" Are you sure you na ayaw mo sumabay sakin?" Ngiting tanong ni Thunder
" Oo ! Ayoko naman maka-abala sa'yo pero salamat sa alok" sagot ko
" Well, kung ayaw mo talagang papilit edi sige ! Basta mag-iingat ka lang aah?" Nakangiti paring sabi nito
Ang mokong ! Bakit kaya ang gwapo nito ngumiti ! HAHA. nakakalusaw yung mga ngitian ee *Q*
" Sige !Una na ako!" paalam ko
Habang nasa daan papuntang Cafe, di parin mawala sa isip ko kung bakit Napaka-bait sakin ni Thunder kahit kaibigan nya si Gly. Haaaay ! Anggulo na talaga nang mundo >3<
" LA buti nalang at dumating ka" salubong sa'kin ng Manager ng Cafe na pinagtatrabahuhan ko.
" eto na ang sweldo mo sa buwan na ito." sabay abot sa'kin ng sobre
" H-ho? Bakit ho? pinapaalis nyo na ho ba ako?" nagtatakang tanong ko
" Hindi ako ang nag-papaalis sa'yo iha! Ang may-ari mismo nang Cafe na ito" mapag-pasensyang paliwanag nito
" S-salamat ho, uhm. S-sino ho ba ang may ari ng Cafe? para naman ho maka-usap ko" Habol na tanong ko
" Si Sir Glydle " Simpleng sagot nito bago tuluyang pumasok ng Cafe
" G-Glydle? Si Glydle Shane Sy!?" Sambulat ko!
Ang Hudas na yon! Bakit nga ba di sumagi sa isip ko na ang GSS Cafe ay pag-aari nya ! o__________o
laglag balikat akong nag-lakad pauwe sa tinutuluyan kong apartment *Kruuuuk* ugh! gutom nko!
ansakit pa nang ulo ko dahil sa mga nangyayari ! Nang makarating ako sa Apartment muntik muntikan pa'ko panawan ng Ulirat dahil sa bungad sa'kin ng may-ari...
" Iha!pasensya pero kailangan mo ng umalis, may dumating kanina ditong lalaki at ipinaalam na aalis ka na daw dito, binayaran pa nga ako bago umalis"
" H-ho?! wala ho akong sinasabi na ganon! Hindi ho ako pwedeng umalis ! wala akong tutuluyan ! TT__TT
magiya-ngiyak kong paliwanag
" Nako ! kailangan mo na talaga umalis dahil may bagong uupa na agad dyan sa tinutuluyan mo! tutal isang buwan kana din namang di nakakabayad ng upa mo kaya may dahilan nadin ako para dika tanggapin, kaya't bilisan mo mag-empake at darating na yung bagong uupa!" mataray nitong sabi
Wala na akong nagawa kundi umakyat at mag-empake ! maya-maya pa ay bumaba na ako, naupo ako sa gilid ng kalsada
at tumungo upang pakawalan ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Saan naman kaya ako magpapalipas ng gabi?
nagugutom na ako at sumasakit pa ang ulo ko TT____TT
" eto panyo! iiyak ka nalang ba dyan? " Si Ace ang nagsalita
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
" Wala ! Napadaan lang ako tas nakita kita, kala ko pulube aabutan ko sana nito" sabay taas ng pagkaeng mukang
tira-tira pa nito -___________- kala ko naman concern sakin
" Umalis kana nga! Kaibigan mo si Glydle diba? bawal ka makipag-usap sa'kin! Baka mahawa ka pa sa kamalasan ko!"
iyak kong sabi
Hindi sya nagsalita ! Umupo lang sya sa harap ko at pinunasan ang luha at sipon ko na umaagos sa muka ko.
"Tahan na! Ang cute mo umiyak! Baka lalo ako ma-inlove"
" Ano? di ko narinig masyado" tanong ko
"Ang sabi ko ampangit mo umiyak kaya tahan na" masungit nyang sabi
" Masama ba sayo ang ngumiti? "
Hindi sya sumagot! Sungit talaga ! -_____________-"
Tumayo sya at nilahad sa'kin ang kamay niya
"Tara, sumama ka sa'kin, alam kong wala kang tutuluyan at natanggal ka satrabaho mo. At alam ko din na pagod ka at gutom na"
Tumingin ako sa kanya na nagtataka
" Di kita momolestyahin kung yan ang iniisip mo, nagmamagandang loob lang ako na tulungan ka dahil, ako ang nakakita sayo ! kung papabayaan kita ngayon dito at may masamang mangyari sayo kargo de konsensya ko pa dahil di kita tinulungan" Masungit nitong paliwanag
gustuhin ko man tumanggi ay di ko na ginawa. Siguro dahil sa pagod at awa ko sa sarili ko kaya di na'ko nakipag-talo
muka naman syang mabaet eeh ^__________________^v Nang makarating kami sa Condo nya ( Wow! bigtime! Condo! XD) inasikaso nya ako at ipinagluto...
" Kumaen ka muna bago ka maligo para makapagpahinga kana"
" Uyy! Ace Sunget! Salamat aa? " masayang sabi ko
" Ano kamo? masunget? di ako masungit" medyo nag-blush sya ! Ang kyut!
ichura nya (-_________-") ichura ko (^__________^)v
" oo! masunget na si Ace ! uhm. bakit mo kahit masungit ka mabaet ka sa'kin? ba't d mo na lang ako nilayuan gaya
ng ba. di ba yun ang utos ni Gly?" malungkot kong sabi
" May sarili akong utak! di ko kailangan ng kahit na sino para utusan o diktahan ako sa dapat kong gawin at sa hindi"
Nang oras na yon ! Narealize kong ibag-iba si Thunder at Ace kumpara kay Gly...
ACE'S POV
Naks! pa-pov pov nalang ako ngayon! ^______^v haaay! di ko naman talaga gustong sungitan si LA! di ko lang alam paano ipapakita at ipaparamdam sa kanya na gusto ko sya TT____TT ganito pala ma-inlove ng tondo nakaka-torpe <//3
kanina pa nakatulog si LA, siguro dahil narin sa pagod. Nang dahil sa ginawa kanina ni Gly, nag-alala ako ng husto kay LA kaya naisipan kong puntahan sya sa Apartment nya, at ayun nga sya, nakayuko at umiiyak. Nadulas pako sa kanya kanina ! buti at hindi nya narinig dahil kung nagkataon! Wag naman sana ! ayoko na isipin, sa ngayon makokontento muna ako sa ganito....