Confession

17 1 0
                                    

Thunder's POV

" Oh? Anong nangyari sayo LA?" takang tanong ko

" Itanong mo sa kaibigan mo!" namumula sa inis na sabi ni LA. " Sige, magbibihis na ako"

Iiling-iling na sinundan ko si LA nang tanaw. Kailangan ko na talagang kausapin si Glydle, agad kong tinungo ang mini-bar at ayun nga nakita ko si Gly na nakaupo at tinutungga ang Whiskey

" You really should stop treating every girl like crap, lalo na si LA" basag ko ng katahimikan

" Pakealam mo ba? Oo kaibigan kita pero di kita binigyan ng karapatan na pakealaman ang buhay ko" sagot sakin ni Gly

" Bro alam ko naman na attracted ka kay LA" di ko na napigilang sabi

" At ano ang nagbigay sa'yo ng ideya na yan?"

" Lalaki din ako Gly, at gaya nang sabi ko magkaibigan tayo, magkapatid sa magkaibang magulang, we're bestfriends kaya kilala ko na ang hilatsa mo!" seryosong sabi ko

" Attracted ako? kay LA? Seriously Thunder? That's the most stupid thing I've heard from you" sabi ni Gly bago nag-iwas ng tingin sa'kin

" I love LA Glydle, kaya ko sya dinala dito para aminin na sa kanya ang nararamdaman ko, gusto ko na sya dati pa kahit sa pictures lang sa wallet at cellphone ni Laveryck ko s'ya nakikita, pero nung makaharap ko na s'ya yung pagkagusto ko sa kanya naging pagmamahal na " pag-amin ko kay Glydle

" So? anong gusto mo gawin ko?" pabalewalang sabi ni Glydle

" Dahil kaibigan kita ako na ang magpapaubaya, itanggi mo man sa'kin yang nararamdaman mo. Pero hindi mo maitatanggi yan sa sarili mo. Pero sa oras na saktan mo si LA, babawiin ko sya sayo" yun lang at iniwan ko na si Glydle

Masakit man sa'kin ang ginawa ko, alam kong iyon ang tama. Pero seryoso ako, sa oras na saktan ni Glydle si LA sinisiguro ko na babawiin ko si LA, kahit alam kong hindi naman talaga ako ang gusto n'ya...

Mismatched LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon