AN: In my last update, i forgot to tell na ang real name ni Genica ay Aries.
Siya ang espiya ng mga Serpents.
I made a lil edit doon.Here's the latest update today July 12.
***
Bago pa maitarak ni Gerad ang espada niya ay naunahan na siya ni Emerald.
Tumagos ang espada ng dalaga sa tiyan niya.
Natigilan si Gerad. Napasuka ng dugo.
Sa pagbunot ni Emerald sa espada, tuluyang bumagsak ang lalaki at nawalan ng buhay.
Para sa katapusan ng kasakiman mo.
Magpahinga ka na, Gerad, sabi ni Emerald.
Wala akong nararamdamang sakit, dagdag niya.
Bakit? Bato na ba ang puso ko?Sandaling napaisip ang dalaga.
Siguro nga. Pagdating kay Gerad, bato na ito.
Kasabay nang pagsasabi niyon ay ang pagkabawas ng lightyears ni Emerald."Emerald."
"Ah, Echezen!"
Muling binalikan ni Emerald ang lalaki.
Hindi pa tuluyang kumakalat ang kulay itim na marka sa dibdib nito. Mabuti naman.
"Ano nang nararamdaman mo?"
"Huwag kang mag aalala. Buhay pa ako."
"Alam ko, pero hindi ka okey, di ba?"
Hindi nagsalita ang lalaki.
"Sige. Halika. Dadalhin kita kay Lamb para magamot ka rin."
"Hindi. Huwag na."
"Anong huwag na! Kapag hindi nasolusyunan ang marka sa dibdib mo baka mamatay ka."
"Paano mo naman ako madadala sa Lamb na sinasabi mo?"
"Bahala na." Sinimulang alalayan ni Emerald ang lalaki. May kabigatan ito pero tiniis niya.
Kailangan nilang makapunta sa Third Region."Mukhang nag-iisip ka rin. Hindi mo ko hinahayaang mapahamak dahil alam mo na sa oras na mawala ako magiging dehado tayo dahil mawawala ang kapangyarihan ng lahat ng Hashke."
"Hindi ko iyon iniisip."
Napasulyap si Echezen kay Emerald.
"Kahit wala kang kapangyarihan gagawin ko pa rin ito. Hindi kita hahayaang mamatay."
"Talaga? Bakit naman?"
"Tinatanong pa ba iyon? Siyempre dahil ikaw ang kapatid ng sundo ko. At isa pa..." Sumulyap si Emerald kay Echezen. "Kaibigan ka ni Nikela."
Hindi na nakaimik si Echezen.
Nagpatuloy sa paglakad si Emerald.
Kaunting tiis lang. Makakarating din sila kina Lamb. Kung papalarin, baka may makita silang Hashke sa daan. Mas mabuti iyon para may mahingan sila ng tulong."Si Nikela." Muling nagsalita si Echezen. "Sa halip na ako, siya dapat ang alalahanin mo ngayon."
"Alam ko," mabilis na sagot ni Emerald. "Pero gaya ng sinabi mo umaasa ako na hindi siya basta susuko. Hindi siya mamamatay."
Pumukaw kay Echezen ang mga salitang iyon ni Emerald.
Matapang siya, naisip ng lalaki. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga. Malakas din siya at maganda, sabi pa niya sabay abot sa mukha nito.
Napatingin sa kanya si Emerald.
"Ah."
Bago pa mahawakan ni Echezen ang mukha ni Emerald ay bigla na silang natumba.Napadagan si Emerald sa ibabaw ni Echezen.
BINABASA MO ANG
Prisoners in Venus
Fantasy"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na mula sa marangyang pamilya. Wala siyang ibang hangad kundi ang makasama si Gerad, ang lalaking nagligtas sa kanya noong bata pa siya. Magb...