Annoying Glydle

15 0 0
                                    

LA'S POV

Hindi pa halos sumisikat ang araw ay gising na ako. Nag-jogging ako sa dalampasigan.  

Nang mapagod ako, bitbit ko ang sapatos ko at naglakad nalang ng naka-paa sa puting buhanginan at na-upo doon. Tuwang inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Dahil engrossed ako sa paligid ay hindi ko napansinn na may nakalapit na pala sa akin...

" Stop dreaming about me."

Gulat akong napalingon sa katabi ko. " ginulat mo naman ako!" sabi ko kay Thunder.

" Halika itu-tour kita dito sa Resort namin, marami kang makikitang exotic flowers dito " Masayang sabi ni Thunder. Hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa ! agad na akong pumayag

Dahil sa paglilibot namin ni Thunder. Ginabi na kami nang uwi.

" Uhm. LA mauna kana sa loob, may tatawagan lang ako" sabi ni Thunder

Tumuloy na ako papasok ng resthouse. Itutulak ko na ang front door nang may kumilos na anino at hatakin ako sa dilim. 

Isa sanang tili ang ang kakawala sa aking lalamunan kung hindi ko lang naaninag ang mukha ni Glydle sa liwanag ng buwan. Naka-pajamas lang ito pero walang pang-itaas

" Bakit ngayon lang kayo?" bakit parang may himig nang selos sa tono nito?

" Namasyal kami" simpleng sagot ko

Tumaas ang kilay nito. " At ano ang ginawa niyo buong maghapon? nagkwentuhan??"

" Yes."

"That's interesting," sarcastic na sabi nito. " Do you take me for an utter fool?"

" Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan and I don't care. Kung iniisip mong may nangyari samin ni Thunder? Sorry to disappoint you but I never went to bed with him !" galit na tinalikuran ko na ito

Kahit inis na inis ako kay Glydle ay agad naman akong hinatak nang antok at madaling nakatulog. Kinabukasan di ko inaasahan ang biglaan naming pag-alis ng resort nila Thunder. May emergency daw kasi itong kailangan asikasuhin. habang nasa byahe kami, sinabi ni Thunder na ibabalik na niya ako kay Glydle. Gustuhin ko man tumanggi wala na rin ako nagawa dahil wala rin naman akong ibang tutuluyan, haaaaay. Welcome back to Hell TT___TT

Mismatched LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon