Chapter 5

34 8 1
                                    

Tristan Dale's POV

Nakarating na kami sa bahay ni Rain pero paglingon ko nakatulog na pala sya grabe lang.. ang bilis nga lang ng byahe ehh tulog na sya.. baka masyado lang s'yang napagod..

Pinagmamasdan ko sya habang natutulog.. ang ganda nya parang anghel pero pag gising ang ingay. Hahaha sa bagay pareho lang naman kami.

"Boss andito na tayo"
Tinapik ko yung pisngi niya baka sakaling magising pero hindi talaga ehh kaya napag desisyunan kong buhatin nalang siya papasok ng bahay nila.

Tumunog ang doorbell nila at agad naman itong binuksan ni Tita.. yung mama ni Rain syempre.

"Oh Dale, san kayo galing at ba't ginabi kayo?".

"Sa mall lang po tita namasyal lang kami ni Rain nakatulog nga ata sa sobrang pagod ehh ang likot din kasi.." sabi ko, hindi nako nakapag mano dahil sa karga karga ko si Boss. Kilala nako ng mama ni Rain syempre mag bestfriend kami nito kaya ayun komportable na din si Tita sakin.

"Ahh ganon ba sige pumasok ka muna ilapag mo nalang si Rain sa sofa ako na bahalang magpa akyat sa kanya mamaya" sabi ni tita.

"Papasok po talaga ako tita eh alangan naman po" pabirong sabi ko.

"Ikaw talagang bata ka.. sige na pumasok kana" oo nga naman no ba't di pa'ko pumapasok ang bigat pa naman ni boss sa dami ba naman ng kinain nya kanina haha.

Pumasok nako at inilapag muna si Rain sa sofa tapos bumalik uli ako sa kotse para kunin yung mga pinamili niya.. saktong pag balik ko gising na sya agad.

"Ohh boss gabi pa naman ahh mamaya kana gumising hahaha".

"Tumahimik ka nga plano mo lang kunin yung ibang pinamili ko ehh".

"Hala ano naman kukunin ko dyan boss? Make up? Undergarments at iba pa?? Ano 'kala mo sakin boss bakla? Hahaha".

"Aba! Malay ko kung may tinatago ka palang lihim. Haha by the way ipag timpla mo nga muna ako ng gatas syaka yung pizza kanina akin na".

"Wow boss kakakain mo lang kanina gutom kana agad? Syaka yung pizza wala na, nasa bituka ko na kaya wag mo na hanapin" sabi ko at sumama naman ang tingin ng loko.

"Anoo???? Takte ehh pina take out ko nga tapos..."

"Hahaha biro lang sira! alam ko namang ang lakas mong magtalak kaya syempre di ko kinain kahit gutom nako" di ko na sya pinatapos ang daldal kasi ehh. Pero kahit ganun di naman nakasasawang pakinggan nakaiirita lang hahaha. Anong pinagkaiba?.

"Ayun buti nalang sige na ipagtimpla mo nako dun" utos nya.. bigla namang sumingit sa usapan si Tita.

"Hoyy Rain mag timpla ka ng sayo ehh kung makautos ka kay Dale parang binabayaran mo ahh.. bumangon ka dyan at mag timpla ng inumin mo".

"Kaya nga tita ehh kahit bagong gising ang kulit parin" sabi ko

"Pareho lang kayo" sagot ni Tita.

"Ano ba naman yan inutos ko sa kanya tapos ibabalik sakin yung inutos ko?" Sabi ni Rain.

"Maupo kana nga lang dyan boss dami mong daldal ehh mag titimpla lang naman ng gatas" sagot ko..

Si tita naman nag luluto lang at nakikinig sa usapan namin ni Rain.
Pagkatapos ko mag timpla ehh syempre bumalik nako sa sala para ibigay ang inumin ng mahal na prinsesa haha.

"Thanks" sabi niya.

"Thanks lang?".

"Ano pa pala inaasahan mo?".

"Di mo'ko bibigyan ng pizza kahit isang pieces lang?".

"Aba, aba wala sa usapan natin yan".

"Boss naman ehh ako bumili tapos bawal tumikim".

"Oh sige ito ohh" wow naman binigay ba naman sa'kin yung may kagat nya na, ano ako aso?.

"Aba boss di makatarungan to ahh..".

"Wag ng maarte".

"Boss".

"Ano? Wala akong gatas anak".

"Hahaha boss naman ehh".

"Okay ang arte mo ehh" pinalitan niya naman ng buo haha buti naman.

"Thankyou boss.. love na kita!" Sabi ko with gay tone hahahaha.

"Ano?"

"I mean alam mo yung love na kita na hirit? Boss haha di updated" pagkukunwari ko.

"Ahhhh syempre alam ko nohh.. ako pa!" Sagot niya na parang nag aalangan.

Tumigil na kami ng naghain na si tita ng dinner syempre makikikain ako noh sabi ko naman sa inyo ehh feel at home lang. Haha kapal din e nu.

"Ohh Asha, Dale kain na kayo dito"

"Opo tita saglit lang po" sagot ko at pumunta na kami ni Rain sa mesa. Yung Dad niya pala nasa ibang lugar nag ttrabaho ones a week lang umuuwi kaya ayun.. ang yaman na nila minsan lang umuuwi ehh ibig sabihin malaki na sahod nun.

Nagkwentuhan lang kami pagkatapos namin kumain syempre ako na nag hugas ng pinggan as I've said gentle dog ako ni boss.

Pagtapos ay tumawag naman yung kapatid kong si Trace na pinapauwi na raw ako nina mama kaya ayun.
"Ohh pano po tita alis na po ako a salamat po pala sa dinner" sabi ko kay tita at nag mano.

"Boss alis nako" pagpapaalam ko kay Rain

"Sige toothpick ingat ah salamat nga pala sa libre, hanggang sa muli babye" hahaha natawa tuloy ako sa tono ng pagkasabi niya parang batang batibot lang hahaha.

"Baliw ka talaga boss. Sige na bye opo tita bye boss alis nako a"

"Kanina ka pa ehh nu 'ge bye" sabi niya sabay kaway kaway.

Walang araw na hindi ako masaya kapag kasama ko yung makulit na yun.. ang saya lang ng araw kong to. Sabi ko sa isip.. kaya napangiti na lamang ako tapos pina andar na yung engine ng kotse.

Chapter 5 done.
Salamat po sa mga nagbabasa. :)
#AE<3ailine

Little help from Mr. CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon