GLY'S POV
" Hoy! Batugan ! Gising na ! di ba dapat mas una kang nagigising kesa sakin dahil kailangan mo
akong asikasuhin? how come ako pa ang gumigising sa'yo" Inis na yugyog ko kay LA
" Kuya! 5 minutes nalang! babangon na ako ! " nananaginip na sabi nito
Medyo napangiti ako, I like her, Di ko alam kung kelan ko ito naramdaman I didn't even know that
I'm capable of even liking or loving someone. Nung una gusto ko lang talaga sya pahirapan. Dahil
natapakan nya ang ego ko at pinahiya nya ko, pero sa paglipas ng mga araw nakikita ko kung ano
talagang klaseng babae sya. Siguro tanga nga talaga ako dahil ngayon ko lang napansin. Kung
ano man tong nararamdaman ko para sa kanya hahayaan ko nalang muna na ganito dahil hindi
ko pa naman talaga alam kung ano itong nararamdaman ko at hindi ko rin alam kung paano
ipapakita at ipaparamdam sa kanya dahil natatakot ako na baka iwasan o lumayo sya sakin.
Di ko alam kung paano nya ako mapapansin kaya gumagawa ako ng ikakainis nya para lang
mapansin nya ko. Pero concern lang naman talaga ko sa kanya kaya ko ginagawa lahat toh <//3
" Hoy! " sigaw ko sa tenga nya
" Ay kalabaw ka!" gulat nya sigaw O_______________O " G-gly! OH MY GULAY! Sorry! napuyat
lang talaga ako! hindi na mauulit ! " natatarantang paliwanag nito
"tssk. bilisan mo dyan ! madami ka pang kailangan gawin! wag ka mag-alala kumaen na ako!
Una na ako! Maglinis ka dyan aa? pag balik ko dapat malinis na dito" sabi ko bago ako tumalikod
at naglakad palabas ng kwarto
LA'S POV
Psssh! Ang arte talaga ng Unggoy na yun! Gusto pa parating malinis ang condo nya! Aba'y
makakalbo na ang carpet nya sa sala sa kaba-vacuum ko! Naknamputsa talaga! Pinanindigan
nya talaga ang pang-aalipin sa akin!
Bago mag-lunch nakatanggap ako ng text galing kay Gly. Nagyaya ito na kumaen sa labas.
kahit nagtataka ako eeh pumunta nadin ako, di na ako nag-abala na magreply dahil wala naman
akong load. Nag-ayos ako, di ko alam kung bakit ko ginawa yon, pero may pakiramdam ako
na gusto ko na lagi akong maganda kapag kaharap ko si Glydle. ugh! di kaya nagkakagusto na
ako sa Unggoy na yon! pinilig ko ang ulo ko at naglakad na palabas ng condo.Pero ang bwisit!
tatlong oras na akong naghihintay sa resto wala padin, dapat ata nagpaload ako para naitext ko
sya eeh, kaso mo wala na akong pera ! sakto na toh pamasahe pauwe ! Gutom nako TT____TT
tatayo na sana ako ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na bulto ng lalaki habang hawak ang
kamay ng isang babae. Ng bahagya itong lumingon nanlaki ang mata nya!
...Si Glydle ! at may kasama itong magandang babae! di lang maganda! as in napaka gandang
babae O___O agad akong nanliit sa ichura ko, di yata't wrong send lang si Gly. Masyado naman
ata akong feeling na para sa akin talaga yung text samantalang di naman na nasundan yung
text nya na yun! gutom na gutom pa naman ako TT____TT lalabas na sana ako nang...
(paki-play po yung music sa side ---->)
" LA?" si Gly ang nagsalita " bakit nandito ka?
" H-Ha? may nagtext kasi sakin na pumunta ako dito,Haha" pilit kong tawa " mukang nanttrip lang
dahil hindi naman ko ako sinipot " pilit ngiti kong sagot "ikaw? anong ginagawa mo dito?"
" I thought hindi makakapunta si Pricila kaya-" pinutol ko na lang yung sasabihin nya
" Kaya ako yung niyaya mo? tapos nagtext sya na makakapunta pala sya kaya nakalimutan mo
na pinapapunta mo ako dito! Sira-ulo ka talaga! Alam mo bang busy akong tao! Alam mo ba
na andami dami mong pinapagawa sakin sa condo mo tapos iniwan ko para puntahan ka dito!
alam mo din ba na tatlong oras na akong nandito at nagugutom na ako? Di naman ako nakakaen
kanina kasi tinambakan mo ako ng mga gagawin! " tuloy tuloy kong sabi
" I'm So- I mean! Bakit!? sino ba kasi nagsabi sayo na seryoso yung text ko sayo? HAHA
SERIOUSLY LA? No one will take you seriously, walang magkakamaling imbitahin ka kumaen
sa labas dahil MALAS ka kasama ! Salot" Sigaw nya na nakakuha ng atensyon ng maraming tao
" even your brother died because of you! para mabuhay ka kailangan nya mamatay! see?" dagdag
pa nito " No one wants-" di ko na sya pinatapos
" pinapunta mo lang pala ako dito para hiyain? ANO? Masaya kana? OO! Namatay si kuya dahil
sa'kin! OO salot ako! OO malas ako! Ano? Masaya kana ba?? Masaya kana!? " yun lang at tumakbo
na ako palabas ng resto, biglang bumuhos ang malakas na ulan, di ko alam kung nasan na ako
ang alam ko lang ay naiyak ako at patuloy sa pagtakbo ng may biglang yumakap mula sa likod ko...
