Chapter 47 *Ang Pagsalakay*

1.2K 50 2
                                    


Pagkatapos mailibing si Su, kinausap ni Novi ang lahat ng mga Hashke.

"Makinig kayo! Siguradong anomang oras sasalakay ang mga kalaban kaya kailangan nating maging handa lalo na dahil wala si Superior Double Zero."

Tumango ang lahat.
Handa sila sa anomang laban. Lalo pa ngayon na mayroong nasawi.
Ang iba ay nanggagalit na ang mga ngipin.

Nagpatuloy si Novi sa pagbibigay ng instruskyon.
"Maiiwan ang mga pinuno rito. Ang iba naman ay pupunta sa kanikanilang region. Kailangan n'yong tiyakin ang kaligtasan ng mga bilanggo. Maliwanag ba?"

"Oo!" sagot ng mga Hashke bago sila mabilis na kumilos at tumungo sa kani-kanilang lugar.

***

Sa Den ng Third Region.

Nakaratay ang tila wala nang buhay na si Nikela sa silid ni Lamb.
Nakaupo sa tabi nito si Emerald.
Nangangamba... sa kung ano ang puwedeng mangyari sa minamahal.

Pumasok sa silid sina Lamb at Mist.

"Ah!" Agad na tumayo si Emerald at lumapit sa kaibigan. "Lamb, kumusta? Nakakuha na ba kayo ng gamot para kay Nikela?"

Si Mist ang sumagot. "May gamot kontra sa lason na nakuha niya, pero sa kasamaang palad ay wala niyon dito."

"Sa Second Region, sigurado meron doon!" bulalas ni Emerald. Itinuro niya ang sarili. "Puwede akong pumunta 'ron. Ako na ang kukuha ng gamot."

Umiling si Lamb.

"Ha? B-Bakit?" Nag-alala si Emerald.

"Pamilyar na ako sa mga gamot na mayroon sa Second Region kaya sigurado ako na wala roon ang gamot na kailangan ng Superior."

"Kung gayon paano magagamot si Nikela?" Nadoble ang pag-aalala ni Emerald.

Kinapitan siya ni Lamb sa balikat.
"Huwag kang mag-alala. Doktor ako. Kaya kaya kong gawin ang gamot."

"Talaga?"

Tumango si Lamb.

Napanatag si Emerald.
"Mabuti naman. Salamat Lamb."

"Hindi ako, kundi si Superior Dustin ang dapat mong pasalamatan," sabi ni Lamb sabay tingnin kay Nikela. "Kung hindi niya napahinto ang oras ni Superior Double Zero... malamang wala na siya ngayon. Hindi rin kasi mabilis gawin ang gamot. Maraming sangkap na kailangan."

"Sabihin mo na kung ano ang sangkap para maihanda na natin kaagad," suhesyon ni Mist.

"Oo, ang mga sangkap..." Muling tumingin si Lamb kay Emerald. "Karamihan naman ng mga sangkap ay narito sa Third Region maliban sa isa. Ang Venus Heart."

"Venus Heart?" ulit ni Emerald.

"Si Mist na ang bahala sa ibang sangkap. Pero iyong Venus Heart... Puwede bang ikaw ang kumuha, Emerald."

"Hindi! Ako na rin ang kukuha noon. Kaya ko na 'yon!" sabi ni Mist.

"Kung aalis ka ng Region natin, mababawasan na naman ang lightyears mo!" giit ni Lamb.

Nanlisik ang mga mata ng lalaki.

"Tama si Lamb!" singit ni Emerald. "Sa lahat ng narito ako lang ang may kakayahan na pumunta sa iba't-ibang region. Ako na ang bahala."

"Pero delikado iyon. Lalo na dahil may mga Intruders! " dagdag ni Mist.

Napakapit sa ulo niya si Lamb. "Kung bakit naman kasi wala pang dumarating na Hashke. Sila dapat ang pakuhanin 'non. "

"Hindi. Ako na ang bahala. Para ito kay Nikela kaya bukal sa loob ko na gawin ito." Inayos na ni Emerald ang sarili. Kinuha niya ang kanyang espada.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon