Part 3: " Nobela "

215 6 1
                                    

Ang lalaking sumisigaw ng HOY!!!

Si Meji pala ( Hindi niya tunay na pangalan )

Si Meji - May maitim na kutis, buhok sakto lang , pabango axe green , Bag (Bobcat) Yan ang kaibigan ko! Si Meji! siya lang ang tanging tao na makakatalo kay Ash bilang isang totoong Pokemon Master!

Meji: Hoy! Long time no see!

Ako: haha oo musta

Meji: Ayun nahuli ko na yung mga legendary pokemon! yung mga shiny legendary pokemon!

Ako: Ahh?? ay oo yun astig ( hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya )

Meji: Diba? kahirap hulihin pero nahuli ko na mamaya papakita ko na sayo! tara sa room

Ako: Tara

Tumambad na naman saken ang classroom na papasukan ko

Mukang ok lang kapareho lang ng mga classroom na napasukan ko sa nakaraang tatlong taon ko sa highschool

Madaming nakasabit sa itaas na bahagi ng pader, Meron sila Albert,Isaac,Alexander etc.

Madami pang ibang litrato ng mga scientist pero bakit ganun? puro mga banyagang imbentor ang nandito? Bakit kaya hindi nila ipaskil yung mga pilipinong umimbento ng? Ng family size softdrinks na ginawang ilaw, Ng imbentor ng mga pabalang na sagot tulad ng anong pangalan mo? Bakit po? At marami pang iba pero sa ngayon balik tayo sa classroom.

Pag pasok na pag pasok tinginan saken ang mga kaklase ko, hindi sa pag mamayabang pero medyo sikat din naman ako dahil sa mga kalokohang nagagawa ko.

Tingin sa kanan sa kaliwa, SHET!!! sabi ko sa sarili ko

ROW 3 sit 2!! HOWAW!! ang cute nung nakaupo! ( pabulong kong sinasabi sa kaibigan ko )

Meji: ahh crush mo? ( medyo malakas ang boses )

Ako: asan na yung ipapakita mong pokemon saken?

Meji: sino yung cute??

Ako: tara dun tayo maupo pakita mo saken mga pokemon

Meji: sige sige tara

Ako: ( hingang malalim )

Madumi pa ang classroom namin, wala pa kameng idea kung sino sino ang mga bagong kaklase at kung sino sino ang bagong mga teacher.

Ito ang isa pang exciting sa pinakaunang araw ng eskwela! ang pamimili ng magandang upuan sa ROOM!

Ako: tara dun sa likod

Meji: tara

Astig nakaupo nako sa upuan kong matibay! habang nakaupo ako ay napansin ko ang mga nakasulat sa arm chair ng upuan ko

- I love u 4 ever

- mahal parin kita ayin

- EMO SH**T

- EMO KID

- 0905..... Nid txt mate ( girls only )

- paadd sa friendster cutey_me_143xXx@yahoo.com

Hanep pati sa arm chair ba naman ateng?!

Habang abalang nag lalaro ng gameboy ang katabi ko pumasok naman ang isa ko pang kaibigan sa classroom

Si Mark!

Mark's Characteristics: Mataba,Siga ang kilay,Cool ang hagod ng buhok, Mahilig sa motor,mahilig sa computer.

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon