Tristan Dale's POV
Gumising ako ng maaga at naglibot libot lang dito sa resort mag isa. Siguradong tulog pa si boss ngayon kaya alam kong walang maghahanap sakin.
After 30 minutes ay bumalik na 'ko sa hotel at pumunta sa kitchen para mag coffe but I saw Atasha with Jaycee. I stop, hindi muna ako tumuloy at pinakinggan ang pinaguusapan nila.
"I think I'm falling inlove with you Rain, alam ko masyadong mabilis but I want to court you if you'll give me a chance." Biglang nanlaki ang mata ko. Loko 'to ah.. kabago bago lang nila magkakilala ni Atasha eh pupormahan na niya. Aba 'di ako papayag!
"Pa-paano??" Sabi ni Rain na parang nabigla sa sinabi ni Jaycee.. tss sana naman hindi siya payagan ni boss. kung hindi wala na talaga akong pag-asa.
"I don't really know Rain, but you have this strong power over me. Sa tuwing nakikita kita with Dale parang naiinis ako.. so I decided na ligawan ka kasi baka mahuli pa'ko. I know may gusto si Dale sayo and it bothers me. Now please answer my question, may gusto ka rin ba sa kanya?" Grabe ang lakas ng loob niyang itanong yan ah. Tss! Susugurin ko na sana siya pero mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko.
"H-huh? Ehh.. hindi ah! Bestfriend ko lang siya at never ako magkakagusto dun no, the truth is, ikaw talaga yung gusto-" Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko na ako nagpatuloy sa pakikinig sa usapan nila dahil umalis na ako. Nasaktan ako sa sinabi niya. Ganon pala ang nararamdaman niya sa akin NEVER niya pala ako magugustahan.. at ang masaklap umamin na siya kay Jaycee.. ganun ganun na lang ba yun? So anong ending magiging sila? Wala na talaga akong pag asa kay Atasha. Suko na 'ko. At sa unang pagkakataon, tumulo ang luha ko.
Bakla na kung iisipin niyo, but this feeling is the worst feeling I had all my life,, being dumped by someone you love. Hindi ka pa umaamin. Basted ka na.
-----
Atasha Rain's POV
"H-huh?.. Hindi ah! Bestfriend ko lang sya at never ako magkakagusto dun. The truth is, ikaw talaga ang gusto ko. But I'm not really sure kung pwedeng maging tayo". I said to him while looking to his eyes. Ang totoo kasi masyado akong nabigla sa sinabi ko at sa nalaman ko. Kaya nag think twice ako kung papayagan ko ba syang ligawan ako. Naguguluhan ako.
"I know Rain, I'm sorry kung nabigla kita, but I'll wait for the right time, kung papayagan mo na 'kong ligawan ka". Hindi ko alam, nakakalito ang bilis ng pangyayari, parang nung isang buwan lang pangarap ko lang si Jaycee pero ngayon, sya na 'tong gustong manligaw sakin at ako naman ang di pumayag. I don't know but there's something bothering me. Nung nalaman kong may gusto sakin si Dale, parang nabingi ako sa sinabi niya. Totoo kaya?. Kung ganun, Paano? Bakit? Kailan pa? Ang daming tanong sa isipan ko hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga sagot.
"Excuse me Jaycee I have to go somewhere" sabi ko at mabilis na umalis sa kitchen at pumuntang kwarto. Halos di ko ma absorb lahat ng sinabi niya hanggang ngayon di parin ako mapakali. Bakit ganito? Bakit parang may part sakin na nagsasabing, ito na yun, yung hinihintay kong panahon na magustuhan at mapansin din ako ni Jaycee pero mas malaki yung part na parang, binabawi ko na yung gusto ko.
Napahilamos ako sa muka ko.. hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin. Unang beses ako pumasok sa ganitong sitwasyon, yung hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang malaman ang totoo o ang tanggapin ang hiningi ko dati.
Bigla naman akong napatigil sa pag iisip ng may biglang bumukas ng pinto.
At sa di ko inaasahan si Dale yun. Di ko alam kung anong irereact ko, kung itatanong ko ba sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Jaycee o maghintay na lang sa tamang pagkakataon. Pero kelan?
Pumasok lang siya ng walang sabi sabi.. at nilapag ang isang credit card sa table malapit sa bed ko. Pero ang ipinagtataka ko ay may dala syang makapal na jacket.
"Oh Pick san na naman gimik mo?" Sabi ko at pilit na ngumiti. Syempre ayoko naman magpa halata. I hear nothing from him. Hindi man lang siya nagabalang tumingin sa akin at nasaktan ako don. He just walk through the door without any explainations.
Ano naman iiexplain niya? Hayy tanga kana naman Rain eh di mo pa nga tinatanong sa kanya yun.
"Psst uyy san ka pupunta?" Pasigaw kong sabi pero di niya man lang ako liningon. Anyare dun?.
CHAPTER 12 DONE