Part 11: '' MAALAALA MO KAYA ''

123 3 0
                                    

Napaka Cute talaga ni Alexis, Pormang sesermonan siya ni Sir dahil late pero agad niya itong nginitian ng pangyanig tuhod at panglaglag panga.

Sir Values : Oh siya iha umupo kana.. Ok ang...

Hindi pa man nabibitawan ni Sir ang sasabihin ay may isa pang pumasok sa room na nalate din.

Reya: Sir Sorry po Im late...

Si Reya din nalate, Grabe iba talaga ang dating ni Reya. Kumbaga mata pa lang niya kahit chocolate na isang lingo sa freezer malulusaw agad eh.

Maganda talaga si Reya, Nakasunod ang mata ko sa kanya hangang sa makaupo siya.

Hindi rin nakuhang magalit ni Sir dahil sa gandang taglay niya. Haay girl power nga naman.

Sumunod na nalate ay si tenga

Sir Values: You! Anong oras na bakit ka nalate?

Dinaan ni tenga sa ngiti katulad ng dalawang naunang nalate pero hindi ata epektib pag siya na ang gumawa.

Tenga: Sir umihi lang po kanina pako dito sir

Sir Values: Umihi ka hindi ka man lang nag paalam? Next time mag eexcuse ka if ever na lalabas ka ng room is that clear?

Tenga: yes sir...

Tinahak ni tenga ang daan patungo sa upuan niya na may kasamang mga matang nag hahanap ng hustisya.

Nagsimula na ngang mag turo si Sir ng kagandahang asal..

Sir Values: Class bago ang lahat meron kayong isang required activity saken ok? Kailangan niyong gumawa ng Diary at ang simulang date ay kahapon, Yung unang araw ng klase at ipapass niyo yan saken before graduation is that clear?

All: yes sir

Diary daw.. Unang beses ako susulat ng isang diary kung mag kataon, kadalasan ay puro babae lang ang gumagawa ng diary pero kahit lalaki ako ay naeexcite akong gumawa noon, nakakatuwa kasing itala ang mga nangyayare saten sa pang araw araw, Sa ngayon masasabi kong parang walang point kung babasahin mo agad ang sinulat mo, pero siguradong balang araw mapapangiti ako ng isusulat ko dito habang naaalala at sinasariwa ang mga nagdaang araw.

Hindi ko masasabing pagtuturo nga ang ginagawa ni Sir, sa halip ay parang nag babasa lang siya ng diary sa harap naming lahat.

Nagkwekwento siya ng mga pangyayaring sa tingin niya ay tatatak at mag papabago ng aming mga pananaw sa buhay.

Una niyang kinwento ang mga adventures niya nung bata siya. Nung bata daw siya ay hirap na hirap sila sa buhay, oo Hirap na hirap sila sa buhay. Kinwento niyang mabuti ang pagkabata niya sa paraang maiiyak ang mga nakikinig na estudyante.

Hirap na hirap kame nun, may sakit ang ama ko, si ina lang ang pilit na nag tataguyod sa aming walong magkakapatid, at dun ako natutong mangarap, dahil sa kahirapan ay unti unting nagkakulay ang mga pangarap ko, mga pangarap na sinabi kong balang araw ay matutupad.

Normal na sa bawat malungkot na kwento ay mayroong may sakit sa pamilya, hindi na iba yun sa pandinig, Haay ang drama na ng klase

Tumakbo nalang ang imahinasyon ko, Pasimpleng sumusulyap kay alexis habang nag-aala Charo Santos Concio si Sir sa harap naming lahat.

Sulyap ...Tingin kay sir

Sulyap......... Tingin kay sir

Sulyap.......................Tingin kay sir

Mukhang nadadala na si Alexis sa kwento ni Sir, pati yung mga sipsip na babae sa harap ay natotouch na sa kanya,

Inip na inip nako ngayon sa nangyayare sa loob ng room, Kameng power rangers sa likod ay nagmimistulang lantang gulay na wala ng pagasang mabenta sa palengke dahil sa pagkabagot.

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon