Jealousy

13 2 0
                                    

Nagising ako sa marahang katok sa pinto. Lumingon ako sa side table, alas kwatro na pala ng hapon. Bumangon ako nag-ayos muna ng kaunti bago pinagbuksan kung sino man ang kumakatok

" Hey! Uhm. gusto sana kita yayain mag-swimming " Nagulat ako ng si Gly ang napagbuksan ko, dahil di ko alam ang magiging reaksyon ko taliwas sa gusto ko ang naisagot ko

" Ayoko! Hindi ako marunong lumangoy" isasarado ko na sana ang pinto pero iniharang nya ang sarili nya

" Edi tuturuan kita, sige na para naman makabawi ako sa ginawa ko"

" MANIGAS KA UNGGOY! " Isasara ko na sana ang pinto ng makita ko si Thunder " THUNDER! ano tara na?"

" huh? teka saan kayo pupunta?" tanong ni Gly

" Magsswimming" sabay naming sagot ni Thunder. Naiwang laglag panga si Gly habang nakatingin sa aming dalawa ni Thunder

Thunder's POV

Hindi ko inaasahan ang biglang pag-sulpot ni Glydle sa Resort namin. Mukhang mapupurnada pa ata ang pagtatapat ko kay LA aa?

" Thunder dito nalang ako, hindi kasi ako marunong lumangoy" sabi sa'kin ni LA

Ngumiti ako at inabot ko ang kamay niya " Wag ka mag-alala di kita papabayaan"

Tinuruan kong lumangoy si LA pero, nabigo ako! mukhang wala ata sa bokabularyo nito ang salitang "PAG-LANGOY"

" Thunder? paano mo ba malalaman kapag may nararamdaman ka na para sa isang tao? " nagulat ako sa itinanong sa akin ni LA

" Kapag ginugulo nya ang isipan mo. Siya ang unang naiisip mo pag-gising at huli kapag matutulog na. Yung puso mo nagwawala at parang gusto ng sumabog kapag nakikita mo sya" sabi ko sa kanya habang nakakatitig sa kanya

" Na-inlove ka na ba?" sunod na tanong ni LA

" Actually hindi ko alam kung paano mainlove" nakangiti kong sabi " pero may nakilala akong babae,at dahil sa kanya nakita ko kung gaano kasarap mainlove, para sa kanya kaya gusto kong bumangon araw-araw"

" Napaka-swerte ng babae na yun" nakangiti nyang sabi sa'kin

"Kung ganon napaka-swerte mo pala" nakatitig na sabi ko sa kanya. Nakita ko na Nagulat ang reaksyon nya at namula ang pisngi

" ANO ka ba!? wag mo nga akong biruin ng ganyan!" natatawa nyang sabi

Siguro nga hindi pa handa si LA na malaman. Hindi ko muna sasabihin sa kanya. Ayokong mabigla sya at baka layuan nya ako

"bata ka panga talaga" tinap ko ung ulo nya bago ginulo ang buhok nya..

Samantala sa isang sulok ng resort nakamasid si Glydle sa dalawang taong masayang nag-uusap sa may buhanginan. Hindi nya maintindihan sa sarili nya kung bakit nag-ngingitngit ang loob nya at sa unang pagkakataon parang gusto niya sapakin sa mukha ni Thunder. Hindi kaya inlove na sya kay LA?? O________________O

Mismatched LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon