Atasha Rain's POV
Nasa veranda ako ng kwarto ko habang nag ffb lang sa laptop ko, wala kasi akong magawa, may pinuntahan kasi si Jaycee kaya ito scroll lang akong scroll sa news feed ko.
"Hayy ang boring naman" sabi ko sabay buntong hininga. Napatingin uli ako sa laptop ko, may biglang nag friend request sa akin. Tiningnan ko muna yung timeline nung nag friend request para maka sigurado. Napailing ako.
"Hindi naman pala to mukhang manggagantyo, ang gwapo pa nga eh at mukang edukado" sabi ko kaya klinick ko yung CONFIRM so ayon na inaccept ko na yung friend request. Sayang kung hindi no. Ang gwapo niya kaya.
Dahil nga sa bored na bored na ako naisipan kong mag message dun sa nag friend request.
Hinanap ko yung name niya sa friends ko.
"Alexander Torre" bulong ko. Aba sosyal ng pangalan. Mukhang may kaya talaga. Biglang napakunot ang noo ko. Teka parang familiar yung surname niya ah, pareho sila ng surname ni Dale. Napailing na naman ako dahil sa naisip ko. Hindi naman siguro. Di lang naman si Dale yung may surname na ganun eh. Hayy.. masyado na talaga akong nagiging paranoid. Miss ko na siya. Asan kana ba kasi toothpick.Tiningnan ko ulit yung timeline niya at nalaman kong taga Chicago pala siya.
"Hi" tinype ko, pero nag dadalawang isip pa 'ko kung isesend ko na ba.
Sige na nga lang, wala namang masama diba?
"Yes?" Wow naman ang sungit hindi ba pwedeng hello isagot niya. Lumalabas tuloy na may kailangan ako. Na bobore lang naman ako eh. Feelingero pala tong isang to.
"Nothing" reply ko. Eh ang tipid niya eh, kaya ayan gaya gaya ako.
After 15 minutes ay hindi na siya nag reply. Mag lo-logout na sana ako dahil wala akong magawa sa laptop nang biglang itong tumunog. Pagtingin ko nag message uli sya.
"By the way thank you for accepting my friend request" sabi niya.
"No problem. anyway, are you a half filipino?" I ask without hesitation
"No, I'm a pure filipino.. 5 years ago when I started to live here" wow ah madaldal din pala to. Hahaha
Pero mas mabuti na rin."Ahh.. do you know how to speak tagalog?"
"Yep"
Napatampal ako sa noo ko. Ghad! Marunong pala tong magtagalog pinapaenglish niya pa ako.
"Eh bakit tayo nag eenglishan?"
"Because you thought I'm not speaking tagalog."
"Hahaha naninisi ka pa eh"
"Hmm, no? I'm just stating the fact you know?"
"Sungit mo."
"How?"
"Sa pananalita mo"
"Well, every one thinks like that but they didn't know what I've been through." Aba! Mukhang malala napagdaan nito ah.
"Eh ano palang pinagdaanan mo? Mala MMK ba yan? Ipadala mo na kay tita Charo Hahaha"
"Haha retarded. Nah it's not like that."
"Ito naman, parang nagbibiro lang eh, nga pala.. ilang taon ka na?" tanong ko. Masyado na ba akong fc? Hm.. bahala na eh sa wala talaga akong magawa eh. And besides I'm a friendly person.
"21 years old. How about you?"
"21 years young.. hehe syempre hindi pa 'ko matanda haha" biro ko sa kanya.
"Funny..." grabe ang sungit. Pero magkasing edad lang pala kami.
"Why you're always this sarcastic?" Sabi ko..
"Because I want to." Napairap ako. Ang gulo nito kausap. Highblood masyado. Maka log out na nga.
Nag lot out na 'ko at ipinatong ang laptop ko sa isang table sa kwarto ko. Saka ako pumunta ng kusina para gumawa ng mango shake. Gutom na kasi ako eh kaya ayon. Kung nandito lang sana si Dale, isang tawag ko lang dun pupunta na agad. Pero ngayon ni anino wala akong makita. San ka na ba kasi Dale?
Nag shashake na 'ko ng mango sa blender ng bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likod ko.
"Are you hungry babe? Nagdala ako ng pizza at ice cream, ako na lang dyan" malambing na sabi ni Jaycee kaya nilingon ko siya.
I smiled, "Ito naman, kaya ko na 'to" sabi ko at bumitaw ako sa pagkakayakap niya.
"Oh sige ipaghahanda nalang kita ng meryenda" sabi niya at pumunta na dun sa table para ilagay yung pizza at ice cream sa isang lalagyan.
Pagkatapos kong mag blend ng mango eh lumapit na 'ko dun sa table.
"Ahh... nga pala babe, next week may family reunion kami, kailangan kasama ka ah. Kasi gusto ka daw ma meet uli nila mommy" he said habang nag lalagay ng ice cream sa isang lalagyan.
"Ahh.. ganun ba, oh sige wala namang problema sa 'kin yun" Sabi ko saka kumagat ng pizza.
"Excited na nga ako eh, kasi atleast maipapakilala na rin kita sa mga pinsan ko," nakangiting sabi niya sa akin.
"Hm.. so dapat pala talaga paghandaan ko yan," I said with a smile.
"You don't need to, everything about you was perfect" he said and then he hold my hand.
"Hindi ako perfect Jaycee" sabi ko sa kanya.
"Hey! Dont say that. Well for me, you're the most beautiful and kind girl, I'd ever seen." sabi niya habang pinipisil ang kamay ko.
"Paano kapag nakahanap ka ng mas maganda? mas mabait? Mas lamang sa akin. So hindi na 'ko perfect niyan?" I said then he suddenly stood up and walked into my place.
"Kahit may makilala akong mas maganda, mas mabait, you're always be the Atasha Rain that I've ever known and it would never change my feelings for you. And as I promise, I'll never leave you. I will stay with you forever," he said and kiss my forehead. Those sweet words makes me feel better. Parang nabawasan lahat ng bigat ng loob na nararamdaman ko araw-araw. Napangiti ako.
"Thankyou for making me smile everyday Jayc, hindi mo alam kung gaano mo 'ko napapasaya. You're trying your best to make me feel what I deserve to feel everyday. Thankyou for loving me for who I am, thankyou for protecting me and giving me an assurance that you won't leave me, thankyou that you're always there when I need someone to lean on, thankyou that you're supporting me in every decision I make, than-.."
"Shhh.. you don't need to thank everything because you deserve it. I'm doing it because I want to, because I love you and besides seeing you happy makes me feel happy too" he said while holding my chin. Dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sakin. He was about to kiss me pero umiwas ako. 2 years na kami, but ever since hindi niya pa ako nahahalikan sa labi I have a reason kung bakit ayoko and I'm lucky dahil naiintindihan niya ako.
"I-I'm sorry Rain, I was just.--"
"No, Jaycee ako dapat mag sorry karapatan mo yun bilang boyfriend ko. At hanggang ngayon kahit halik hindi ko maibigay sayo. I'm sorry,"sabi ko sabay yuko ng ulo.
"No worries, it's okay don't feel guilty about it. I'll wait for it," he said then hugged me.
Hindi ko nga alam eh kung bakit ako ganito, may boyfriend na 'ko pero iba ang nasa isip ko. Masyado na ba akong unfair kay Jaycee? Dapat ko ba syang pakawalan para maging fair ang lahat?. I really felt guilty, hindi ko naman ginustong mangyari 'to lahat. Pero kasalanan ko, dahil sinagot ko sya ng hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Ang sama ko para paasahin ang isang taong tumulong sa 'kin sa lahat.
Im sorry Jaycee.CHAPTER 15 DONE