GLY'S POV
Kasalukuyan kong inaantay ang tawag ni ACE. Sa sobrang pag-aalala ko pina-contact ko kay Ace ang pinsan nito para alamin kung nasaan si LA. Hindi na ako tatagal pa ng isang araw na hindi sya nakikita...
" Hello? Ace anong balita?" tanong ko sa kabilang linya
" Dein already found where she is..." mababang boses nito na parang may halong galit
" Then? Asan sya??" inis kong tanong
" She's with Thunder, dinala sya ni Thunder sa Private beach na pag-aari ng pamilya nila-"
Di ko na hinayaang ituloy ni Ace ang anumang sasabihin nya. Nagmadali ako sa pag-empake ng mga damit ko. Pagkarinig ko palang na kasama ni Thunder si LA agad ng nabuo ang desisyon ko..
SUSUNOD AKO SA KANILA !?
LA'S POV
Saglit lang halos ang naging byahe namin. Iniwan ni Thunder ang kotse nya sa umano'y driver nila. Bago kami sumakay sa isang private na chopper na sa hula ko ay pag-aari nya... Haaaaay >3< Ganito ba talaga sila kayayaman? Well, actually si Ace? wala pa akong alam sa kanya, di naman kasi ako nabibigyan ng pagkakataon na maka-bonding manlang sya. Mabaet naman siya masungit nga lang...
" Nakikita mo ba yung Isala na yun?" Turo sakin ni Thunder " Dyan tayo magbabakasyon" Nakangiti nitong sabi sakin
" Talaga??" tuwang-tuwa kong sabi. sa tanawin palang ramdam ko na... MAKAKAPAG-RELAX ako!? walang GLY na maninigaw at mamamahiya sakin dito ! Thankyou PAPA GOD! anlakas ko talaga sayo :">
Maya-maya pa ay nakababa na kami... Sa sobrang tuwa ko di ko napansin na parang natigilan si Thunder...
" Thunder ba- G-Gly?? anong ginagawa mo dito?" natatakot na tanong ko
" I should ask the same question question" matalim ang tingin na binigay niya sakin " Anong ginagawa mo dito?"
" Ako ang nagdala sa kanya dito bro" tapik ni Thunder sa balikat ni Gly " Para sana ilayo sayo, pero since naandito ka- wait paano mo pala nalaman na nandito kami??" takang tanong ni Thunder
" Di ka naman mahirap hanapin " simpleng sagot ni Gly pero halatang naiirita
hinawakan ako sa kamay ni Thunder pero hinawakan din ako sa kabilang kamay ni Gly. Nagsukatan muna sila ng tingin bago nagsalita si Gly
" Sa akin sya sasama at uuwi na kami" sabi ni Gly
" She's not going anywhere. Dinala ko sya dito at bisita ko sya, ikaw ang hindi ko inimbitahan dito kaya kung gusto mo umalis, malaya ka" yun lang at hinatak na ako ni Thunder papasok ng Resthouse nila.
Pagkapasok namin ng kwarto agad nagulat ako ng makitang isa lang ang kama O___________O
"HAHA! don't worry hindi ako dito matutulog! Sa tapat na kwarto" Nakangiti na sabi ni Thunder
" Uhm Thunder salamat nga pala aah?" nahihiyang sabi ko
" Anything for you LA. Anything, Sige mauna na ako. Magpahinga ka na muna tapos mamaya swimming na tayo " kumindat muna ito bago lumabas ng kwarto
Haaaay! kung sana naging kasing bait nalang sana nya ni Gly >__________< teka ! bakit ba si Gly ang iniisip ko! pero namiss ko talaga sya TT___TT nung makita ko sya kanina akala ko aatakihin nanaman ako eeh. Lalo pa ata sya gumwapo <3 . <3 hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip kay Glydle Shane Sy. Ang lalaking Ginawang Circus ang dating tahimik ko na buhaaay...