Chapter 28 *Pagbalik*

1.4K 60 2
                                    


Hindi na natutuwa si Double Zero sa takbo ng kanyang pagsasanay kaya naman hiniling niya kay Echezen na magharap sila.
Hindi naman siya tinanggihan nito. Sa kasalukuyan ay nasa Book sila at nagkakaroon ng dwelo.

Napapangiti si Echezen habang iniisip ang huli nilang paghaharap. Napakatagal na noon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Seventh Region pa noon si Nikela.

Habang nagpapalitan sila ng mga suntok ay naaalala ni Echezen ang araw na iyon.

Narinig niya sa isa sa mga kasamahan niyang Hashke ang tungkol sa bagong bilanggo na nasa Seventh Region. Wala raw tatalo sa husay nito pagdating sa pangangaso.

Mas naging matunog pa ang pangalan nito nang makapaslang ito ng isang Hashke.

Sa puntong iyon ay naging interesado na si Echezen na makilala ito.

Pinuntahan niya ito sa Seventh Region at doon na nga naganap ang una nilang paghaharap.

Wala naman talaga siyang balak na labanan ito ngunit dahil gusto niyang malaman kung gaano ito kalakas ay ginawa niya. Sa naging dwelo nila napatunayan niya na talagang mahusay ito.

"Magaling ka... karapatdapat kang mapalipat sa First Region." Nang sabihin niya iyon ay huminto na sa pagsugod si Nikela.

"Sumama ka na sa akin...Sayang ang kakayahan mo kung mananatili ka lang dito."

Pagkasabi noon ay bigla siyang tinutukan ni Nikela ng espada.

"Hindi ako sasama sayo... umalis ka na!" sabi nito gamit ang malamig na tinig. Matalim din ang mga mata nito. Alam agad ni Echezen na ayaw nitong magtiwala.

Pinagmasdan niya pa ito at doon niya nakita ang suot nitong kwintas. Isang kakaibang enerhiya rin ang naramdaman niya na bumabalot sa lalaki.

Napangiti si Echezen.

"Mukhang may mahika na pumipigil sa kapangyarihan mo... gusto mo bang tanggalin ko yan?" sabi ni Echezen.

Namilog ang mga mata ni Nikela. "Paano mo?"

Paano mo nalaman iyon?
Iyon ang gustong itanong ni Nikela. Kung paano nalaman ni Echezen ang tungkol sa kapangyarihan niya at sa sumpa na ibinigay sa kanya ni Zion upang di niya ito magamit.

"Dahil parehas tayo..." sagot ni Echezen. Kasunod noon ang pagtaas nito ng kanang kamay at pagpapakawala ng apoy. "Pareho tayong nagmula sa angkan ng mga salamangkero."

Hindi makapaniwala si Nikela na makakita ng taong tulad niya. Ayaw niyang aminin ngunit tila ba may kung anong saya na namayani sa puso niya.

"Kung hindi ako nagkakamali, anak ka ni Prinsipe Austin, tama ba?" dagdag pa ni Echezen.

Lalo nang hindi nakaimik si Nikela. Dahan-dahan na rin nitong ibinaba ang kanyang espada. Sinong mag-aakala na mayroong tao sa kulungang ito na nakakaalam ng tunay niyang pagkatao? At parehas pa silang salamangkero.

"Kilala mo ba ang pamilya ng aking ina?" tanong ni Nikela.

"Hindi ko sila personal na kilala... pero pareho kami ng pinagmulang tribo. Galing kami sa pamilya ng mga salamangkero na minsang nanirahan dito sa Venus noong hindi pa ito kulungan," sabi ni Echezen.

Napailing lamang si Nikela. Ang daming alam ng taong ito, naisip niya.

"O ano... sasama ka na ba sa akin, ha Prinsipe Nikela?"

Muling nagulat si Nikela. Hindi niya inasahan ang itinawag sa kanya nito.
Kailan pa ba ang huling sandali na may tumawag sa kanya ng prinsipe?

"Hindi na ako..."

"Ang kwintas mo ang magpapatunay na isa kang prinsipe," pagpapatuloy ni Echezen.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon