Part 24: " Greatest Movie Scene "

75 1 0
                                    

Para kong contestant ng isang gameshow at lahat ng tao ay nag aabang sa isasagot ko para sa jackpot prize

Simple lang naman ang tanong sakin eh...

Totoo daw ba? Totoo daw ba yung sinabi ni tenga?

True or false lang naman ang sagot dito pero napakahirap sagutin, siguro hindi mahirap pero nakakakaba palang sagutin.

Kung isasagot ko ay True at positibo ang epekto eh para nakong humapi ever after sa isang fairy tale at kung hindi naman maganda ang response eh isang linggo lang naman akong tutuksuhin sa loob ng classroom.

Pero kahit hindi ako babaero eh basang basa ko sa mata ni alexis na gusto niyang sabihin ko eh totoong gusto ko siya

Pareho kaming nag pipigil pero dahil ako ang lalaki ay kailangan gampanan ko na ang responsibilidad kong mauna sa pag papahayag ng nararamdaman.

Pero kailangan ba talaga ng pagkakasunod sunod sa kung sino ang dapat mauna sa pag sasabi ng emosyon pag dating sa mga ganitong sitwasyon?

Sa tingin ko dapat talaga wala, nasasayo na yan kung uunahan mo lahat para lang sa mahal mo, oh pababayaan mong makuha pa siya ng iba dahil sa kapagungan mo.

Patuloy lang si alexis sa pag ngiti habang nag hihintay sa sasasabihin kong sagot

TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS

Bahala na talaga, kung ano man ang magiging sagot niya eh bahala na bibitawan ko na talaga ang salitang pang slowmotion

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya, sabay nilabas ang hindi madig kong dimples at sumagot ako kay alexis sa pamamaraan na tahimik lang ang dating, Pinahayag ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pamatay na head language.

Sa pamamagitan ng pag tango ng aking ulo ay sinabi ko sa kanyang gusto ko talaga siya

Alexis: Oh anong ganyan?

Ako: Ahmmm alam mo na yun

Alexis: Hinde HINDI ko alam

Nangisi ako, hindi epektibo ang head language gusto niya talaga yung sasabihin ko ng rektahan

Nagagalit na siya sakin pero nakangiti pa rin

Bigla kong naisip ang mga pinoy romantic movies, sa dinami dami ng mga pelikulang pinoy eh palagi nalang pinag hihiwalay ng mga mayayamang magulang ang mga anak nilang babae sa mga manliligaw nilang hindi mayaman, At palaging sa amerika ang destinasyon ng anak na yun

" Dadalin ka na namin sa amerika dun kana mag aaral "

Yan ang sikat na linyang hindi na iba sa pandinig ng mga pinoy pag dating sa mga romantic movies.

Dadalin na raw ang anak nilang babae sa amerika na kung saan padabog na mag rereply ang babae ng sikat na sikat ding linyang

" Magsimula bata ako ginagawa ko na ang gusto niyo, for once yung gusto ko naman ang pagbigyan niyo, please mom dad minsan lng "

Pero syempre tututulan ito ng striktong magulang niya at ipapadala siya sa amerika kung saan magtatanan sila ng bidang lalake na ikakagalit naman ng magulang ng babae na siyang dahilan para mawalan ng mana ang babae pag hindi siya bumalik sa magulang niya na pawang wala naman akong kinalaman.

Balik tayo sa tunay na mundo

Ako: Alam mo naman yun eh

Alexis: Ano? Hindi ko nga alam sabihin mo na kasi

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon