Part 8: '' Tuna Bear ''

105 4 0
                                    

Alexis: Oh? Sabi ko bakit moko ninominate na muse

Ako: Eh kasi...

Hindi pa man ako nakakabwelo ng sasabihin ko ay gumamit na siya ng kakaibang technique para mapabilis lalo ang TUGS TUGS TUGS TUGS na nararamdaman ko.

Ngumiti siya ng isang simple pero nakakapang hina ng tuhod.

Para siyang model ng toothpaste, Ang ganda ng ngiti niya. Yun yung tipo ng ngiti na pwedeng gamot sa hari ng berbanya kapag wala ang Ibong Adarna. Baka nga model siya ng toothpaste.

Slow motion ang paligid ko... Oo slow motion, hindi ko alam kung anong klaseng salamangka ang hatid ng ngiti niya para mapabagal ang oras ng ganito pero malakas ang kutob kong ang babaeng to ang mag bibigay ng ibig sabihin sa mga malalalim na lyrics ng love songs na kinakanta ko sa banyo tuwing naliligo.

Ano bang sasabihin ko? Oh gagawin para hindi naman ako mag mukhang tanga sa harap niya.

A. Eh kasi ninominate mo din naman ako eh

B. Dramatic Exit, Snob ng konti

C. Inom ng sprite ( Magpakatotoo ka ). Eh kasi ganda mo eh.

D. None of the above.

Ako: Ahmm A

Alexis: Anong A?

Ako: Este, Ahmm ahh kasiiiii ehhh, ahmm ahhhh wala lang. Tip ko lang ... tlip trip.. trip ko lang

Alexis: Eh bat nabubulol ka?

Ako: Sinong nabubuyoy? Ahahaha hindi kasi wala lang,, eh bahat ikaaaw baaket moko ni no mi ne yt?

Sabihin mo crush moko! Sabihin mo crush moko! Sabihin mo crush moko!

Kung mahilig kayong manuod ng mga love story na pelikula.

Alam niyo na ganito ang mangyayare at ito nga ang nangyare dumating ang panira ng moment sa love story namin ni alexis. Isang Lalakeng deepinside ay babae ang humatak sa kanya palabas ng room para mag meryenda.

Bez tara na meryenda tayo dun.

Hinatak si Alexis ng bakla kong kaklase. Para siyang kinidnap saken.

Si Josephine. Joseph pag umaga, Joseph pag nasa bahay nila. Josephine pag gabi Josephine sa eskwela. Bakla kong kaklase na naka barber's cut with full smiling face badges sa bag.

Taena naman! Mag kikiss na eh sabi ko sa isip isip ko

Asa pintuan ako ng room nun kaya dumaan si Alexis sa harap ko, Amoy na amoy ko siya, Simpleng cologne lang na mapapapikit ka sa bango. Umandar na naman ang imagination ko na nag dadate kame sa Ilalim ng puno ng Cherryblossoms at dumating si tenga para ikiss ako... Tae dumating nga si tenga bwisit panira ng moment

Tenga: WOy UNGGOY!!! Diba may cellphone kana?

Ako: Oo bakit

Tenga: TAENA PRE!! SUMALI KA DITO SA CLAN NAMIN ANG DAMING CHIX DITO!!!

Ako: Anong Clan? Baka kulto yan

Tenga: Bobo mo naman, Clan sa cellphone teka ano ba number mo?

Ako: Eto tut tut tut

Tenga: Ayan nasave ko na ayan nag text nako ng form ng clan mag register ka, send mo ditto sa number nato

Toot toot toot toot

1 message recieved.

~BLACK DRAGON CLAN~

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon