THUNDER'S POV
hinatid ko si LA sa condo ni Gly, and to our surprise ang walang hiya may kasamang iba't ibang
babae at nagmistulang bar ang condo nya
" Gly, hindi mo sinundo sa ospital si LA just for this? " naiinis kong sabi
" WHYYYYYY? is there something wrong with that? " sagot ni Gly " Nakauwe naman sya nang ayos, nothing to worry"
Kinwelyuhan ko si Glydle
" Andito sya ngayon dahil sakin, if you will not take full responsibilty of her sana hindi mo nalang
ginulo yung tahimik nyang buhay Mr. Cassanova" sabay balya sa kanya sa sofa
" LA, you go to your room... magpahinga ka at inumin mo yung nireseta sayo ng doktor, i'll go ahead" paalam ko kay LA
Meanwhile...
Nagising si LA sa uhaw at tawag ng kalikasan kaya minabuti nyang bumangon....
Dahan-dahan sya lumabas ng kwarto at binuksan ang ilaw... napatakip nalang sya ng bibig sa nabungaran
There it was.. ang mahal nya nakahiga, hubo't hubad at may katabing napakgandang babae
Totoo ba yung sinabi nya? Mahal nya? OO, mahal na nga nya ata si Gly, kasi hindi naman sya
masasaktan ng ganito kung hindi. Nakalimutan nya na yung uhaw, bumalik nalang sya ng kwatro
na parang walang nangyari
Kinabukasan
Nagising si Gly, na may katabing babae at hindi na nakakapagtaka kung ano ang nagyari dahil
parehas silang walang saplot
"bitch" naibulong nalang ni Gly sa sarili
pagpunta nyang kusina nakita nya na nakahanda na lahat ng kakainin, nilibot nya ang paningin at
napansin nyang malinis ang condo nya, walang bahid nang kahit anong dumi, parang walang party
na naganap kagabi...
Nang mahagip nya ang pwestong kanina lang ay hinihigaan nya, Teka? Bakit may unan at kumot?
Samantalang sa pagkakatanda nya wala namang unan at kumot sa sala
maliligo na sana sya nang mahagip ng paningin nya ang isang note
" Nagtataka ka siguro kung bakit nagising ka na may unan at kumot ka na, Bago ako umalis nilagyan ko kayong dalawa ng unan baka kasi sumakit ang ulo nyo, malamig pa naman ang sahig... Kinumutan ko nadin kayo kasi baka lamigin kayo, hinanda ko nadin yung kakainin nyong almusal saka yung pampaligo at uniform mo din nakahanda na"
napatitig nalang si Gly sa note, hindi nya alam pero bakit parang hindi nya gusto na nakita ni LA yon...
