki. Kasabay noon ang biglang paglitaw ng maraming sibat sa likuran ng nila—mga sibat na sabay-sabay sumugod sa direksyon ni Emerald.
BINABASA MO ANG
Prisoners in Venus
Fantasy"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na mula sa marangyang pamilya. Wala siyang ibang hangad kundi ang makasama si Gerad, ang lalaking nagligtas sa kanya noong bata pa siya. Magb...