Part 28: " Stick O "

78 3 0
                                    

Tumatakbo ang nakatalikod na babae na sa tingin ko ay si twinklebear!

"Twinkle teka! Hintayin moko " mga linyang sinisigaw ko sa isang madilim na kwartong hindi matapos tapos habang pinipilit kong makahabol sa kanya sa pagkakatakbo. Naabutan ko siya at hinawakan ang kamay niya dahilan para makaharap siya sakin. Naka headband na pink si twinklebear at humarap siya sakin na may kasamang mga ngiting pantunaw sa mga nyebe sa amerika. Si alexis ang nakita kong babae sa aking mga panaginip. Bumulong lang siya ng " gising na " at bigla akong namulat sa galing sa matamis na panaginip patungo sa mapait ng reyalidad.

AYOS! Pagkatapos ng ilang oras na sobrang bitin na pagkakapikit ng mata ay gising na naman ang katawang lupa ko

Gumising ako na inspired pa rin sa mga binitawang salita ni kaibigang jose kagabi, mga salitang tumatak talaga sa isip ko at gumuhit sa puso.

Gumayak na ako at naghandang umalis papuntang eskwela, Nagdasal bago lumabas ng bahay.

Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ng madatnang nakaupo si Jose sa Tindahan ng Isaw at nakikinuod ng Cartoon network sa batang ayaw magpalipat ng palabas

Ako: Pare Pasok nako sige!

Jose: Haha Pare ang love parang Skatsteyp lang yan

Ako: Haha, Oh? Ano na naman yan?

Jose: Hindi mo mararating ang dulo pag panay tingin ka lang, dapat dadamahin mo ito

Ako: Haha Sige sige sabi mo eh

Iba talaga si pareng Jose, aalis na lang ako may pabaon pang banat na pang pustahan na sigurado kong nabasa niya lang kung saan.

Tinuloy ko ng muli ang paglalakad ko, Para kong nag aadventure papunta sa sakayan papuntang eskwelahan, At dahil may load naman ako ay gagawin ko ang isang bagay na napakadalang kong gawin, ang mag GM

Dati lingid pa sa kaalaman ko kung ano ba ang GM, Group message pala, isang mensaheng may signature note sa dulo ng nag send para mas mukhang cool ang pinangalingan ng mensahe

Dati sa totoo lang, naiinis ako sa mga taong GM ng GM, yung tipong lahat ng nangyayare sa buhay nila ay ishashare nila sayo, kahit hindi para sayo ang mensahe ay isesend pa rin nila sayo

Example ng mga GM na binubura agad

Oh YES! I have a new cellphone GM WOO! Unli na naman ako! GM Grabe ang saya ng araw ko! Naglibot kame sa mall, Thanks sa treat Michael nag enjoy ako IMY GM

Ha? At ito pa ang pinakamatinding GM na hindi mo alam kung wrong send siya pero sa dulo eh damay ka din pala

4. Haay, Classmates sobrang fun ng activity today

Eugene: ICHECK MO YUNG PIT! Cs later!

Herson: Ikaw ang pinakaungas na nakasama ko! Haha pero ayos ka talaga

Marc: UNGAWTSSS!

Dexter: Tara jabee!

RJ: Ok lang yan pre! Madami pang iba

Jeric: DADDY!!!! Hahahaha congrats!

Patz: Yun nga gusto mo!

Giselle: Ganda talaga IMBA!

Maykel: nagbago kana ! haha

- GM -

At ito pa ang malupit sa ganyang klaseng GM, mag GGM siya ule tungkol sa GM niya at hindi mo alam kung bakit pati ikaw eh nadadamay sa GM niya

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon