LA'S POV
Medyo nakakapagtaka ang pagbabago nang mga ikinikilos ni Glydle simula nung nakabalik kami
mula sa resort nila Thunder. At kakaiba din ang pag-iwas na ginagawa sa akin ni Thunder TT__TT
Nakaka-panibago ang lahat. Pero bago ako magmukmok dahil sa pagbabago nilang dalawa, dapat
ko muna sigurong pagtuunan nang pansin ang mangyayari ngayon...
*gulp*
Kung kanina malakas ang loob kong makipag-matigasan kay Glydle, ngayon naman ay parang
gusto ko nang umurong. Tinitignan ko pa lang yung bisikletang gagamitin ko ay parang gusto ko
nang himatayin.
" O? ano? Tatanga ka na lang dyan? di aandar yan kung tititigan mo lang. Kaya pwede ba? sumampa ka na sa bike na heneram ko pa kay Ace. Huwag mo na pairalin yang kaartehan mo. Hindi bagay sayo!" nag-aasar a sabi ng Unggoy!
Napalunok ako. Kaya ko kaya toh? naitanong ko sa sarili ko... Huminga ako ng malalim bago sumampa. sa unang subok ay natumba ako, naiinis akong tumayo at sinubukan ulit pero natumba nanaman ako TT__TT at ang walang hiya pinagtatawanan ako !?
Nilapitan ako ni Glydle saka tinulungan tumayo.
" Mukhang di ka talaga marunong mag-bike, I'l teach you today, tapos bukas, dapat marunong ka na." nakangiting sabi nito.
Aba? Bumait ata ang mokong?
" Ikaw ba talaga yan Glydle?? Baka naman malapit kana mamatay kaya bigla kang bumait? sabi ko
Hindi ito sumagot at itinayo ako.
" sige na, sumakay ka na. Aalalayan kita hanggang sa matuto ka."
Lalo akong napanganga dito! di yata't nag-iba ang ihip ng hangin O__________O
abnormal talaga ang isang ito!
Tinuruan niya nga ako gaya nang sabi niya. sa una ay inaalalayan pa ako nito, pero nang lumaon
ay napansin kong hindi na siya naka-alalay, kaya agad akong kinabahan at nawala ang aking
balanse at agad akong tumilapon sa naka-usling bato sa gilid ng kalsada...
" Are you okay?" humahangos na sabi sakin ni Glydle, bakas sa tono nito ang pag-aalala
" Mukha ba akong Okay??" inis na sabi ko sa kanya
Hindi nito pinansin ang pagtataray ko na agad kong ipinagtaka, tinanggal nito ang bisikletang
nakadagan sa akin. Nang tangkain kong tumayo agad akong natumba at napangiwi sa sakit.
" Hindi ko kayang lumakad masakit kapag itinatapak"
"Shit! Mukhang nabali pa ata ang buto mo sa paa! At bukod dyan dumudugo din ang gilid ng
noo mo at ang siko mo." nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin.
Imbis na magprotesta ay nanatili na lang tikom ang bibig ko dahil, alam kong hindi rin naman
papakinggan ni Glydle ang ano mang pagpoprotesta ko....