Author's Note
THIS Chapter is P13 :p and Unedited.
Its been a year nang simulan ko ito. Ang sabi ko by January tatapusin ko na pero nabigo ako. Literal na inabot ang kuwento ng isang taon siguro factor na rin iyong pag-edit ko sa ilang mga part.
Ngayon no edit muna. Next time na.BY THE WAY just to announce. ISA SA MGA PINAGKA-BUSY-HAN ko for the past 7 months (kaya madalas walang update) ay dahil sa pagsali ko sa isang One-Shot Writing Contest, ang Literary Outbreak Season 2. INABOT siya ng limang phase + Audition Round. DI KO TALAGA inasahan yung result. Ako yung nag-rank 1.
JUST SHARING MY SUCCESS.
anyway, Ito na po iyong story.Enjoy reading.
*************
Alam ko na ngayon kung paano pupuksain si Double Zero.
Sa wakas. Hindi na ako mag-aalala.
Hindi na mawawala si Nikela.Iyon ang mga mga bagay na tumatakbo sa isipan ni Emerald habang nasa hardin kasama si Nikela. Nakaupo sila ngayon sa damuhan.
Sa mga oras na ito nasabi na ni Emerald kay Nikela ang tungkol sa natuklsan niya sa kung paano pipigilan ang paglabas ni Duble Zero. Sinabi niya lahat maliban sa ginawa niyang paghalik dito.
"Sinasabi mo ba na hindi lalabas si Double Zero kapag mababa ang lightyears ko?" kompirma ni Nikela.
Tumango si Emerald.
Natahimik si Nikela.
Batid ni Emerald ang dahilan.
Siguradong nag-iisip ito ng paraan kung paano magpapababa ng lightyears.
Isa lang naman ang dapat gawin. Ang lumabag. Pero kaya ba iyon ni Nikela? Kung hindi siya nagkakamali nilikha si Nikela para gumawa ng mabuti.
Napahawak si Nikela sa kanyang ulo. "Paano ako lalabag? Kailangan ko bang pumatay?"
"Mas mabilis sanang lumabag kung hindi ka bahagi ng First Region," sabi ni Emerald.
Sang-ayon doon si Nikela.
"Bukod sa pagpatay, meron pa ba akong batas na puwedeng labagin?" tanong ni Nikela.
"Huwag sumunod sa pinuno?" suhesyon ni Emerald.
Umiling si Nikela.
Siya nga naman. Hindi iyon uubra dahil kung iisipin parang Superior na rin si Nikela dahil nasa katawan siya ni Double Zero.
"Kung gayon..." nag-isip pa si Emerald. Bigla siyang natigilan. Napatingin siya nang diretso kay Nikela.
Tumingin din sa kanya ang lalaki.
Walang salita na lumabas sa mga bibig nila pero nagkaintindihan sila.
"Hindi ko iyon gagawin. Kung labag sa loob mo," sabi ni Nikela.
Ngumiti si Emerald bago hinawakan ang kamay ng lalaki. "Sa palagay mo ba talaga tatanggi ako?"
Nagkatinginan ang dalawa.
Ni minsan ay hindi sumagid sa isip ni Emerald na makakatagpo siya ng pag-ibig dito sa loob ng Venus. Hindi niya rin akalain na ang inasam niyang kasal noon sa simbahan ay magaganap sa kinatatakutang kulungan na ito.
Yinakap ni Emerald ang lalaki.
Aminado siya na sa mga bisig nito ramdam niya ang kanyang kaligtasan. Kaya naman handa siyang gawin ang kahit ano makasama lang ang lalaking ito.
Niyakap ng magkasintahan ang isa't-isa. Nagpalitan din sila ng mga matatamis na salita bago ipinaglapat ang mga labi.
Sa puntong ito ay handa na silang maging isa.***
Nagpaalam si Nikela kay Emerald para puntahan si Dustin sa silid nito. Bigla kasi niyang naisip na kailangan nilang mag-usap.
"Dustin, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Nikela nang makarating na siya sa silid nito.
Napakunot ng noo si Dustin. Napansin kasi nito ang seryosong mukha ni Nikela. "May problema ka ba?" tanong nito bago pinapasok ang kaibigan.
Isang malalim na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ni Nikela pagkapasok niya sa silid.
"May problema ka nga," bulalas ni Dustin sabay tiklop sa kanyang mga braso.
Dito na ngumiti si Nikela sabay tapik sa balikat ni Dustin. "Huwag nating gawing seryoso ang usapan. Hindi ako sanay," sabi pa niya.
"Ano ba kasing problema mo?" napapasimangot na si Dustin.
"Tungkol sa amin ni Emerald. Mamayang gabi...."
"Gagawin nyo na?"
Hindi na natapos ni Nikela ang sasabihin dahil sa mabilis na reaksyon ni Dustin. Ang lapad ng ngiti nito. Tinapik-tapik din nito sa balikat ang kaibigan. "Maganda yan. Marami ka bang lightyeras?" Hinawakan nito ang braso ni Nikela para tiyakin iyon. "Okey! Madami."
Napangiti si Nikela. "Natutuwa ako dahil sinusuportahan mo ko, Dustin kaya lang..." Muling naging seryoso ang mukha ni Nikela. Bagay na ipinagtaka ni Dustin.
"Ang totoo kaya namin iyon gagawin ay dahil kay Double Zero."
Biglang natahimik si Dustin.
Hindi na nagtaka si Nikela. Alam na niya ngayon na nahulaan na ng kaibigan ang plano nila.
"Nasisiraan ka na ba!" naging matapang ang tono ni Dustin. "Iniisip mo ba talaga na puksain si Double Zero?"
Walang naging tugon si Nikela. Sa halip ay lumakad ito papunta sa may bintana. Mula rito ay tanaw niya ang kagandahan ng hardin. "Napakaganda na talaga ng hardin natin. Salamat sa Rose mo," sabi ni Nikela.
"Puwede ba, Nikela. Huwag mong ibahin ang usapan! Ano ba! Talaga bang seryoso ka sa gagawin mo kay Double Zero?"
"Sa palagay mo ba pupuntahan kita rito kung hindi?"
Sa isa pang pagkakataon. Natahimik na naman si Dustin.
"Pero hindi rin naman ako sigurado kung magagawa nga noon na puksain si Double Zero, Kaya nga..." Humarap si Nikela kay Dustin. "Gusto kitang pakiusapan, Dustin. Kung maaari protektahan mo si Emerald. Pakiusap!" Yumuko ito sa harap ng kaibigan.
"Nikela..."
"Ikaw lang ang maaasahan ko, Dustin kaya nakikiusap ako. Protektahan mo siya," ulit ni Nikela.
"Ano ka ba..." Lumapit si Dustin kay Nikela. Hinawakan niya ito sa likod. "Huwag kang mag-alala. Akong bahala."
"Salamat, Dus--- Ah!" Biglang napahawak si Nikela sakanyang ulo.
"Nikela, bakit?" nag-aalalang tanong ni Dustin.
"Ang ulo ko... parang mabibiyak!"
"Ano?" Nag-alala si Dustin. "Hindi kaya gustong lumabas ni Double Zero?"
"Hindi. Hindi puwede. Huwag ngayon! Ahh!" Napasigaw si Nikela. Sigurado siyang lalabas na nga si Double Zero ngunit di niya iyon papayagan. Kailangan niya itong paglaban.***
Nasa hardin pa rin si Emerald. Kung may gusto siyang lugar sa palagay niya ay ito na iyon. Napakaganda ng bahaging ito ng palasyo. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga bulaklak.
Inaamoy niya ang mga rosas nang mapansin niya si Echezen.
"Echezen!" Agad yumuko si Emerald bilang tanda ng pagbati.
"Hindi ba kayo magkasama ni Nikela," tanong ni Echezen. Seryoso ang tinig nito.
"Ah, oo. Kanina kasama ko siya. Pinuntahan niya lang sandali si Dustin,"sagot ni Emerald. Gusto niya sanang maging mahinahon sa harap ng lalaki, ngunit di niya magawa. May kung ano siyang kaba na nararamdaman ngayong kaharap na niya ito. Dahil ba isa ito sa Superior? O dahil kakampi ito ni Double Zero?
"Sige, di bale na lang," sabi ni Echezen bago ito tumalikod.
Nakahinga nang maluwag si Emerad.
Mapagkakatiwalaan ko ba si Echezen o tama ang hinala ko na katulad din siya ni Double Zero? Iyon ang tanong ni Emerald sa kanyang isipan.
Malayo na si Echezen nang may maalala si Emerald.
Si Echezen. Ang Superior ng Venus na siya rin tagabigay ng kapangyarihan sa mga Hashke. Marami kaya siyang alam tungkol sa Venus? Naglaro ang mga bagay na iyon sa isipan ni Emerald.
Baka nga, naisip niya pa.
"Sandali." Tumakbo si Emerald para sundan ang lalaki.
Huminto naman ito at humarap sa kanya.
"May nakalimutan ka bang sabihin?" tanong ni Echezen.
Kanina lamang ay kinakabahan si Emerald na makipag-usap dito pero ngayon tila nagkaroon siya ng lakas ng loob. Bigla niya kasing naalala si Jo.
"Naisip ko lang. Baka kilala mo si Ed Francia,
Tanong ni Emerald.
"Ed Fracia?" ulit ni Echezen.
"Isa siyang Hashke."
"Kung Hashke siya, bakit hindi si Double Zero ang tanungin mo?" suhesyon ni Echezen.
Hindi nakausap si Emerald. Parang napakahirap kasing gawin noon.
"Kaibigan mo ba ang taong yon?" pahabol na tanong ni Echezen.
Umiling si Emerald. "Kapatid siya ng namayapa kong sundo," sabi niya.
"Ganoon ba. Pero sayang, hindi ko siya kilala," ani Echezen bago ito tumalikod. "Siya nga pala." Muli itong humarap kay Emerald. "Tungkol kay Nikela. Binabalak mo bang puksain si Double Zero?"
Namilog ang mga mata ni Emerald nang marinig ang tanong na iyon.
Mas nabigla pa siya sa sumunod na tanong na ibinato ni Echezen.
"Sa tingin mo ba magtatagumpay ka?"
"B-Bakit hindi..." ang mga salitang lumabas sa bibig ni Emerald.
Napangisi si Echezen.
"Sige... kung may plano ka, ituloy mo lang. Pero ipinapaalala ko sayo. Si Double Zero ang orihinal." May diin ang huling apat na salita ng lalaki.
Napahawak tuloy si Emerald sa kanyang dibdib.
Hindi kaya?
Biglang pumasok sa isip niya ang posibilidad ng pagbabalik ni Double Zero.
Huwag naman sana. Huwag muna! Sigaw ng kanyang isipan. Agad siyang tumakbo papunta sa palasyo.
Nikela. Nakaramdam ng takot si Emerald. Agad siyang tumakbo upang puntahan ang kasintahan.Tumungo agad siya sa silid ni Dustin. Hindi na nga siya kumatok. Basta na lamang niyang binuksan ang pintuan.
"Nikela!"
Mahabang katahimikan.
Nangilid ang mga luha ni Emerald nang makita si Nikela na nakatingin sa kanya. Maging si Dustin napatinmgin din kay Emerald.
"Emerald." Sinambit ni Nikela ang pangalan ng dalaga.
"Nikela... ikaw ba yan?
Ngumiti ito.
Napagaan noon ang loob ni Emerald. Mabuti naman. Ang akala ko... iiwanan mo na naman ako," naiiyak ang tono na daing ni Emerald.
"Hindi iyon mangyayari," sagot ni Nikela bago nito nilapitan at niyakap ang dalaga. "Sige. Dustin. Aalis na ko. Salamat sa pakikinig mo."
"Ah, w-walang anoman. Salamat sa tiwala mo, kaibigan," ang sagot ni Dustin.
Hinawakan ni Nikela ang kamay ni Emerald. "Halika na," aya nito.
Lumipat sila sa kabilang kuwarto. Sa silid ni Double Zero.
Napakatahimik sa loob.
Nakakapanibago, ani Emerald.
Nakatayo lamang siya roon. Ganoon din naman si Nikela. Pareho silang nagpaparamdaman.
Naisip ni Emerald basagin ang katahimikan.
"Ngayon na ba?" paniniyak niya.
"May iba pa bang pagkakataon?" sagot ni Nikela.
Napangiti si Emerald.
"Naiintindihan ko," mayuming tugon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Prisoners in Venus
Fantasy"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na mula sa marangyang pamilya. Wala siyang ibang hangad kundi ang makasama si Gerad, ang lalaking nagligtas sa kanya noong bata pa siya. Magb...