Chapter 48 *Unang Pag-ibig*

1.2K 59 3
                                    

Ilang taon na ba ang lumipas?
Ilang taon nang nasa Venus si Emerald?
Gaano na siya katagal nakakulong?
Gaano na katagal mula nang hindi niya makita si Gerad?

Ang sagot...
Matagal na.

Katunayan ay hindi na niya inasahan na magkikita pa sila.

Pero totoo ito. Nasa harap niya ngayon ang lalaki.
Mas mahaba na ngayon ang buhok nito. Mas malaki na rin ang katawan, subalit tulad pa rin ng dati ang mukha. Maamo pa rin.
Hindi iyon bagay sa tunay nitong pagkatao.

"Emerald, ikaw ba iyan?" bigla nitong tanong taglay ang mahinahong tinig.

Agad na itinaas ni Emerald ang hawak na espada.

"Emerald, ikaw nga." Tumakbo si Gerad palapit sa kanya.

"Diyan ka lang!" sigaw ni Emerald. Itinutok niya ang kanyang espada.

"Emerald..." Lumapit pa rin si Gerad at yumakap sa kanya.

"Ah..." Natigilan si Emerald.
Sa kung anong dahilan, bigla niyang naalala ang dati.
Iyong mga panahon na malaya pa siya.
Iyong mga panahon na magkasama pa sila ni Gerad.

Pero hindi na dapat.
Mali na.

Hindi niya maaaring kalimutan ang kasalukuyan.

"Bitiwan mo ko!" Itinulak niya ang lalaki.

Napakunot ng noo si Gerad. "Bakit? Anong problema? Hindi ka ba masaya na makita ako?"

"Masaya? Tinatanong mo kung masaya ako?"
Napailing si Emerald.

Anong karapatan ng lalaking ito para magtanong ng ganon? Hindi ba nito nalalaman na alam na niya ang katotohanan?

Alam na niya na nilinlang lamang siya nito.

"Nagpunta ako rito para sayo," sabi ni Gerad. "Emerald..." Muli itong nagtangka na hawakan siya subalit hindi nagtagumpay.
Mabilis nakadistansiya si Emerald.

"Kapag lumapit ka sa akin sisiguraduhin ko na babaon sayo ang talim ng espada ko." Muling itinutok ni Emerald ang kanyang espada.

Bigla iyong hinawakan ni Gerad.

"Ah!" Napaawang ng labi si Emerald nang makita ang mga dugong tumulo mula sa kamay ng lalaki.

"Tulad ng sinabi ko, nagpunta ako rito dahil sayo,"sabi ni Gerad. Tumitig ito kay Emerald. "Sumama ako sa Serpents para lang makita at iligtas ka," dagdag pa nito.

"I-Ililigtas mo ko?"

"Wala kang kasalanan kaya hindi ka nababagay rito."

Hindi nakaimik si Emerald.

"Halika na..." Iniabot ni Gerad ang kamay nito.

"Tumigil ka!" Nagtaas ng boses si Emerald. "Ano bang ililigtas ang pinagsasabi mo diyan? Sa palagay mo ba paniniwalaan kita? Alam ko na ang totoo kaya itigil mo na ang pagkukunwari." Iginalaw ni Emerald ang espada subalit hindi niya naikilos.

Mahigpit ang pagkakakapit dito ni Gerad. Hindi rin nawala ang pagtitig nito sa kanya.

"Alam ko... na kaya mo lang nasasabi ang mga bagay na iyan ay dahil sa mga naranasan mo sa lugar na ito... pero huwag ka nang mag-alala. Narito na ako. Iaalis na kita rito."

Sandali... napaisip si Emerald. Tiningnan din nito nang diretso si Gerad.
Wala siyang nakikitang anomang bakas ng kasamaan sa mga mata nito.
Kung gayon posibleng nagsasabi ito ng totoo.
Baka nga sumama talaga ito sa mga Intruder para iligtas siya.

"Mahal ko!" Muli siya nitong niyakap.

Batid ni Emerald na wala na siyang nararamdamang pag-ibig sa lalaki pero dahil sa pinagsamahan nila, tila lumalambot ang kanyang puso.
Parang gusto na niyang maniwala.
Parang gusto na niyang magalak sa ideya na hindi naman talaga siya niloko ni Gerad.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon