Part 17: '' ANTI-VIRUS HAS BEEN DETECTED

109 3 1
                                    

Napagkasunduan nga naming mag kakagrupo na si Reya na ang maging Group leader namin sa play na kung saan hindi man lang sinabi ng teacher namin kung anong klaseng play ang gagawin.

Reya: Kung about sa kwento, kakausapin ko si Mam mamaya para mag ka idea sa gagawin natin kasi nagmamadali siya kanina.

Meji: .......

Reya: So ayan na yung number ko, mag kita kita nalang tayo sa Saturday sa bahay namin, bahay namin yung white na house dun sa tabi ng GYM

Bukod sakin eh alam nilang lahat kung san nakatira si Reya.

Tenga: Haay sa dami dami ng makakagrupo ko meron pang nakawing kawing haha

Kate: Hoy tenga ako nga tigilan mo, pag nag init ang dugo ko baka tumaob ka bigla.

Leon: Dude baka naman tadhana talaga ang dahilan kung bakit mag kagrupo kayo haha

Natapos ang diskusyon namin sa tawanan, Si kate naman eh nakaporma ng pumatay ng katabi.

Nakakatuwa si Tenga, kahit hindi niya sabihin samin eh halatang halata namang gusto niya si Kate, kahit lagi niyang inaasar to eh hindi maitatagong gusto niya talaga ito, meron kasing mga taong sa halip na masabi yung tunay nilang nararamdaman eh nag kakamalfunction yung dila nila kaya nauuwi sa pang aasar nalang.

Todo bangayan ang Katenga love team sa grupo para silang si Tom and jerry, Batman and joker, Goku and Vegeta, away bati sila este wala palang bating nangyayari puro away lang.

Ang bilis natapos ng araw na to, wala man lang kwento tungkol kay alexis, ni simpleng kwentuhan eh walang ngyare, hindi ko pa rin siya magawang kausapin kahit medyo close na kami, pambihirang buhay to. Diretso nako sa bahay, nagpalit ng damit at nag bukas ng PC para mag relax ng konti.

Masasabi kong ang PC ko ay one of a kind, hindi ganun kabilis ang PC ko, pero meron siyang pusong palaban!

Masasabi kong may pusong palaban ang PC ko dahil sandamukal ang virus na andito pero hindi pa rin siya nasisira, kumbaga eh naging pugad na siya ng virus, sa sobrang dami ng virus sa pc ko eh talagang siksikan nalang sila, Minsan nag iinstall din ako ng anti-virus para naman mawala ang mga boarder ng PC ko, pero sa sobrang dami ng Virus eh talagang hindi kaya

Ganito ang eksena pag nag install ako ng Anti-Virus sa Pc ko.

Installing Anti-Virus

Dito sa pag iinstall ng kahit anong program nagiging sinungaling lahat ng nag iinstall, meron kasi ditong tanong na masasabing pinaka malaking kasinungalingan sa mundo, ang "I have read & agree to the terms of use."

Next next next

Tuut tuut Alert Alert Anti-Virus has been detected would you like to terminate the operation?

Ganyan katindi ang PC ko, ang Pugad ng Virus!

Nagopen nako ng pwedeng laruin sa PC ko, wala naman akong trip laruin kaya nag hanap hanap muna ko ng mga nakasuksuk na laro

HANGAROO open

Hangaroo, isa itong laro na kailangan mong iligtas ang Kangaroo sa death sentence, Bitay ang hatol sa kangaroo na ito kapag hindi mo nasagot ng tama ang tinatanong ng computer, apat na mali ay mabibitay na ang kangaroo mo. Manghuhula ka ng mga letra hangang sa mabuo mo ang hinahanap na sagot.

Kadalasan sa larong ito ay puro vowels ang unang ginagamit, kadalasan ay letter A, yun kasi ang hindi mawawala

Aaminin ko sa inyo na madami na akong kangaroong hindi nailigtas.

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon