Moving On

29 0 1
                                    

Tinanggap ko ang pagkawala ni Kuya, mahirap at masakit pero kailangan ko ipag-patuloy ang buhay ko! kahit sa ganitong paraan alam kong magiging proud si kuya sakin...

Isang buwan ang matuling lumipas matapos ang pagkamatay ni kuya, tahimik ang buhay ko, Di ko na ulit nakakasalubong ng landas si Gly. Na sadyang ikinatuwa ko naman. Sya ang dahilan kung bakit nabubuhay ako sa tahimik pero miserableng mundo. Nagpunta ko sa Cafe na malapit sa university para magtrabaho kahit masama ang pakiramdam ko. Simula nang mamatay ang Kuya ko naging part-time job ko ang pagiging waitress doon para kumita ng pera na gagastusin ko para sa mga gastusin. Mahirap na lang ako ngayon kaya kailangan ko magtrabaho dahil wala na mag-aasikaso sa sarili ko kung hndi ako. Hindi ako pwedeng umabsent sa trabaho kahit masama ang pakiramdam ko dahil kakapusin ako sa pang-gastos kapag nagkataon.

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga mesang binakante na ng mga grupo ng studyante. Bitbit ang tray na punong-puno ng pagkain ay bigla akong pumihit paharap. Hindi ko napansin na may tao pala sa likuran ko. Dahil doon ay tumama ang hawak kong tray sa dibdib nya. Tumilapon ang laman ng tray ay derecho sa kaawa-awang nilalang. At sa gulat ko! Si Gly! ang natapunan ko! SHIT naman! ><

" ano bang meron kang babae ka at sa twing nagkikita tayo nagkakaroon ako ng kahihiyan?! Ipinanganak ka bang malas!? Because if yes, could you please stay out of my sight! Naiirita na ako sayo aa!" Galit na bulyaw sakin ni Gly.

" Hoy! Unggoy! para sabihin ko sa'yo hindi ako ipinanganak na malas! ikaw lang naman itong malas, eh sino ba naman kasi talaga ang napapahiya? diba ikaw? Baka ako ang nadadamay sa kamalasan mo! Wala kang karapatan bulyawan ako dahil di mo naman ako pinapalamon!" ganti ko sa kanya.

Nakita niya ang mga taong kanina pa sila pinagtitinginan. Mukang nagiging center of attraction nanaman sila dahil sa Unggoy na ito!  Sa inis ata sa kanya ni Gly ay kinaladkad sya nito palabas ng Cafe.

" saan mo ako dadalin?? Hindi mo ba nakikita? may trabaho ako? Istorbo ka kaya! Nasasaktan ako ano ba! " pagpupumiglas ko

ang walang hiya! di manlang ako pinansin?? -____________________-

"bitawan mo sabi ako kung ayaw mong mag-sisi!" banta ko

Boink! di nanaman ako pinansin -______________________-

"Ayaw mo talaga ako bitawan aa? etong sayo Unggoy!" Sinipa ko lang naman yung junior nya

"Sa susunod, pipiliin mo yung iinisin mo! nananahimik ako dito! guguluhin mo ko ! Huwag na huwag ka na ulit lalapit sakin sasakalin na talaga kita" naglakad nako pabalik ng Cafe

GLY'S POV

DAMN! this woman ! Ipinahiya nanaman ako! Nakita ko yung mga studyanteng nanunuod sa 'LABAN' naming dalawa. Talagang binubwisit ako nang babaeng yun aa? He would not let that girl get away again. Tumayo ako at walang sabi-sabing binuhat ko sya na parang sako. maturaan ka ngayon ng leksyon...

Mismatched LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon