Atasha Rain's POV
Binawi ko yung malaking teddy bear syempre ako na una ehhh.. kaya nag react naman sya.. ang gwapo nya grabeee.
"Ako na una miss.. diba ikaw yung nasa library last time?" Anong sasabihin ko? Hahaha para akong tangang palaka dito ehh si Tristan naman ay nasa gilid ko lang tapos tinitignan ko sya woahh tulong naman...
"Oo ako nga.. pero akin na yan ako na una ehh" sabi ko.. kahit naman crush ko sya di ko ibibigay yung nag iisa lang no. Syaka pambawi ko pa to sa bestfriend ko.
"O sige sayo nalang. Pasensya na" wow baittt nakakainlove lalo woahh...
"Ahh.. ako nga pala si Atasha" pagpapakilala ko.. hahaha anong connect? Syempre grab the opportunity na noh.
"Sige alis na 'ko" ang bastos naman.. turn off..
Di man lang nagpa kilala? Ano alam nya na na kilala ko sya?. Umalis na sya at ako ay naiwang naka tulala hahaha.. grabe naman kasi sa lahat lahat pa ng pwedeng mangyari ehh yung pag aagawan pa namin ang kaisa isang bagay eh kung dalawa yun ibibigay ko naman sa kanya ehh..Nilapitan ko si Tristan habang mahinang nagtitili sa kilig hahaha.
"Hoy toothpick nakita mo yun?? Kinausap niya ako woahhh".
"Syempre boss nasa harap ko lang kayo eh" matamlay nyang sabi.. anyare dito?.
"Grabe di man lang sya nagpakilala parang mukang masungit ano ba yun" sabi ko.
"E di mo naman tinanong ehh nagpakilala ka lang at isa pa kilala mo naman sya kaya ba't kailangan nya pa magpakilala"
"Hahaha oo nga naman no. Pero ang kJ mo ah..
Ito pala ohh teddy bear binili ko yan para sayo nakipag agawan pa 'ko para lang maibigay yan sayo ehh" bigla namang lumiwanag yung muka nya hahaha so ganun? Madilim lang kanina? Hahaha."Hahaha talaga boss a. Buti naman at naisipan mo. Himala ata" sabi niya habang naka ngiti.
"Oo pero bilang kabayaran ehh i take out mo muna ako ng pizza at ice cream" utos ko. Hahaha.
"Wow naman boss matutuwa na sana ako ehh kasi linibre moko tapos magpapa take out ka pa sa dami ng pinamili mo na ako lahat gumastos?".
"Sige na kasi last na 'to promise" sabi ko with puppy eyes hahaha.
"Wag kang pa cute boss nagmumuka kang asong ulul nyan ehh hahaha".
"Sama mo naman. Sige na itake mo nako dun"
"Tss sige na nga.." pumunta kami sa isang ice cream parlor at syempre bumili ng dalawang ice cream pumunta din kami sa isang pizza house tapos nag take out na din ng pizza.
"Oh ano boss masaya kana?".
"Oo sobra hahaha thankyou manok ahh" sabi ko habang kumakain ng ice cream.. tumitingin naman sya sakin ng nakakatunaw hahaha ano ba to ang awkward kaya umiwas ako.
"Oh tara na uwi na tayo tyaka hatid mo nako 8:30 na ehh" sabi ko at lumabas na kami ng mall.
Inilagay na namin yung pinamili ko sa sasakyan pati yung pagka laki laking teddy bear. Pagkatapos ay pina andar nya na yung engine ng sasakyan.
Bigla naman syang nagsalita.
"Boss, gaano mo ka gusto si Jaycee?" Nabigla naman ako sa tanong nya, hindi kasi ako sanay na nag seseryoso sya ehh alam nyo naman.. puro kabaliwan alam namin."Huh?ehh wala... crush lang hahaha ano ba namang klaseng tanong yan" sabi ko na may halong kunwari tawa.
"Wala boss natanong ko lang, pagod kaba?"
Ang weird ang seryoso nya ano ba to.."Hindi no ang saya ko nga ehh kasi libre lahat hahaha. Syaka wag ka nga mag seryoso ng ganyan di ako sanay ehh hahaha" sabi ko habang kumakain parin ng ice cream. Di pa ubos ehh.
"Di naman, tinanong ko nga lang kung pagod ka ang haggard mo kasi ehh hahaha ang pangit mo".
"Kung maka pintas kala mo kagwapuhan hahaha ang epic nga ng muka mo kanina ehh nung nag lalaro tayo hahahaha" Tignan nyo pa sa itaas.
"Atleast naman cute hahaha ang baliw mo talaga boss" sabi niya pagkatapos ay nag simula na syang mag drive.
Chapter 4 done.
Madalian to guys.. pagpasensyahan ulit.
DFT vote. Thanks.. love lots
#EggNok