Thunder's POV
Pasakay na sana ako ng kotse ko nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae na
umiiyak habang tumatakbo sa gitna na ulanan?? seriously? Nanong Trip ba ni LA sa buhay niya?
" LA!!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi nya ata ako narinig, lumalakas na ang ulan. Hindi na
ako nag-abala pang kumuha ng payong at tumakbo ako para sundan sya dahil nag-aalala ako na
baka mapano sya. bumagal ang takbo nya kaya naabutan ko sya at agad ko sya niyakap mula
sa likuran...
" Baliw ka na ba? anong trip mo at tumatakbo ka sa ulanan?" galit kong tanong sa kanya pero
napansin kong umiiyak sya, akala ko namalik mata lang ako kanina
" Bakit? ikaw ba baliw din? kasi natakbo kadin sa ulan" sabi nya sakin
" Siguro? Hinabol kasi kita. Ano bang nagyari bakit ka umiiyak??" nag-aalala kong tanong
" S-si Gly kasi ! Pinahiya nanaman ako! " iyak niya sa akin
pero may kakaiba akong napansin sa klase ng pag-hinga nya mabigat yun at mabilis
" LA? okay ka lang ba?? "
di sya sumagot tila may pilit sya hinahanap sa maliit na bag na dala nya...
" LA??" ulit kong tanong
" Wala n-na a-akong g-gamot! n-nahihirapan n-na akong h-huminga Thu-" paputol-putol nyang sagot at halatang hirap na hirap. Nakahawak sya sa dibdib nya na parang sikip na sikip.
Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil nawalan sya ng malay. Sa sobrang taranta ko. Pinangko
ko sya at isinakay sa kotse ko ! buti nalang dala ko ang inhaler ni mama kahit papano siguro
makakatulong ito. Inispray ko sa bibig nya iyon. maya-maya pa ay umayos na ang pag-hinga
nya. Dahil sa ginawa ni Gly. Minabuti ko na sa Condo ko na lang muna sya dalin.
pina-asikaso ko sya sa Staff na babae ng Condo. Eventhough I like her, I don't want to take
advantage of her lalo na sa ganitong lagay nya. Nang matapos syang linisin at bihisan ng
staff pumasok na ako ng kwarto at hinayaan ang sarili ko na pag masdan sya...
Ordinaryo lang lahat sa Mukha nito at wala syang making ibang kapansin-pansin maliban
sa magandang labi nito, Sensual heart-shaped lips na bahagyang namumutla dahil
siguro sa nangyari kanina. Nakasuot ito ng simpleng damit lang. lahat ng mayroon ito ay
simple lang. She was really too far from his type of woman. Pero hindi ko maintindihan kung
bakit sya ang may kakayahang gawing circus ang mundo ko...
LA'S POV
Nagmulat ako ng mata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto.
Masakit ang katawan ko pati narin ang ulo ko.
Ang huling natatandaan ko ay kausap ko sa Thunder ng bigla akong inatake ng sakit ko-
nakaramdam ako ng kaba dahil baka pinagsamantalahan niya ako. Tinignan ko ang sarili
ko at laking gulat ko ng mamahaling negligee ang suot ko!!! o______________o
Nasan ang mga damit ko???
As if on cue, bumukas ang pinto at sumungaw ang gwapo pero antipatikong mukha ni Thunder.
May dala itong tray na may lamang pagkain *gulp* di pa nga pala ako nakaen TT__TT
Mukhang bagong ligo na ito dahil tumutulo pa ang tubig sa buhok nito at naaamoy niya ang
sabong ginamit nito habang papalapit sa kanya! She felt something strange ! Sa hindi ko
maintindihang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lub-dub ! Lub dub! Bakit kasi
ang gwapo ni Thunder tapos ang bait pa nya sakin TT__TT pinilit ko nalang inignora ang
nararamdaman ko ng mga oras na yon.
" Na'san akon Ano'ng ginawa mo sa'kin??" tanong ko
Bahagya pa ito tumawa. Napaka ganda sa pandinig ng tawa nito *Q* Buong-buo at lalaking
lalaki. Si Gly din kaya? di ko pa kasi sya naririnig tumawa eeh :"<
" Wala akong ginawa sayo" ti-nap nya pa ang ulo ko " nagpatawag ako ng staff para bihisan ka"
bago ito ngumiti. *gulp* crush ko na syaaaaaaaaaaaaaa!
"Bakit ako nandito?" parang tangang tanong ko >3<
" Hinimatay ka sa mapagmahal kong braso" Ngumiti pa ito na nakapagpatulala sa akin O____O
"nagpatawag nadin ako ng doctor para tignan ka, The doctor said it was due to over fatigue, lack
of sleep at hindi kadin daw kasi kumaen. And since I'm a good samaritan, I took the burden of
becoming your nurse"
" Thankyou" tipid kong sagot dahil nahihiya ako sa kanya..
" HAHA! don't thank me yet " nakangiti nitong sabi " I-gagala kita bukas para naman ma-lessen
ang mga iniisip mo kahit sandali lang ! but bago yun kailangan mo munang magpahinga okaay?"
Nakangiti nyang sabi sakin, sinubuan niya ako at dahil sa gutom ko naubos ko agad ang pagkaen.
maya-maya pa ay inihiga na nya ako at kinumutan. Kahit inaantok ako naramdaman ko padin
ang ginawa nya....
" Good night LA" hinalikan nya ako sa tuktok ng noo bago naglakad palabas ng kwarto nya....